Chapter 19

3810 Words

Nang maglapat ang aming mga labi,nagdiwang ng lubos ang aking kalooban. Isang pangarap na ngayon lang naisakatuparan. Pangarap na hindi ko inakalang magkakatotoo na para bang isang suntok sa buwan. Nang ipikit ko ang aking mga mata para namnamin ang sarap na dulot ng kanyang halik ay siya namang pagsulpot ng imahe ni Chad sa aking diwa. Kaagad akong nagmulat. Marahan ko siyang itinulak. Nakita ko ang magkahalong pagtataka at pagkadismaya sa kanyang pagmukukha. Kinagat niya ang pang-ibabang labi na para bang nagpapakita ng pagkabitin. Hindi sa ayaw ko ang nangyari. Dahil sa totoo lang para na akong sinisilaban sa halik niyang iyon at init ng kanyang palad na humahagod sa aking tagiliran. Ngunit hindi ko kayang tuhugin ang lalaking pag-aari na ng iba. Oo mahal ko siya. Hindi nagbago iyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD