MATAMANG pinagmamasdan ni Steven mula sa kinatatayuan ang nagkakasiyahang sina Vin at Frencheska. Naglilinis ng pool ang dalaga nang nakita niyang dumating ang lalaki. May iniabot itong isang basket na mansanas kay Cheska na malugod namang pinasalamatan ng huli. Nang bumalik ito sa ginagawa ay kasama na ang lalaki. Hindi niya maunawaan ang nadarama sa mga sandaling iyon. Bakit parang naiirita siya kay Vin? Bakit parang hindi magandang ideyang lagi itong nasa bahay niya at nakikipagmabutihan kay Cheska. “Sir, puwede na kayong mag-merienda. Nakahain na ang Italian pizza at sandwich na ipinahanda ni Cheka.” Napalingon siya sa nakangiting si Tessa. Tila kanina pa ito sa tabi niya nang hindi niya namamalayan. “Bakit ikaw ang narito sa kusina

