“AKO NGA! Ako nga ang alin, Sir?” tarantang tanong ni Cheka habang nanlalaki ang mga mata. “Ikaw nga ang babaeng nanggulo sa opisina ko. Nag-eskandalo ka pa at hinagisan ako ng relyenong bangus sa harap ng lahat kong empleyado!” Napangiwi siya. “Ako nga po, Sir.” Mabilis siyang lumuhod at yumakap sa tuhod ni Steve. “Sorry na, Sir! Hindi na ‘ko uulit! Promise, I’ll never do that again! Tulungan mo lang akong mailabas ng kulungan ang tatay ko…parang awa mo na…” Pinalamlam niya ang mga mata upang makuha ang simpatya ni Steve. Ang lalaki naman ay hindi alam ang gagawin habang pilit na kinakalas ang pagkakayapos niya sa mga binti nito. “Hey! Tumayo ka nga riyan!” Hinawakan siya nito sa dalawang balikat at itinayo nang s*******n. “Sir, please…kayo na lang ang nalalabing pag- asa ko. Kung paa

