Kabanata 70: Pagtakas HINDI sa lahat ng oras ay nagiging maganda ang mood ni Denzel kapag kaharap niya si Crim Carl na siyang dahilan ng lahat ng parusa sa kanyang buhay ngayon. Kahit anong pilit niyang gawing maging mabuti sa lalaki upang makuha ng mas madali ang tiwala nito ay nabi-bwesit pa rin siya. Tama nga ang kanyang mga naiisip noon. Habang tumatagal ay mas lalo lang bumibigat at lumalaki ang galit niya rito. “Ako na ang maghuhugas ng ating mga pinagkainan,” aniya sa lalaki. Nauna siyang natapos rito na kumain at hinintay niya na lamang ito. “Ako na ang maghuhugas, tutal ikaw naman ang nagluto, eh. Para fair lang tayo,” giit nito at niligpit ang mga pinggan. “Ikaw ang bahala, hindi kita pipilitin. Lalabas na muna ako upang magpahangin,” aniya rito at tumayo. Sobrang lakas ng

