MAHIGIT isang oras nang umiinom si Steven at alam niya, lasing na ito. Nasa porma at pananalita na nitong hindi na nito alam ang mga sinasabi. Tawa ito nang tawa at panay ang kuwento ng kung anu – ano. Hindi naman niya matukoy kung sino talaga ang kausap nito dahil maging si Debbie ay hindi na rin nakikinig dito. Luminga siya sa paligid at patuloy pa rin sa pagdagsa ang mga tao. Tiyak na ano mang oras ay magsisimula na ang kung ano mang show na sinasabi nito kaya kailangan na nilang umalis roon. Mahirap na at baka magkalat pa ang lalaki. Alam niyang wala silang magagawa kung mangyayari iyon. Tatayo na sana siya nang maunahan ni Debbie. “Let’s go upstairs. May private room doon.” Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Private room? Ipapanik nila roon si Steve nang walang malay? “Ano’ng ga

