Chapter 1: Hara-kiri Illusion

1807 Words
Mayumi's POV Kinakabahan akong sumilip sa nagiisang bintana sa loob ng aking silid nang makarinig ako ng mga pagsigaw mula sa labas ng aming bahay. Marahan akong sumilip upang alamin kung ano ba ang nangyayari. Nakapagtataka. Wala naman akong nakitang kahit na ano. Papaano nangyari iyon? Nakasisiguro akong may narinig talaga ako na mga pagsigaw kanina. Boses iyon ng isang lalaki at isang babae. Hindi malinaw sakin kung kaninong boses iyon ngunit dinig na dinig ko talaga na nagsusumamo sila sa humahabol sa kanila na tumigil na ito sa tangkang pagpatay sa kanila. Napakunot na lang tuloy bigla ang noo ko. Hindi ko na maintindihan itong nangyayari sakin. Kanina'y may naririnig akong kumakaluskos sa ilalim ng kama ko at tinatawag ako nito. Pagkatapos nun, ito naman ngayon. Kinikilabutan na ako sa mga nangyayari. Hihiga na sana ako sa kama upang bumalik sa pagtulog nang maagaw ang aking atensyon ng biglang pagbukas ng pinto. Naramdaman kong bumilis ang t***k ng puso ko dahil doon. Niyakap ko na lang ang isang unan at nagsumiksik sa kasuluk-sulukan ng aking kama. Natatakot ako. Sino ang nagbukas ng pinto kung nasa akin ang susi ng silid na ito? Imposible namang isa kina mama't papa dahil wala sila ngayon sa bahay. Nandoon sila sa birthday ng isa sa mga naging classmate nila noong elementary. Niyayaya nga nila akong sumama ngunit mas pinili ko na lamang na nandito sa bahay upang makatulog. Labis na napagod ang katawan ko dahil sa mga pinagawa samin sa school. Ang sakit talaga sa ulo mag-aral kahit kailan. "S-sino ka?" Kinakabahan kong sabi habang diretsong nakatingin sa taong pumasok sa loob ng silid ko. Medyo matangkad siya, hanggang balikat ang buhok, at nakasuot siya ng school uniform. Sino siya? Hindi ko siya makilala dahil sa nababalot ng dilim ang kabuuan ng silid ko. Medyo naaaninag ko ang mukha niya dahil sa liwanag ng buwan mula sa bintana. Pero teka, bakit... kamukha ko siya? Nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan habang pinipilit na intindihin ang nakikita ko. Nasisiraan na ba ako ng bait? Nababaliw na ba ako? Kung kanina ay may naririnig akong mga boses, ngayon naman ay may nakikita akong kamukhang-kamukha ko. Ngayon ko lang napansin ang school uniform na suot niya. Unifrom ko iyon sa nilipatan kong university. Ang Marcelino University. Hindi nga ako namamalikmata sa nakikita ko. Kamukhang-kamukha ko siya. Mula sa itsura, buhok, at sa tindig. Ako na ako. Binitawan ko na ang yakap kong unan at nagipon na ako ng lakas ng loob upang makatayo. Nang lalapitan ko na sana siya ay nakarinig ako ng isang pagtawa. Isang pagtawa na nagpalambot lalo sa mga binti ko. Hindi ko mapigilan ang matakot. Natatakot ako sa taong kaharap ko ngayon. Lumakad siya palapit sa kinatatayuan ko habang tila may kinukuha sa likuran niya--- isang kutsilyo. "S-sino ka bang talaga?" Muli kong tanong sa kanya. Nasa harapan ko na siya ngayon at nginingisian ako. Nang mga sandaling iyon ay hindi na ako makatingin sa kanya. Hindi ko kaya. Talaga bang totoo itong nasa harapan ko ngayon? Tao ba ito o baka naman isang ilusyon ko na naman? Sana nga ganon na lang. Kaso, hinawakan niya ako sa pisngi at hinaplos-haplos ang mukha ko. Doon ko lang napagtanto na hindi pala siya isang ilusyon. Kundi ay isang bangungot na unti-unting papatay sakin. "Ako ay ikaw. At ikaw ay ako," wika niya sabay angat ng ulo ko upang iharap sa kanya. Muli, umiwas ako ng tingin. Ayoko siyang makita. Hindi totoo ang sinasabi niya. Papaano siyang naging ako? Sa buong buhay ko, wala akong nabalitaan na nagkaroon ako ng kakambal. Kaya naman, balewala sakin ang sinabi niya. Hindi ko kailangang maniwala sa kanya. Nagiimbento lang siya ng sarili niyang kwento. