MSMK: 69

1616 Words

Chapter 69: Ala-ala Unang araw nang pagluluto ni Denzel para sa kanila ni Crim Carl. Ayaw naman niya itong gingawa ngunit wala na siyang magagawa pa. Sinubukan niyang gumising ng umaga. Inayos niya ang kanyang sarili at nagtungo sa kusina. Ganoon nalang ang pagkagulat ni Denzel nang naabutan niya sa Crim Carl roon habang umiinom ng kape. “Akala ko ay tulog ka pa,” aniya sa lalaki at nanatiling nakatingin rito. “Kanina pa ako gising. Hindi ako makatulog kaya minabuti kong magkape na muna. Nagsaing na pala ako ng kanin kaya ulam na lamang ang lulutuin mo,” ani Crim Carl ay nagpatuloy ito sa pagkape. Tumango lang si Denzel at nagtungo sa malaking refrigerator. Pagkabukas niya sobrang daming laman pero medyo napaisip siya. Hindi aabot ng dalawa o tatlong buwan ang mga nasa refrigerator.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD