Lucy's POV
Nang sa wakas ay nahanap na naming tatlo ang magiging klase namin, agad kaming pumasok sa loob at naghanap ng bakanteng mauupuan. Napairap ako nang makita ko sa may bandang dulo ang kinaiinisan ko sa lahat. Si Augustus. Mukhang sunod-sunod na yata ang kamalasang nangyayari sakin ngayong araw. Una, natapilok ako habang papasok rito sa Marcelino University. Pangalawa, ang makasama sa iisang klase ang kinaiinisan ko ay ang pinaka-ayaw ko sa lahat.
Step-brother ko siya. Mabait siya sakin. Maalalahanin rin siya na siya namang ikinakainis ko. Bakit? Kasi alam ko namang pinaplastik niya lang ako. Hindi totoo ang concern na pinapakita niya sa tuwing nasa harapan kaming dalawa nina Mommy't Daddy. Nagpapakitang gilas lang siya. Tama. Iyon nga. Gusto niyang palabasin na siya ang mabuting anak habang ako naman ang masama.
Naupo na kaming tatlo sa napili naming pwesto. Magkakatabi sa unahan. Dito ang napili namin upang hindi namin makita ang mga nakakabwisit na mukha ng mga kaklase namin. Lalo na ang step-brother ko na iyon. Kapag nakikita ko siya, parang gusto ko siyang saksakin ng paulit-ulit para mawala na siya nang tuluyan sa pamilya namin. Naiirita talaga ako sa pagmumukha niya.
"Sigurado ka na ba diyan sa plano mo?" Tanong sakin ni Miyuki habang iniikot-ikot ang dulo ng buhok niya.
Loka-loka.
"Yes. I'm really sure," maarteng sabi ko sa kanya habang pinagmamasdan ang maganda kong kuko. Hello kitty design. Kahapon ko lang ipinagawa ito. Ang cute naman kasi kaya naengganyo akong magpaganito.
"Bakit Miyuki, hindi ba sila karapat-dapat sa grupo natin? Hindi ba sila karapat-dapat na masali sa Hell Dolls?"
Lumingon ako sa kanan ko kung saan nakaupo si Ivanna. Nakatingin siya kay Miyuki at isang makabuluhang pagngisi ang ginawa niya. Sandaling napaisip si Miyuki sa sinabi niya. Habang ako, palihim na minura silang dalawa. Mga plastik.
"Hindi naman sa ganon. Kaya lang kasi..."
Napairap ako. Kahit kailan talaga. Ang pakialamera niya. Palagi na lang niyang pinakikialaman ang mga desisyon ko. Bwisit talaga siya. Kung hindi ko lang siya kailangan sa grupo namin, matagal ko na sana siyang tinanggal.
Nakakairita.
"Kaya lang ano?" Iritable kong tanong sa kanya. Konting-konti na lang talaga. Napipikon na ako sa lumalabas sa bibig niya.
"Kaya lang, hindi ba't mortal na magkaaway silang dalawa?"
"Eh ano naman ngayon?"
"Parati silang nag-aaway. Naisip ko lang, kung isasali natin sila sa Hell Dolls, baka mabuwag ang grupo natin nang dahil sa kanilang dalawa," sabi ni Miyuki.
Sabagay. May point naman siya. Pero kahit na. Ano bang pakialam niya sa gusto ko? Gumawa siya ng sarili niyang grupo kung gusto niya. Wag niya akong iniinis at masama ako magalit. Kung alam niya lang ang tunay kong pagkatao baka matagal na niya akong iniwasan. Siguradong hindi niya gugustuhin na makita ang ibang ugali ko. Baka isumpa niya ko sa sobra kong sama.
"Sabagay. May point ka," sambit ni Ivanna. Sang-ayon siya sa pakialamerang iyon? Walang kwenta. Magsama silang dalawa!
Napatingin ako sa pinto ng klase nang makitang pumasok ang iba pa naming kaklase. Sa ngayon ay nasa kalahati pa lang kami kaya medyo tahimik pa. May nagku-kwentuhan ngunit hindi naman malakas ang paguusap. Parang kami lang ditong tatlo. Kaya lang, mukhang nawalan na ako ng gana pa rito. Parang gusto ko na lang lumabas ng klase at maglakad-lakad.
