Iyong pakiramdam na umasa ka at nabigo. Iyong pakiramdam na tatlong taon kang naghintay na bagamat walang kasiguruhan subalit ginawa mo pa rin dahil iyon ang laging ibinubulong ng iyong damdamin at udyok ng iyong isip. Ngunit sa huli, malalaman mo na lang na ang taong minahal mo nang husto, na pinagtiyagaan mong hinatayin sa walang katiyakan ay inaangkin na pala ng iba. Sobrang sakit. Hindi ko kayang isalarawan ang paghihinagpis na aking nararamdaman. Para akong isang ibong nabalian ng pakpak. Iyong pakiramdam na limang taong ibinuno mo sa pag-aaral sa kolehiyo ngunit bumagsak ka lang pagdating sa board exam. Nang makita ko sa f*******: na magkasama sina Makoy at Chad, parang gumuho ang mundo ko. Hindi ko kayang tanggapin na ang taong minahal ko at naging sentro ng buhay ko ay may minam

