Chapter 74: Pangungulila Sarap na sarap ang pamilya sa nilutong chicken curry ni Denzel. Hindi siya makapaniwala kung bakit niya iyon nagawang lutuin gayong wala din naman siyang ideya kung paano. "Hindi ka rin pala magaling sa pakikipaglaban Ate Denzel. Magaling ka rin pala sa pagluluto," masayang wika ni Miya habang kumakain ito. "Hindi ko rin alam kung bakit ako nakakapagluto ngunit siguro nga ay may alam ako noon, ginamit ko lang ang aking pakiramdam na sa tingin ko ay tama," natutuwang wika ni Denzel. Sobrang saya sa pakiramdam na mayroong maraming natutuwa sa kanyang kabutihang nagagawa. Sinong mag-aakala na marunong pala siyang magluto at masarap pa. "May kasama na pala ako sa pagluluto nito araw-araw," natatawang wika ng ginang. "Naku po, tutulong po ako gayong nakakatulong a

