Chapter 68: Umpisa na ng mga Plano Dumaan pa ang mga araw, pakiramdam ni Denzel sobrang tagal na niya sa isla. Ni hindi na nga niya alam kung ano nang petsa ngayon at wala pa ring senyales na makakaligtas siya rito. Unti-unti na naman niyang nakukuha ang loob ni Crim Carl ngunit hindi pa iyon sapat. Paniguradong paghihinalaan pa siya ng lalaki kung bakit nagiging mabait na siya. Bagay na hindi paniniwalaan ng lalaki ng ganoon kadali. Habang naghuhugas siya ng mga pinggan ay biglang lumapit sa kanya ang lalaki at niyakap siya sa likuran. Sa kanyang gulat ay nasampal niya ang lalaki. Masama niya itong tiningnan at napangiwi ito sa sobrang lakas niyon. May mga bula pa ng sabon sa mukha nito na dumikit. “Nakakasanayan ko nang mamuhay rito Crim Carl ngunit ang yakapin mo upang masunod ang

