Chapter 62: Pagsagip kay Cedie NAKAHANAP ng tiyempo si Hezekiah at nakalabas siya ng kanyang kotse. Hindi pwedeng mananatili lamang siya sa loob dahil nalilimitahan nito ang kanyang pag-asang makatulong sa awtoridad. Nakikita na niya ang mga sindikato na nakikipagbaliran at hindi pa takot ang mga ito kahit alam ng mga itong mapapahamak lang kapag lumaban pa. May nakita siyang puno ng niyog at nagtago siya roon. Sobrang hirap kumuha ng tiyempo upang siya’y makabaril din. Nakatago at nakadapa ang mga kalaban. Hindi rin naman pwedeng susugod siya kaagad dahil paniguradong ikapapahamak niya iyon. Sa kalagitnaan ng kanyang paghahanap ng tiyempo ay biglang tumunog ang kanyang cellphone na nakalagay lang sa kanyang bulsa. Dumapa na muna si Hezekiah at sinagot kung sino man ang tumawatag. “H

