Chapter 63: Galit ng Isang Apoy TILA hindi makapaniwala si Hezekiah sa kanyang narinig mula sa doktor. Gulat ma’y napatayo siya at nilapitan ang anak na wala nang buhay. “Hindi, hindi ba lalaban ka? HB, magkakasama pa tayong lahat. Lumaban ka please.” Napuno ng iyakan ang buong silid. Yakap-yakap ni Hezekiah ang anak habang kinakusap niya ito at umaasang mayroong himala na mangyayari. Ngunit nanigas na ang buong katawan ni HB at impossibleng mabubuhay pa ang anak. “Masiyadong malakas ang naging impact ng kanyang pagulong. Sobrang malala ang blood clot na nasa kanyang ulo at kumalat na ito. I am very sorry sir, ngunit wala ang inyong anak,” wika ng doktor at iniwan na sila sa loob ng room. “Hindi, buhay ka pa hindi ba? Buhay ka pa HB? Buhay ka pa hindi ba?” Sinubukan ni Hezekiah na i-