"Bwisit," bulong ko habang matalim na nakatingin sa kanila na kasalukuyang naguusap.
Krylle's POV
"Magkamayan kayong dalawa. Kailangan niyong magbati. Hindi pwede sa paaralan namin ang mga gaya niyong basag-ulo. Kababae niyong tao nagsasabong kayo sa putikan? Saan niyo nakuha yang pag-uugali na yan ha?!"
Napayuko na lang ako sa labis na hiya. Galit na galit samin si Mrs. Fererra, ang principal ng Marcelino University. Kanina pa niya kami tinatalakan ni Heather tungkol sa eskandalong ginawa namin kanina. Nakakainis talaga kahit kailan ang babaeng iyon. Siya ang nagdadala ng problema sakin. Kung tutuusin, siya ang nagsimula ng away, kaya dapat lang na siya lang ang bukod tanging maparusahan. Kaya lang hindi iyon ang minumungkahi nitong babaeng guro na nakakita samin. Iba ang gusto niyang mangyari. Kapag hindi kami nagkaayos ni Heather ngayon, parehas kaming mapaparusahang dalawa.
Masama ang titig sa amin ni Mrs. Ferrera habang nasa loob kami ng office niya. Kasama rin namin ang babaeng guro na nagdala samin rito. Siya. Siya ang may kasalanan nito. Kung hindi sana niya kami dinala rito'y hindi kami masesermonan. Ayaw na ayaw ko pa naman sa lahat ay ang pinagsasabihan.
Nakakairita.
Mabuti na lamang at malinis na kaming dalawa ngayon. Walang bahid ng kahit na anong dumi. Sobrang linis at ang bango-bango pa ng unipormeng ibinigay samin. Hindi ko maiwasang di matuwa. Dahil nanumbalik na ang dati kong ayos na sinira ng Heather na iyon kanina. Bwisit talaga siya. Hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin ang naging away namin kanina. Tabla. Parehas lang kaming dalawa na madungis na madungis at mukhang kawawa.
"Hindi ako makikipagbati. Manigas siya."
Napalingon ako kay Heather nang magsalita siya. Inirapan niya lang ako at ibinaling niya sa kawalan ang titig niya.
"Akala mo ba ikaw lang? Ako rin. Hindi ako makikipagbati sa'yo. Never," sabi ko naman.
Hindi ako makakapayag. Hindi talaga ako makikipagbati sa bruhang iyan. Kahit kailan hindi. Siya ang nagsimula kaya dapat siya ang humingi ng tawad. Hindi ako. Biktima lamang ako ng kamalditahan niya.
Napangisi ang babaeng guro na iyon matapos naming magsalita. Kinabahan ako bigla. Hindi ko mabasa kung anong tumatakbo sa isip niya. Masama ito. Hindi ko gusto ang pakiramdam na ito. Natatakot ako.
Kumunot ang noo ni Mrs. Fererra dahil sa inasal naming dalawa sa loob ng office niya. Wala siyang magagawa. Dahil ganito talaga kami. Siguro'y tinadhana na dati pa na magkagalit kami. Wala nang pag-asa pa na magka-ayos. Tanging puro kaguluhan na lang ang ginagawa.
"Dalhin mo na silang dalawa ngayon din doon at parusahan."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mrs. Ferrera. Anong ibig sabihin niya? Parurusahan kami? Anong klaseng parusa? Kinakabahan ako. Natatakot. Bumilis bigla sa pagtibok ang puso ko sa hindi malamang dahilan. Hindi pa nagsisimula ang parusa ngunit ngayon pa lang ay hirap na hirap na ako.
Hindi ito maganda.
"Teka. Saan kami dadalhin?! At anong parusa?" Nagtatakang tanong ni Heather habang nakatingin kay Mrs. Ferrera. Ngumiti lang ito sa kanya sabay iglap na tumingin sa gurong iyon.
Hinayaan kong siya na lang ang magsalita. Ayoko nang dumagdag pa dahil mas lalo lang akong kinakabahan sa kung anomang parusa na ipapataw samin. Nadadagdagan pa ito kapag nakikita ko ang ngiti sa labi ng babaeng guro na iyon. Sino ba kasi siya? Kanina pa namin siya kasama rito ngunit hindi pa rin namin alam kung anong pangalan niya.
