WHAT was happening to him? Maging siya ay nalilito na. Francheska was in her mind the whole day. Hindi man niya gustuhin ay pabalik-balik ito sa isip niya. Tila magnetong nakapagkit na sa kaniyang isipan ang mga ngiti nito, ang magaganda nitong mga mata at ang mga labi nitong tila perpektong iniukit ng isang iskultor. Hindi niya magawang magtrabaho nang maayos dahil dito. Hindi naman niya maunawaan kung bakit. Kulang na lang ay iuntog niya ang sarili sa pader para lang maalis ang imahe ng dalaga sa isip niya. He should hate her. Hindi siya dapat makaramdam ng kahit kaunting simpatya rito dahil niloko siya nito. She fooled him; at sa mismong pamamahay niya pa! Pagpasok ng mansiyon ay agad na hinanap ng kaniyang mga mata ang dalaga, at hindi niya kayang ipaliwanag ang disappointment naramd

