Chapter 20: Ang Nakaraan HABANG lumilipas ang ang mga araw ay masasabi na talaga ni Hezekiah na nagiging okay na siya. Aaminin niyang bumabalik pa rin sa kanyang isipan si Denzel ngunit kaya na itong naku-kontrol. Buhat siguro na siya'y abala sa kanyang pagsasanay kaya nawawaglit na sa kanyang isipan ang babae. Bukod pa roon ay tiningnan niya ang kanyang post. Sobrang daming reactions at comment at lahat ng iyon ay masasayang mga comments. Mayroon ding mga nag-share. Sana lang ay umabot ito sa batang babae noon na kanyang nakilala. Hindi niya na rin nabigyan ng gaanong pansin ang post niyang iyon. Mas importante ngayon ang kanilang misyon kaya pusposan ang kanilang preparasyon. "Isang linggo nalang at aalis na tayo. Hindi ko pa rin ma-imagine na ito na ang huli nating misyon bilang mga