"Bilisan niyo! Sumunod kayong dalawa sa akin!" Sabi ng gurong iyon. Binigyan niya kami ng isang matalim na pagtitig bago siya nagsimulang maglakad. Sumunod naman kami agad ni Heather sa kanya.
Saan niya kami dadalhin?
-----××-----
"Tama na po! Maawa po kayo samin!" Sabi ni Heather habang patuloy sa pag-iyak.
"Pangako po. Magbabati na po kaming dalawa. Basta, itigil niyo na po ito," nagsusumamo kong sabi habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
Papikit-pikit ang mga mata ko habang umiiyak. Hindi ko makayanan itong parusang ibinigay samin. Masyadong makaluma. Ang akala ko'y didisplinahin niya lang kami o paglilinisin ng pasilyo ngunit ibang klaseng parusa itong ginawa samin. Napaka-sakit. Nakakapanghina ng buo mong katawan.
Tinignan ko si Heather. Kailangan na naming agad na magbati. Hindi ko na ito kaya. Nahihirapan na ang katawan ko.
Nasa loob kaming dalawa ngayon ng isang silid na medyo malayo sa Marcelino University. Kasama pa rin namin hanggng ngayon ang babaeng guro na iyon. Siya ang nagdala samin sa bulok na lugar na ito. Ang buong akala ko'y aalis na siya matapos niya kaming dalhin rito. Akala ko'y ikukulong niya lang kami rito hanggang mag-uwian ngunit mas masahol pa doon ang ginawa niya.
Hayop siya!
Nakaluhod kami ngayon sa bilao habang may laman itong napaka-raming munggo. Hindi lang yon, dahil hinahampas niya rin ng latigo ang mga binti namin habang nasa likuran namin siya. Ang sakit. Ang sakit na ng binti ko. Sa palagay ko'y marami na itong sugat sa mga sandaling ito. Hindi ko na 'to kayang tagalan. Piling ko hindi na ako makakatayo pa oras na itigil na niya itong pagpapahirap niya samin.
"Mga hangal na mag-aaral. Kung kanina pa lang ay naisip niyo na yan, hindi na sana tayo humantong sa ganito," galit na sabi nito samin habang patuloy pa rin sa paghampas ng latigo.
Tuloy-tuloy pa rin kami sa pag-iyak at pagmamakaawa sa kanya. Nais ko nang matigil 'to. Ayoko na. Nanghihina na ako. Nahihirapan na kami. Kung kinakailangan naming magbati para lang matigil 'to, papayag na ako. Itigil niya lang itong parusa niya samin.
"Pangako po! Magbabati na po kami! Itigil niyo lang po ito!" Nagsusumamo na si Heather habang patuloy sa pagluha ang kanyang mga mata.
"Hindi na po kami mag-aaway! Pangako po!" Sabi ko naman. Hindi ko na matagalan. Sobrang sakit na talaga ng binti ko.
"Madali naman pala kayong kausap."
Itinigil na rin niya sa wakas ang panglalatigo niya sa mga binti namin. Nakahinga ako ng maluwag. Kahit papaano, naramdaman kong gumaan ang pakiramdam ko. May mga binti pa rin ako.
"Siguraduhin niyo lang na susundin niyo ang mga sinabi niyo ngayon. Dahil oras na labagin niyo ang naging usapan natin, may mas matindi pang parusa na naghihintay sa inyo. Alam niyo ba kung ano? Kamatayan," sabi niya samin kasabay ang mahinang pagtawa.
Nagkatinginan kami ni Heather pagkatapos non. Sa unang pagkakataon, nagngitian kami. Walang halong kaplastikan. Sigurado ako.
Napatingin kaming dalawa sa likuran namin. Ganon na lamang ang pagkabigla namin nang biglang mawala ang babaeng guro na iyon. Ni hindi namin napansing lumabas siya dahil wala kaming narinig na nagbukas ng pintuan. Muli kaming nagkatinginan.
Saan siya nagpunta?