Miss Laura's POV
Pagkapasok ko sa loob ng klase ay unang hinanap ng aking mga mata ang estudyante kong si Lucy. Nakatingin rin ito sa akin at bakas sa mga mata niya ang takot habang tinitignan ako. May napansin lang ako, may ngiti sa labi niya. Nainis naman ako dahil alam kong may ginawa na itong pakialamerang ito na hindi ko magugustuhan.
Lumakad ako't pumunta sa harapan. Akmang magsisitayuan na sana sila upang batiin ako ng magandang umaga nang bigla akong magsalita. Bwisit. Hindi maganda ang araw ngayon. At dahil iyon sa lecheng Lucy na iyon. Talagang hinahamon niya ako.
"Magsi-upo ang lahat! May kailangan akong malaman tungkol sa inyo!"
Pinandilatan ko silang lahat ng mga mata habang tinitignan sila isa-isa. Kunwari hindi ko alam na pinakailaman niya ang mga gamit ko. Susubukan ko siyang paaminin sa kasalanan niya. Kapag hindi siya umamin, ipapadanas ko sa kanya ang kamatayang hindi-hindi niya makakalimutan.
Hindi ako nagbibiro. Seryoso ako sa sinasabi ko. Kaya ko iyong gawin kung gugustuhin ko lalo pa't ako na ang may hawak ng mga buhay nila ngayon. Mga walang kwentang mag-aaral. Gagamitin ko lang naman sila sa inimbento kong laro. Hindi nila makakamit ang hinahangad nilang pagtatapos, sahil bago pa man dumating ang araw na iyon... patay na silang lahat.
Nairita ako ng husto nang magbulungan sila. Hindi ko nga maintindihan kung bakit kailangan pa nila itong iparinig sakin. Nakakaasar lang. Mas lalo lang nilang sinisira ang umaga ko.
"Ano na namang problema niya?" Inis na tanong ni Miyuki.
"Ang dami namang alam ni Miss Laura," sabi ni Ethan.
"Ba't ba kasi siya pa ang naging adviser natin?" Iritang sabi nung Ashlynn.
"Ang bagal naman niya. Ano ba kasi yang sasabihin niya? Importante ba yan?" Wika ni Jiro.
"TAHIMIK!"
Galit na galit na talaga ako. Kung dati'y mala-anghel ang mukha ko, ngayon ay kikilabutan ka dahil ibang-iba na. Nakakatindig balahibo. Nakakakilabot. Mistula na akong mabangis na hayop sa harapan nila ngayon na kahit na anong sandali ay nakahandang atakihin sila.
Ngunit hindi pa ngayon ang tamang panahon para doon. Kailangan kong hintayin ang mismong araw kung saan perpekto na ang lahat. Simula sa mga magiging kalahok at sa mga pagsubok na pagdaraanan nila.
Ngayon pa nga lang ay sinisumulan ko nang perpektuhin ang mga plano ko. Nang sa gayon, kapag dumating na ang araw na iyon ay wala nang makakapigil pa sakin. Walang makakasira ng plano ko. Kahit na sino sa kanila.
Sinisiguro ko iyan.
Mabilis na natigil ang mga pagbubulungan nila patungkol sakin. Umiinit na ang ulo ko dahil sa ginawang ingay ng mga ito. 'Yon pa naman ang isa sa mga pinaka-ayaw ko. Ang maingay. Dahil naririndi talaga ako sa tuwing nakaririnig ako ng ingay. Kahit na sabihin pa nating pagbulong lang iyan, kung marami sila, ingay ang mabubuo.
Nakakairita talaga sila.
"Hindi ba't sinabi ko na ayaw ko ng maingay?! Naiintindihan niyo ba yon?! Nagiingay at nagiingay pa rin kayo! Wag ninyong sasagarin ang pasensya ko dahil kapag ito napuno, malilintikan kayo sakin!"
Hinagis ko sa kanila ang mga gamit na nasa ibabaw ng mesa. Ang mga estudyante kong tinamaan nito ay binalik lang nila ulit sa harap ang mga gamit ko. Magaling. Mukhang epektibo itong pagsusungit ko sa kanila. Dapat lang. Dahil diyan ako natutuwa.
"Opo ma'am!" Magalang na sagot ng mga ito.
Napangisi lang ako sa aking narinig. Talagang sunud-sunuran na sila sa kagustuhan ko ngayon. Lahat ng sinasabi ko, ginagawa nila. Mas maigi. Dahil mas mapapadali ang mga plano kung ganyan lang sila bago magsimula ang laro.
"Sino sa inyo ang nangialam ng gamit ko sa ilalim ng lamesa na nasa harapan kahapon? Sino?!"
Nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ko. Natigil ang iba sa ginagawa at nagtatakang napatingin sakin. Nagkatinginan sila at tila ba naguusap kung sino sa kanila ang may kagagawan ng bagay na iyon.
Kilala ko naman talaga siya. Nais ko lang na sa kanya mismo manggaling na umaamin siya. Gusto ko siyang ipahiya sa klase. Gusto kong ipamukha sa kanya kung ano lang siya sa klase na ito. Ako ang higit na nakakataas sa kanya. Ako ang gurong-tagapayo nila. Hindi niya ako maaaring kalabanin. Hindi niya ako kilala. Marami silang hindi alam sa akin.
Kinakabahan ang lahat. Walang nagsalita. Walang umimik. Hindi sila makatingin ng diretso sa mga nanlilisik kong mga tingin. Mga duwag. Wala silang ibang magawa kungdi ang manahimik. Natatakot sila na pagbuntunan ko sila ng galit na dapat ay sa pakialamerang iyon.
"Ah ganon. Magmatigasan tayo. Talagang walang aamin," nanggagalaiti kong sabi at sinimulang ikuyom ang kaliwang kamay ko.
Nagulat ang lahat nang hampasin ko ng napaka-lakas ang ibabaw ng mesa. Akmang itatapon ko na sanang muli ang mga gamit ko nang biglang may magsalit na isa sa kanila.
"Ako po! Ako po ang nangialam!" Sabi nung Carl habang nakataas ang kaliwang kamay.
Napako ang tingin ng lahat sa kanya.
"Ikaw pala..."
Inilapag ko ang mga gamit na sana'y itatapon ko. Pumorma muna sa labi ko ang pagngisi bago ko nilapitan si Carl na kasalukuyang kinakabahan at nanginginig ngayon sa kinauupuan nito.
Hindi siya ang hinihintay kong magsalita. Talagang matigas ang babaeng iyon. Mukhang nagkamali ako ng pagkakakilala sa kanya. Hindi siya yung tipong biglang nanlalambot kahit na pakitaan mo ng iyong kasamaan.
Naiinis na talaga ko sa kanya!
Pagkalapit na pagkalapit ko kah Carl ay binigyan ko siya ng isang mala-demonyong ngiti. Lumapit pa ako ng husto sa kanya at nilapit ko ang aking bibig sa kanyang kaliwang tenga.
"Sa susunod... Wag ka nang mangingialam ng gamit ng iba. Dahil oras na galawin mong muli ang gamit ko, sinisiguro ko sayo, na iyon na ang magiging katapusan ng mga maliligayang araw mo. Maliwanag ba?"
Tumalikod na ako rito pagkatapos ay bumalik na ako sa harapan habang nakatingin ng matalim sa kanilang lahat.
"Maiwan ko na muna kayo," sabi ko bago lumabas ng klase.
Hindi pa tayo tapos, Lucy.
Carl's POV
Pagkalabas ni Miss Laura'y sa akin na napako ang atensyon ng lahat. Bumibilis sa pagtibok ang puso ko. Ano ba itong ginawa ko? Inako ko ang kasalanan na hindi ko naman ginawa. Hindi totoong ako ang nangialam ng gamit sa ilalim ng mesa niya.
Ginawa ko lang iyon upang hindi na madamay ang iba.
"Iris," tawag ko sa babaeng katabi ko.
"Carl, hindi naman totoo ang sinabi mo diba?" Nagtatakang tanong niya sakin.
Napabuntong-hininga ako.
"Tapatin mo nga ko. Totoo ba yon? Totoo ba na ginalaw mo yung gamit ni Miss Laura doon sa ilalim ng mesa?" Seryosong tanong niya sakin. Hinawakan niya ko sa magkabilang balikat habang nakatinging ng diretso sa mga mata ko.
"Hindi totoo yon. Hindi ako ang gumalaw ng gamit ni Miss Laura doon sa ilalim ng lamesa," sagot ko na labis niyang ikinagulat.
"Kung ganon, bakit mo naman inako ang kasalanan na hindi mo naman pala ginawa?" Naiinis na siya sakin. Bumitaw na rin siya sa pagkakahawak sa balikat ko. Napayuko siya.
"Dahil takot ako sa pe-pwedeng gawin satin ni Miss Laura. Alam kong lahat tayo madadamay kung walang aamin. Kaya napagdesisyunan ko, na akuin ko na lang. Nang sa gayon ay hindi na madamay ang iba."
"Kung hindi ikaw. Sino? Sino ang pe-pwedeng mangialam ng gamit ni Miss Laura?" Naguguluhang tanong ni Iris sakin. Palingon-lingon siya at tila ba sinisiguro na walang makakarinig sa sinasabi niya.
"Hindi ako sigurado. Ngunit... isang tao lang ang naiisip ko na pusibleng gumawa non."
Napatingin siya agad sakin.
May isang tao akong kilala na pusibleng gawin ang bagay na iyon. Nakasisiguro ako. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya lang ang may motibo upang gawin yon. Dahil naiinis siya kay Miss Laura.
"Sabihin mo Carl. Sino?" Nasasabik na tanong sakin ni Iris.
"Si Lucy Heirls," bulong ko kasabay ang makabuluhang pagngisi.
Third Person's POV
*FLASHBACK*
Nang sandaling maubos na ni Lucy ang mga pagkaing kinuha niya, ay mabilis siyang lumabas ng cafeteria upang bumalik na sa kanilang classroom. Habang naglalakad, ay hindi niya maiwasan ang kabahan, at matakot. Dahil, siya lamang ang namumukod tangi na nasa labas ng cafeteria. Dahil lahat ng mga teacher, at mga estuydante, ay nasa loob ng cafeteria at pinagsasaluhan ang pagkaing ipinahain sa kanila ni Mr. Alfonso Marcelino.
Bigla na lamang siyang napasigaw nang makarinig siya ng isang nakakatakot na tugtog na alam niyang mula sa isang piano. Hindi niya alam kung saan iyon banda nanggagaling, at kung sino ang tumutugtog. Kaya naman, labis-labis na lamang ang kanyang takot ng mga oras na iyon.
Dahil sa takot, ay tinakbo na niya ang daan papunta sa classroom nila. Pagkarating na pagkarating niya, ay nakahinga siya ng maluwag. Dahil l hindi na niya naririnig ang nakakatakot na tugtog na iyon.
Mabilis na namuo ang pagngisi sa labi ni Lucy nang maalala niya ang isa sa mga rules ng kanilang gurong-tagapayo na si Miss Laura.
"At ang panghuli, ang ikalima, ay hindi niyo maaaring galawin o pakialaman ang gamit ko na nasa ilalim ng mesa na nasa harapan. Maliwaag ba?"
Napaisip rin siya. Bakit kaya ayaw ipakita o ipagalaw sa kanila ni Miss Laura ang mga gamit na nasa ilalim ng mesa? Siguro'y may tinatago itong sikreto. Yon ang isang bagay na palaging tumatakbo sa isip niya. Hindi siya maaaring magkamali.
May nililihim ito sa kanilang lahat.
"Anong tinatago mo samin Miss Laura?" Nakangisi niyang tanong habang pinagmamasdan ang mesa.
Nasisiguro niya, na magiging masaya itong gagawin niya. Gusto niyang alamin ang sikreto ni Miss Laura. Nais niyang makahanap ng kahit na ano na magagamit niya upang magantihan niya ito at mapabagsak.
