Chapter 10: Adios, Mademoiselle

1592 Words
Lucy's POV Nakatago ako sa isang malaking puno habang pinagmamasdan ang aking gurong-tagapayo kung saan nito dadalhin ang walang malay kong kaibigan. Habang nakatingin ako sa kanya, hindi maalis ang kaba sa aking dibdib. Nasa panganib ang buhay ng kaibigan ko at kailangan niya ng tulong ko. Kailangan ko siyang iligtas. Sinundan ko lang si Miss Laura hanggang sa makarating kami sa isang lumang bahay. Sa kanya kaya ito? Nakakapagtakang nakatayo ito sa isang liblib na lugar. Napangisi ako. Talaga ngang may tinatago siya samin. Kahit na takot na takot, pumasok pa rin ako sa loob ng lumang bahay. Pagkapasok ko ay agad akong naghanap ng matataguan habang hindi pa paparating sa aking kinaroroonan si Miss Laura. Nang sandaling makahanap ako, madali akong tumungo roon upang makapagtago. Isang aparador. Ang hindi ko alam, ay doon pala ipinasok ang aking kaibigan. Kaya nang sandaling makita ko ang katawan nito na walang malay ay napasigaw ako ng malakas. Agad naman akong napatakip sa bibig ko dahil nakalimutan kong narito nga pala si Miss Laura. Pinagpapawisan na ako ng mga sandaling iyon at nangangatog na ako habang yakap ang aking mga tuhod. Natatakot ako sa maaaring mangyari sakin. May isa na akong ginawang kasalanan. At nadagdagan pa ito ngayon. Ano nang gagawin ko? "Lucy... Magpakita ka na sakin..." Napalunok ako ng kakarampot na laway habang pinipigilang maluha sa pwesto ko. Dinig na rinig ko mula sa labas ang tunog na ginagawa niya. Nang silipin ko kung ano iyon ay halos kapusin ako ng hininga nang makitang isa itong palakol. Hinahasa niya ito habang nakatingin ng malademonyo sa direksyon ko. Nataranta ako nang bigla siyang mawala sa paningin ko. Napasandal naman ako nang may magbukas sa aparador. Nakangisi siya sakin. Bakas ang tuwa sa labi niya habang pinagmamasdan kaming dalawa ni Miyuki. "Katapusan niyo na," sabi niya sabay hakbang palapit samin. Napasigaw ako nang hatakin niya ang kaibigan ko na walang malay at inihiga ito sa isang mahabang lamesa. Nginisian niya ako. Nagsumamo ako sa kanya na tumigil siya sa gagawin niya ngunit tinawanan niya lang ako. Iyak ako ng iyak. Hindi ko na alam kung anong gagawin. Papaano ko ililigtas si Miyuki? "Wag Miss Laura... Wag mo siyang papatayin..." Halos lumuhod na ako sa harapan niya para lang pakawalan na niya ang kaibigan ko. Ngunit gaya kanina, nagbingi-bingihan lang siya. Tumawa siya habang unti-unti nang initinataas ang palakol na hawak.niya. "Pagmasdan mo kung papaano ko pugutan ng ulo ang kaibigan mo. Ito ang kabayaran mo sa pangingialam mo sa gamit ko noong isang araw. Pakialamera," sabi niya sakin kasabay ang isang matalim na pagtitig. "MIYUKIIIII!!!!!" Napasigaw at napaiyak na lang ako nang pugutan na niya si Miyuki. Sumirit ang napaka-raming dugo sa mukha niya habang nakangiti siyang nakatingin sakin. Inamoy-amoy niya pa ang dugo sa palakol. Isa siyang hayop. Hindi makatao ang ginawa niya! May napansin akong gumulong sa harapan ko. Napatili ako ng husto nang makitang ulo ito ni Miyuki. Dilat na dilat at nakatingin sakin na tila ba humihingi ng tulong. -----××----- Napabalikwas ako ng bangon at agad na lumingon sa paligid. Nandito ako sa kwarto ko. Ibig sabihin, panaginip lang ang lahat ng iyon? Nakahinga ako bigla ng maluwag. Ang buong akala ko kasi'y magiging katapusan ko na iyon. Salamat at hindi iyon totoo