Kabanata 73: Pagsagip HINDI alam ni Althea kung saan nanggaling ang kanyang lakas at galing sa pakikipag-away ngunit mabilis niyang napatumba ang tatlong lalaki. Hindi man lamang siya pinawisan sa kanyang ginawa. Natuwa ang mga tao at nagsipalakpakan ang lahat sa kanyang ginawa. “Paano mo iyon nagawa?” tanong ng ginang na si Aurora sa kanyang nang lumapit ito. Hinila siya nito palayo sa maraming tao. “Hindi ko nga rin po alam, eh. Basta ginawa ko lang silang labanan ngunit hindi ko alam na mayroon pala akong kakayahan na ganoon,” aniya sa ginang. Iyon ang totoo. Nagulat nalang bigla si Denzel dahil alam niya pala ang ganoong bagay. “Grabe, ang galing mo pala sa pakikipag-away Ate Denzel. Wala kasing mga taong nakikipag-away sa mga iyon dahil kilala nang basag-golero. Wala naman

