Chapter 40

3146 Words

“SAAN ka nanggaling?”             “Sa kamatis ka nanggaling!” gulat na sigaw ni Francheska. Tinatalunton niya ang daan papasok sa backdoor nang biglang sumulpot mula sa dilim si Steven. “Ano ba?! Bakit ka nanggugulat?!” galit na sigaw nito sabay tampal sa dibdib niya.             Ang totoo’y wala naman siyang balak na gulatin ito. Sadyang malalim lang siguro ang iniisip nito kaya hindi siya nito napansin sa kinatatayuan niya. Halos mag-iisang oras na siya sa ilalim ng punong iyon, ilang metro ang layo sa swing na kinaroroonan nina Vin at Francheska.             “Anong oras na at bakit narito ka pa sa labas?” aniya sabay hawak sa braso nito.             “Papasok na nga,” sagot naman nito sabay piksi. Tinalikuran siya nito at padabog na lumakad papasok ng backdoor. Sa puno na ng hagdan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD