Shanna's POV
Hindi maalis ang ngiti sa labi ko habang pinaguusapan namin ng mga kaibigan ko ang tungkol sa mga nakakatawang karanasan namin sa jeep. Halos maluha na nga ako sa katatawa dahil sobrang epic talaga ng mga naging karanasan namin.
Ang ikinuwento ko ay yung nangyari noong isang buwan.
Pauwi na ako nun galing sa bahay ng kaibigan kong si Sassy at naghihintay ako ng jeep na masasakyan. Masyado kasing malayo ang bahay namin mula doon kaya hindi pwedeng lakarin. Saglit lang akong naghintay doon sa kalsada at may humintong jeep sa harapan ko. Pasakay na sana ako nun nang biglang pinaandar ni manong driver. Napatakbo tuloy ako nang wala sa oras pero mabuti na lang at nakasakay pa rin ako.
Lecheng driver iyon.
Nang si Thara na ang magkuwento, wala na. Tila masisiraan na ako ng bait sa kakatawa. Ibang klase kasi siya magkuwento. Talagang ina-acting niya pa sa harapan namin ang nangyari sa kanya nung mga panahong iyon. Maging siya'y hindi mapigilang matawa dahil nasapak niya ang lalaking katabi niya nang biglang huminto ang jeep na sinasakyan niya.
Napatingin ako sa mga kaklase ko dahil sa aming tatlo na nakatuon ang mga atensyon nila. Nagbubulungan sila at mukhang naiinis sila sa ingay na ginagawa namin. Napairap lang ako sa kanila. Ano bang pakialam nila kung magtawanan man kami? Bakit, hindi ba sila nakikipagusap sa mga katabi nila? Kaninang sila ang nagiingay hindi kami nagrereklamo tapos ngayong kami, tila bwisit na bwisit sila? Leche.
"Hi. Ako nga pala si Iris. Maaari ba akong sumali sa usapan ninyo?"
Napatingin ako sa babaeng nagsalita. Nasa harapan namin siya at nakangiti. Ewan pero nang makita namin ang ngiti niya ay nahawa na rin kami. Nawala ang inis sa mga mukha namin at napalitan na ng saya habang nakatingin ng diretso sa kanya.
Umupo siya sa bakanteng upuan sa kanan ko. Nakatingin pa rin siya samin at mukhang hinihintay niya kaming sumagot sa tanong niya. Sa akin, wala namang masama. Mas okay nga yun kung tutuusin dahil madadagdagan na naman ang kaibigan ko dito sa Marcelino University.
"S-sure. Okay lang naman diba Sapphire, Thara?" Tumingin ako sa dalawa at tumango lang sila sakin biglang pagpayag nila.
"O-oo naman. Walang problema," nakangiting sabi ni Thara sabay tingin samin ni Sapphire.
"Ako nga pala si Sapphire. Nice to meet you."
Nilahad ni Sapphire ang kamay niya at nagkamayan sila ni Iris. Sunod akong nagpakilala at nagkamayan rin kami. Pangatlo si Thara habang tuwang-tuwa sa pagka-pony ng buhok ni Iris. Naaalala raw kasi niya ang pagiging cheerleader niya rito. Ganon raw kasi parati ang ayos ng buhok niya sa tuwing lumalaban sila sa ibang universities.
"So, ano bang pinaguusapan niyo?" Tanong ni Iris. Isa-isa niya kaming tinignan kaya nagkatinginan din kami.
"Yung mga nakakatawang karanasan namin sa jeep," sagot ko at pasimpleng tinignan ng masama ang tatlong babae na nakaupo sa harap ng klase.
Kung hindi ako nagkakamali, sina Lucy, Miyuki, at Ivanna ang tatlong iyon. Mga maldita sila at mahilig mambully. Well, subukan lang nila akong pagtripan at mahahanap nila ang hinahanap nila. Ang lakas ng loob makipagtitigan sakin ngunit nang inirapan ko'y dali-dali namang umiwas ng tingin. Psh. Mga takot naman pala.
"Ikaw, may nakakatawa ka bang karanasan sa jeep?" Curious na tanong ni Sapphire. Nilapit pa nito ang mukha nito sakin habang hinihintay ang sagot ni Iris.
"M-meron," sagot ni Iris tsaka saglit na nagisip, "Nasubsob ako sa lalaking katabi ko nang huminto ang jeep na sinasakyan ko. Nagbabasa kasi ako ng libro nun kaya ayon."
Nagtawanan agad ang dalawa. Habang ako, biglang nairita. Bakit ganon si Iris magkuwento? Walang kadating-dating. Ni hindi ko nga naimagine ang sinabi niya. Hindi ko ito ma-process sa utak ko. Tila nainis tuloy ako sa kanya. Ang ganda na ng usapan naming tatlo ngunit nang dumagdag siya'y tila nawala ang sayang iyon.
"Ano bang mga hilig mo?" Tanong ko sa kanya.
May kutob kasi ako sa hilig ng babaeng ito kaya ganito siya. Nase-sense ko ang pagka-weird niya dahil pana'y ang kalikot niya sa hawak niyang relo at suot niyang salamin.
"Mysteries," tipid niyang sagot kalakip ang isang ngiti.
Sinasabi ko na nga ba.
Heather's POV
Hinang-hina kaming dalawa ni Krylle habang naglalakad paikatlong palapag upang makarating sa classroom namin. Tama kayo sa iniisip niyo. Magkaklase nga kami ng mortal na kaaway ko. Noon. Pero ngayon, nagkaayos na kami matapos maranasan ang parusa kanina. Ayoko nang maulit pa iyon. At mas lalong ayoko pang mamatay. Kaya nakipag-ayos na ako sa kanya kanina para maging magkaibigan na kami.
"Nakakatakot talaga ang gurong 'yon. Sana lang at hindi natin siya maging adviser," sabi niya habang paakyat kami ng hagdan.
Nasa ikatlong palapag na kami. Mas lalo kaming nanghina dahil sa pagod. Magmula pa kanina'y walang tumutulong samin ni isa kahit na marami ang nakakakita sa kalagayan namin. Nainis ako ng sobra nang dahil don. Gustuhin man naming pumunta sa clinic ay hindi maaari. Dahil kanina pa kami huli sa klase.
"Sana lang talaga," sabi ko kasabay ang pagbuntong-hininga.
Ramdam ko pa rin ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Kakaiba. Kakaiba ang pakiramdam ko sa palapag na ito. Hindi ko maipaliwanag kung bakit.
"Malapit na tayo," sabi ko pa nang matanaw na ang pintuan ng klase namin.
Section Opposite.
Miyuki's POV
"Ang tagal naman ng dalawang 'yon," iritang sabi ni Lucy habang diretso ang tingin sa pinto sa harap.
"Maghintay ka lang. Paparating na yung dalawang 'yon," sabi ko sa kanya.
Umiwas muna ako ng tingin bago umirap. Nakakainis. Ang mainipin niya talaga. Wala na siyang ipinagbago. Feeling diyosa rin siya kahit na hindi lang naman siya ang maganda dito sa klase. Actually, halos lahat naman ng babae dito ay maganda. Ewan ko ba dito kay Lucy at sinasabi niyang siya lang ang maganda dito. Pwe. Masyadong mahangin ang babaeng ito kahit na noon pa.
Nakakabwisit siya.
"Oh! Mukhang ayan na yata sila!" Natutuwang sabi ni Ivanna sabay turo sa dalawang babaeng estudyante na paika-ikang pumasok sa loob ng klase namin.
Dumating na rin sa wakas ang mga sabongera.
Natuon ang atensyon ng lahat sa kanilang dalawa. Nanlaki ang mga mata ko nang sandaling mawalan sila bigla ng malay nang makapasok na sila.
Nakapagtataka.
"Tulong! Tulungan niyo ko!" Sigaw nung nagngangalang Clyde habang sinusubukan niyang itayo ang katawan nung isa.
"Ano ba! Tulungan niyo kami!" Sigaw naman ni Hailey habang sinusubukang itayo ang katawan nung isa pa.
Mabuti na lamang at mabilis na nagsikilos ang mga kaklase namin na kanina pa walang pakialam. Kung kaya't agad nilang naihiga sa pinagsama-samang upuan ang katawan ng dalawang sabongera na iyon.
Hindi ko pa rin sila kilala.
Kei's POV
"Pagkakataon mo na bro. I-kiss mo na siya," panloloko ko kay Augustus habang nakatingin kami sa mga kaklase naming nagkukumpulan. Tinuturo ko si Dorothy na katabi nung nagngangalang Hailey.
"Ayoko. Hindi ko naman gusto 'yon," pag-iinarte niya.
Napangisi lang ako habang nakatingin sa kanya. Tss. Hindi niya ako maloloko. Alam kong may gusto siya sa bestfriend kong si Dorothy noon pa. May picture nga sila ni Dorothy na nasa cellphone pa rin niya hanggang ngayon. Akala niya siguro'y hindi ko iyon nakita kanina nang hiniram ko ang cellphone niya. Nakakatawa talaga itong si Augustus. Masyadong torpe pagdating sa mga babae. Kaya wala pa ring girlfriend hanggang ngayon.
"Bilisan mo na. Baka maunahan ka pa ng isa diyan," gatong ni Iñigo sabay pasimpleng tingin sa nagce-cellphone na si Tagakashi.
"Sige na bro. Kaya mo yan," sabi naman ni Jake.
"Oo na. Heto na nga."
Sinasabi ko na nga ba. Bibigay rin ang loko. Ang lakas pang maginarte e nanakawan lang naman niya ng halik si Dorothy. Hirap na hirap na siya. Paano pa kaya kung liligawan niya ito. Baka mas lalo pa siyang matorpe. Walang kwentang lalaki.
"Okay, kaya ko to."
Tinignan ko lang si Augustus habang marahan siyang naglalakad palapit kay Dorothy. Palihim akong natawa. Pinagtitripan ko lang naman siya. Naiimagine ko na tuloy ang mangyayari sa kanya matapos niyang gawin ang utos ko. Paniguradong makakatanggap siya ng isang bagay na hinding-hindi niya makakalimutan sa buong buhay niya.
Nang sandaling makalapit na siya kay Dorothy, agad niyang ginawa ang sinabi ko. Napangisi ako nang hinalikan niya ito sa pisngi ng mabilis. Bago pa man siya makabalik sa upuan niya ay nakatanggap na siya agad ng dalawang magkasunod na sampal. Kaya ngayon, natuon sa kanya ang atensyon ng buong klase.
"Bastos!"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan na akong natawa. Hiyang-hiya ang loko sa ginawa niya. Tawang-tawa rin ang iba pa naming tropa habang nakatingin sa kanya na halos maiyak na habang hinahawakan ang mapula niyang pisngi. Kahit kailan talaga, madaling utuin itong si Augustus.
Tumalikod na si Dorothy at akmang lalabas na sana ng klase namin nang biglang may dumating na isang babaeng guro. Pamilyar siya sakin. Hindi ako maaaring magkamali. Siya yung babaeng guro na umawat sa dalawang nagaway kanina. Lagot na.
Pagkapasok niya'y pumunta siya agad sa mesa sa harap. Ipinatong ang dala niyang mga gamit. Ngumisi muna siya bago nagsalita.
"Magandang araw sa inyong lahat mga mag-aaral. Ako ang inyong magiging gurong-tagapayo sa section na ito. Tawagin niyo akong Miss Laura."
Nakakakilabot ang ngiti niya.