"Mapapabagsak rin kita," sabi niya kasabay ang mahinang pagtawa.
Nilapitan niya ang lamesa na nasa harapan. Nakangiti siya habang iniikot-ikutan ito. Hindi na siya makapag-hintay. Gusto na niyang alamin kung anoman ang nasa ilalim nito.
Huminto na siya sa pag-ikot sa lamesa at umupo siya. Pagkatapos, ay dahan-dahan siyang lumapit sa may ilalim ng lamesa. Nakita niya na mayroong tila pintuan ito. Napasimangot siya sa pag-aakalang may lock ito. Laking pasasalamat niya nang mapag-alamang wala. Mukhang nakalimutan itong isara ni Miss Laura.
"Ano kayang nasa loob nito?" Tanong niya habang unti-unting binubukan ang maliit na pintuan.
Pagkabukas niya'y tumambad sa kanya ang maraming kakaibang bagay. Ngunit, ang pumukaw talaga ng pansin niya, ay ang pulang tela na pinagbabalutan ng kung ano. Hindi niya batid kung ano ang pinagbabalutan ng pulang tela na ito, kaya labis-labis ang kanyang pagtataka.
Mabilis niyang kinuha ang pulang tela na iyon. Pagkakuha niya, ay inilapag niya ito sa may sahig. Pagkatapos ay binuka niya para malaman kung ano ba ang pinagbabalutan nito at bakit tila ingat na ingat.
"Ano 'to?" Nagtatakang tanong niya nang tumambad sa kanya ang maraming maliit na candy na kulay itim.
Hindi niya sigurado kung candy ba talaga ito. Subalit, hindi maganda ang kutob niya rito. Alam niyang may kakaiba. 'Yon ang hindi niya alam. Sapagkat ngayon lang siya nakakita ng ganito.
"Ano ba talaga ito?" Naguguluhang tanong niya.
Nataranta siya bigla nang makarinig ng mga yabag na papalapit sa kinaroroonan niya. Natakot at kinabahan siya. Dahil baka ito ang gurong-tagapayo nila na si Miss Laura. Hindi siya maaaring makita nito. Paniguradong parurusahan siya oras na malaman nitong pinakailaman niya ang gamit sa ilalim ng lamesa.
Mabilis niyang ibinalot muli ang mga candy na kulay itim na iyon sa pulang tela. Pagkatapos ay ibinalik niya ito sa pinaglalagyan nito kanina.
Akmang isasara na sana niya ito nang makakita pa siya ng isang kakaibang bagay. Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita. Gustuhin man niyang kuhanin ito'y hindi na niya nagawa dahil mas lumalakas na ang mga yabag na papalapit sa kanya.
"Letche!" Inis niyang sabi bago ito isara.
Tumayo siya agad at naupo sa kanyang upuan. Walang maaaring makakita na ginawa niya ang bagay na iyon. Mananagot siya kapag nagkataon. Ayaw pa naman niyang maparusahan.
Nakahinga siya ng maluwag nang makita kung sino ang dumating. Ang isa sa kanyang mga kaibigan. Si Ivanna.
"Oh Lucy, nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap. Bakit ka ba biglang umalis doon sa cafeteria? Hindi mo ba alam na kung saan-saan pa ko nakarating mahanap lang kitang bruha ka!" Sabi nito sa kanya at alalang-alala.
Nilapitan niya ito, "Wala naman. Ang boring kasi dun e. Wala akong ibang magawa," sagot niya kalakip ang isang ngiti.
"Ah ganon ba? Babalik ka pa ba?"
"Hindi na siguro. Hintayin na lang natin sila dito," sabi niya pa.
Umupo na si Ivanna sa tabi niya. Hindi pa rin mawaglit sa isipan niya ang mga bagay na nakita niya kanina. Ano ang mga 'yon? Anong kinalaman ng mga bagay na iyon kay Miss Laura?
Sino ba talaga si Miss Laura?
*END OF FLASHBACK*