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdamang may dumampi sa kanang pisngi ko. Sinampal niya ako ng malakas. Inis na tumingin ako sa kanya at nagtaka naman ako nang makitang nakahawak rin siya sa pisngi niya at namumula ito. "Nakahanda ka na ba?" Magsasalita pa sana ako nang bigla niya akong saksakin sa dibdib. Limang beses iyon at palakas ng palakas ang ginawa niya. Nanghina ako ng husto at ganon rin siya. Dumaloy ang maraming dugo sa dibdib ko---namin. Nagtataka ko siyang tinignan at tanging pagngiti lang ang isinukli niya. Unti-unting bumagsak ang katawan naming dalawa sa sahig at kinakapos na kami parehas sa paghinga. Nagkatinginan kaming dalawa matapos nun. Hanggang sa naglaho na parang bula siya sa harapan ko. -----××----- Napabalikwas ako ng bangon sa aking kama dahil sa isang masamang panaginip. Hingal na hingal ako nang magising. Hindi ako makapaniwala sa napanaginipan ko. Parang totoong-totoo at hindi basta panaginip lang. Napahawak ako bigla sa dibdib ko. "Bwisit! Bwisit talaga!" Iritang sabi ko habang hinihingal pa rin. Nanggigigil ako. Bakit ko ba napanaginipan ang bagay na iyon? Hindi ko maintindihan. Napatingin ako sa orasang nakasabit sa tabi ng cabinet ko. 6:20 AM. Nang makita ko iyon ay dali-dali akong bumangon at niligpit na ang higaan ko. Hindi ako pwedeng malate. Ngayon ang unang araw ko sa Marcelino University at gusto kong makapaglibot-libot muna sa loob bago ako pumasok sa klase mamaya. Bukod sa maiwasan ang pagkabagot, mas maaga kong malalaman kung anu-ano ang mayroon sa paaralang iyon at bakit sikat na sikat iyon at maraming estudyante ang gustong mag-aral roon. Kumilos na ako agad at hindi na nagaksaya pa ng oras. Ginawa ko ng mabilis ang lahat ng dapat kong gawin at niready ko na ang mga gamit ko bago ako bumaba papuntang kusina. Mabuti na lang at nakahain na sa mesa ang almusal kaya kumain na ako kaagad. Hot chocolate and oatmeal. Sapat na 'to sakin para hindi ako gutumin bago pa man magbreaktime mamaya. "Ma, Pa, alis na po ako," sabi ko nang matapos ako sa pagaalmusal. Hinalikan ko silang dalawa sa pisngi bago inabot sakin ni Papa ang allowance ko para sa isang buwan. Hindi na masama. Sampung libo. Makakabili pa ako ng mga bagong gamit kapag may sobra sa pera ko. Mabuti na lang at hindi kuripot sina Mama't Papa. Alam naman kasi nila kung saan napupunta ang mga pera ko. "Mag-iingat ka anak," sabi ni Mama. Kinawayan niya ako at ganon rin si Papa. Nagaalmusal pa rin silang dalawa hanggang sa nakalabas na ako ng bahay. Nang maisara ko ang gate ay nagsimula na akong maglakad papunta sa sakayan. Mga limang minuto rin ang hinintay ko bago dumating ang bus na sasakyan ko papuntang Marcelino University. Pagkapasok ko sa loob ay umupo ako kaagad sa pwestong namataan ko na malapit sa bintana. Tamang-tama. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakasakay ng bus. Namiss ko ang pagsilip sa labas habang nasa biyahe. Nakagawian ko na iyon matagal na. Ewan ko ba. Sa tuwing tumitingin kasi ako sa labas ay napapanatag ang loob ko. Wala kang iniisip at nakapokus ka lang sa kung ano ang nakikita ng iyong mga mata. "Excited na ako. Gusto ko na makita yung bagong school natin." Napatigil ako sa pagmasid sa labas nang marinig ang isang boses na mula sa likuran ko. Hindi ako maaaring magkamali. Boses iyon ni Chloe Amber Tan. Isa sa mga bestfriends ko sa dati kong university. Upang kumpirmahin kung siya nga iyong narinig ko, tumayo ako at sumilip sa pwesto sa likuran ko. Hindi nga ako nagkamali. Si Chloe ang taong iyon. Katabi niya ang isa pa naming bestfriend na si Bianca. Gulat na gulat at hindi makapaniwala ang dalawa nang makita ako. "OMG! Mayumi? Ikaw ba talaga yan?" Tumayo si Bianca at tinapik-tapik ang mukha ko. Medyo natawa ako sa ginawa niya. Ganyan naman siya parati. Kaya nasanay na ako. "Sinasabi ko na nga ba. Kayo yung dalawang madaldal na naririnig ko. Grabe. Wala pa rin kayong ipinagbago," natatawa kong sabi sa kanilang dalawa. Tumayo na rin si Chloe. Nakatingin lang siya sakin at parang may napansin siya na kung ano. Magsasalita na sana ako nang maunahan naman niya ako sa pagsasalita. "Doon ka rin mag-aaral sa Marcelino University?" nakangiting tanong niya sakin habang tinitignan ang uniform niya, ni Bianca at yung sa akin. Ngayon ko lang napagtanto, pare-parehas kami ng uniform na suot. Ibig sabihin, magkakasama kaming tatlo sa iisang paaralan. Sana lang at maging sa section ay magkakasama pa rin kami. Ngayong nakasama ko na sila, ayoko nang magkahiwa-hiwalay kami. Hindi ako sanay. Hindi ko rin kilala ang mga estudyante dito kaya baka mahirapan akong makahanap ng bagong kakilala. Bagama't ganon, umaasa pa rin ako na may magiging kaibigan na bago. Extrovert kasi ako at sanay ako sa maraming tao. Kahinaan ko ang pagiging magisa. "O-oo." Tila nagliwanag naman ang mga mata ng dalawa sa naging sagot ko. Schoolmates kami. Masaya ito. Makakasama ko sila ng mas madalas dahil nasa iisang school lang kaming tatlo. Expected ko na magiging masaya at memorable ang bawat araw. Nasisiguro ko iyan. "Magkakasama-sama na naman tayo," ani Bianca na tuwang-tuwa habang nakahawak sa kamay namin ni Chloe. Ngumiti lang ako kay Chloe nang tumingin siya sakin. Sinenyasan ko silang umupo na at baka masita pa kami ng driver. Mahirap na. Ang dami ko pa namang nababalitaan na mga driver at pasahero na nagkakasagutan dahil sa hindi lang pagkakaunawaan. Mabuti na lang at lima lang ang sakay nitong bus. Dahil kung nagkataon na puno ito, siguradong sa amin nakapukol ang atensyon ng lahat ng pasahero. Si Bianca naman kasi. Masyadong maingay. Sinitsitan ko sila at agad silang sumilip sa may gilid. Sinabihan ko silang mamaya na lang kami magusap-usap kapag nakarating na kami sa paaralan para dire-diretso ang usapan. Hindi gaya dito na paputol-putol dahil sa bawat hinto ng bus at kada may sasakay na bagong pasahero. "AAAAAHHHHH!" Biglang naglaho ang ngiti sa labi ko nang makarinig ako ng isang malakas na pagsigaw galing sa loob ng bus. Boses ng isang lalaki at mukhang nangangailangan siya ng tulong. Umusog ako sa kinauupuan ko at tumingin sa salamin malapit sa driver. Nagulantang ako nang husto sa nasaksihan ko. Isang lalaking estudyante na walang habas na pinagsasasaksak ang tiyan niya. Kung bakit? Hindi ko alam. Nakapagtataka rin nang makita ko siya dahil hindi ko siya napansin noong sumakay ako. Marahil nakasakay na siya habang abala kami nina Chloe at Bianca sa paguusap namim kanina. Napansin ko ang mga mata niyang nanlilisik habang nakatingin ito sa kawalan. Sa hitsura niya, para siyang sinasaniban ng isang masamang espiritu. Patuloy pa rin siya sa ginagawa. Napapitlag ako nang huminto siya at tumingin sa direksyon ko. Ngayon, nakikipagtitigan na siya sakin. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nangatog bigla ang mga tuhod ko. Nakakatakot ang paraan ng pagtitig niya. Tila isa itong matalim na kutsilyo unti-unting bumabaon sa leeg ko. Nakakasindak. Nagsimula na siyang tumayo habang nakatingin pa rin sakin. Hindi ako makakilos sa kinauupuan ko. Ni hindi ako makapagsalita. Ano nang nangyayari sakin? Mas kinilabutan pa ako nang lumakad na siya at sinaksak muli ang sarili niya sa tiyan. Halos maiyak-iyak na ako sa kinauupuan ko. Papatayin niya ba ako? Nang makaipon ng sapat na lakas ay sumilip ako sa pwesto kung saan ko siya nakikita sa salamin. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil wala ni isa akong nakita doon. Bakante ang pwesto. Wala ang lalaking estudyante na iyon at wala ang nagkalat na maraming dugo sa lapag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD