Chapter 18 Trabaho Hinaplos ko ang labi ko habang nakasandal sa headboard ng kama ko. I could still feel the soft, hot and sweet lips of Irwin. Malinaw at sariwa pa rin sa akin ang nangyari sa amin sa Matabungkay. His eyes went dark as he said and confessed his love for me. Nuot na nuot talaga sa kaluluwa ko ang lahat ng iyon, kaya hanggang ngayon, hindi pa rin ako makaahon sa nangyari. He was my first kiss, actually. Hindi ko nga alam kung tama ba ang ginawa ko noong ginagawa namin iyon. Basta ang naalala ko lang, para niya akong dinadala sa langit noong mga oras na iyon. Bigla akong napasulyap sa cell phone ko na nakapatong sa maliit kong cabinet nang ito ay umiilaw. Kinuha ko iyon at sinagot ang tumawag. Si Mama iyon. Hello, 'Ma, tawag ko sa kabilang linya. Anak, kumusta ka na?

