ANG GET AWAY na tinutukoy pala ni Steven ay isang disco bar. Iba kasi ang konsepto niya ng lugar base na rin sa nakita niyang lambutsingan ng dalawa kaya naman iba agad ang pumasok sa kukote niya. Ayaw sana niyang sumama hanggang loob pero dahil mapilit si Steven ay napilitan na rin siyang sumunod. Pagpasok pa lang sa lugar ay amoy na amoy na ang pinaghalong langhap ng sigarilyo at alak. Madilim at malakas ang tugtog na halos ay ikabingi niya. Nasa unahan at naglalakad ang dalawa habang nakasunod naman siya. Nang piliin ni Steven ang mesang nasa pinakasulok ay sumunod na lang din siya at naupo roon. Kinawayan ng lalaki ang isang waiter at umorder ito ng sisig at beer. Red wine naman at tempura ang para sa kasama nitong narinig niyang Debbie ang pangalan. Nang tanungin siya nito ay sinab

