Chapter 21: Pagbubuntis ni Denzel HINDI paman kumagat ang dilim ay naghanda na si Hezekiah. Kumain na rin siya ng mas maaga upang hindi siya magutom at makapag-concentrate siya mamaya sa pakikipag-usap kay Lumino. Labis siyang kinakabahan baka hindi siya kausapin ng lalaki ngunit walang mangyayari kung hindi niya susubukan. Hindi niya rin kasi ito mapipilit ngunit dalanngin niya lang na pagbibigyan siya ni Lumino. Kahit kaunting oras lang. “Sigurado ka ba na hindi mo na ako isasama?” tanong ni Jonito habang pinagmamasdan siya sa kanyang pagsusuot ng puting rubber shoes. “Hindi na kailangan Jonito. Hindi rin naman kasi ako sigurado kung haharapin nga ba ako ni Tito Lumino ngunit sana ay pagbibigyan niya ako. After this ay hindi na talaga ako mangungulit sa kanila. May sarili ng buhay si