kungdi isang bangungot lang. Panaginip lamang iyon subalit biglang sumama ang pakiramdam ko. Biglang sumagi sa aking isip ang kaibigang si Miyuki kung kamusta ba ito. Naalala ko tuloy ang mood niya kanina. Medyo masama daw ang pakiramdam niya. Hindi ko alam kung bakit. Tinignan ko ang orasang nakapatong sa cabinet. Pasado alas onse na ng gabi. Pumikit na lang ako at bumalik na sa pagtulog. Ayaw kong mag-isip ng hindi maganda kaya itutulog ko na lang. Tutal, panaginip lang naman ang lahat. Miss Laura's POV Diretso lang ang tingin ko habang tinatahak ang daan patungo sa aking munting tirahan na matatagpuan sa kakahuyan. Madilim na. Ngunit hindi ko ito problema dahil hindi naman ako takot sa dilim. Sa katunayan, ay gustong-gusto ko ito. Dahil sa dilim, malaya kong nagagawa ang aking mga hilig. Malaya akong nakakakilos nang wala saking nakakapansin. Ngayong araw na ito, ay sisingilin ko si Lucy dahil sa paglabag niya sa isa sa mga rules ko. Ang buong akala siguro niya'y wala akong alam sa pangingialam niya sa mga gamit ko. Pwes, makikita niya ang gusto niya. Sigurado ako ngayon na napapaisip na rin siya sa tunay kong pagkatao. Hindi ko siya masisisi. Matapos niyang makita ang mga iyon, natitiyak kong marami nang mga katanungan ang gumugulo sa isipan niya. Isa na doon ay ang aking tattoo. Talagang ginagalit ako ng isang iyon. Sa wakas ay narating ko na ang tirahan ko. Agad akong pumasok sa loob at tumungo sa sikretong pintuan upang makapasok sa isang lihim na silid upang puntahan ang aking mga koleksyon. Sa unang tingin ay wala namang espesyal rito. Garapon lamang ito na may nakalagay na iba't-ibang pangalan. Subalit ang nilalaman nito ay talaga namang kakaiba. Isang opposite. Third Person's POV *FLASHBACK* Nang sandaling makain na ng mga estudyante ni Miss Laura ang itim na candy na iyon, ay nagsimula naman na kumulo ang laman ng pulang banga na nasa loob ng lihim na silid niya. Habang kumukulo ito ay may nabubuo rito na isang itim na usok na katagala'y lumabas sa banga pagkatapos ay nagiging opposite. Ang opposite ay isang nilalang na likha ng itim na mahika. Mula ito sa itim na candy gaya ng ibinigay ni Miss Laura sa mga estudyante niya. Ang opposite ay ang kabaliktaran ng taong kumain ng itim na candy. Kung ang taong iyon ay mabait, natural na ang magiging opposite niya ay masama. Ang mga opposite na nabuo mula sa pulang banga ay iba-ibang klase. Mayroong takot, matapang, mang-mang, at kung ano-ano pa. Sila ang mga kabaliktaran ng estudyante ni Miss Laura. Nanatili lamang ng mga ilang sandali ang mga opposite na iyon pagkatapos ay naging itim na usok nang muli sila at pumasok na sa loob ng isang kakaibang garapon na mayroong iba't-ibang pangalan. Ito ang magsisilbi nilang mga kulungan. Makalalabas lamang sila kung bubuksan ni Miss Laura ang mga garapon. Kung kakailanganin sila upang gumawa ng isang bagay. Halimbawa ay upang patayin ang taong pinagbasehan sa kanila. *END OF FLASHBACK* Miss Laura's POV Dahan-dahang kong minulat ang aking mga mata matapos kong isipin kung papaano gagantihan si Lucy. Tama. Hindi ko muna siya tatapusin ngayon. May naisip na akong plano para sa magiging kamatayan niya. Sa ngayon, pagbabayaran ng isa sa mga kaibigan niya ang ginawa niyang kalapastanganan. Napatawa ako sa naiisip ko. Nang sandaling mahanap ko na ang garapon na hinahanap ko'y agad kong kinuha ito. Napangisi muna ako bago ko ito buksan. Isang itim na usok ang lumabas mula rito hanggang sa maging kamukha ng estudyante kong si Miyuki. Batid ko namang hindi ito ang totoong Miyuki. Isa lamang itong opposite. Ang opposite ni Miyuki na ito, ay mapagtiwala. Hindi gaya ng orihinal na mahirap magtiwala. "A-ano pong kailangan niyo sakin? Sino po kayo?" Magalang na tanong nito sakin habang nililibot niya ng tingin ang silid. "Hindi na mahalaga kung sino ako. Pinakawalan kita dahil ikaw ang magiging kabayaran sa ginawang kasalanan ng kaibigan mo," sabi ko rito kasabay ang pagngiti. "Ano pong ibig niyong sabihin? Ano po ang balak ninyong gawin sakin?" Kinakabahan at nagtatakang tanong niya sa akin. Napaatras siya at tila ba naghahanap ng daan palabas sa silid na ito. Malas niya lang dahil hindi ko hahayaang sirain niya ang plano ko. Kailangang mamatay ni Miyuki. Siya magiging kabayaran para sa kasalanan ng kaibigan niya. "Maghintay ka lang," sabi ko at ngumisi sa kanya. Miyuki's POV Nagising ako sa mahimbing kong pagkakatulog nang makaramdam ako ng kakaiba. Hindi ko maipaliwanag kung ano ba itong nangyayari sakin. Naguguluhan ako. Ang lamig ng kwarto ko kahit na nakapatay ang aircon. Nakakumot na ako't lahat pero tumatagos pa rin sa balat ko ang lamig. Natatakot ako. Akmang lalabas sana ako ng aking kwarto upang pumunta ng kusina nang makainom ng malamig na tubig, nang bigla akong makaramdam ng napaka-sakit sa aking tiyan. Mabilis akong natumba dahil don. Napahawak ako sa tiyan ko nang maramdamang humapdi ito. Hindi ako nagugutom. Parang may mainit na dumadampi sa balat ko. Sobrang sakit. Anong nangyayari sakin? "Tulong! Tulungan niyo ko!" Nagsisisigaw ako habang pagulong-gulong na sa sobrang sakit. Hindi ko 'to kaya. Hanggang sa biglang nanghina ang katawan ko. Maya-maya'y naramdaman ko namang may mainit muli sa balat ko. Wala akong ideya sa bagay na nangyayari sakin. Wala akong alam. Hindi ko sigurado kung kinukulam ba ako o kung ano pero isa lang ang sigurado ko. Katapusan ko na. Miss Laura's POV Nakangiti lamang ako habang pinagmamasdan ang opposite ni Miyuki. Marami itong paso sa tiyan. Ganon din sa iba pa nitong katawan. Pinuno ko ng paso ang katawan nito. Mistula itong nasunog sa dami ng sugat. "Kaawa-awa," sabi ko at nilapitan ko siya. Nang sandaling tumigil na ito sa pagsigaw, ay binitawan ko na ang pampasong hawak-hawak ko. Pagkatapos, kinuha ko naman ang isang palakol na kanina ko pa kinuha sa kasukalan. Nilapitan ko muli siya. "Pagpasensyahan mo na 'ko kung ginagawa ko sa'yo 'to. Yang kaibigan mo na si Lucy ang sisihin mo kapag nasa kabilang buhay ka na. Dahil, siya ang dahilan ng lahat ng ito. Dahil siya ang dahilan kung bakit napabilis ang kamatayan mo," sabi ko rito bago malademonyong tumawa. "Adios, mademoiselle." Dahan-dahan kong itinaas ang palakol na hawak ko. Kitang-kita ko ang pagmamakaawa sa mga mata niya nang makita niya ito. Napangisi lang ako bago ko isinagawa ang balak ko. Nang mapugot ko ang ulo niya, gumulong ito papunta sa ilalim ng bangko sa gawing kaliwa ko. Labis labis ang aking tuwa habang pinagmamasdan ang maamong mukha ni Miyuki. Sayang. Nasayang ang buhay niya dahil sa pakialamera niyang kaibigan. Maya-maya pa'y naglaho na lang ito sa harapan ko na parang isang bula. Napatawa ako kasabay ang pagkabasag ng garapon na kinuha ko kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD