Dorothy's POV
Nakangiti akong pumasok sa loob ng klase. Sa akin sila nakatingin lahat. Bakit? Nalate lang naman ako ng ilang minuto ngunit ang mga tingin nila, para bang may ginawa akong masama sa kanila. Nakakairita. Hindi ako sanay na pinagtitinginan ng nakararami.
Isang manyak ang sumalubong sakin. Nakangiti siya at mukhang may sasabihin. Wala akong panahon makipag-usap sa mga gaya niya. Inaaksaya niya lang ang oras niya sa gaya ko. Wala siyang mapapala.
"Nang-iinis ka ba?" Tanong ko sa kanya. Harangan ba naman ang daraanan ko. Nakakainis. Nagmamadali na nga ako dahil may pag-uusapan pa kami nila Hailey.
Iniinis niya talaga ako!
"Goodmorning Dorothy," bati niya sakin. At aba, ngumiti pa. Manyak talaga 'tong lalaking ito.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa utak ko ang ginawa niya sakin kahapon. Hinalikan niya ako sa pisngi! Leche! Ngayon lang may gumawa sakin ng bagay na iyon. Hindi ko talaga inaasahan ang pangyayaring iyon.
Nakakabigla.
"Patawarin mo sana ako sa ginawa ko kahapon. Napagtripan na naman ako ng mga tropa ko. Sorry talaga." Tumingin siya sa mga mata ko. Bumilis naman bigla ang t***k ng puso ko. Hindi ko maiwasang mainis.
Bakit ko ba 'to nararamdaman sa kanya?
"Kalimutan mo na 'yon. Umalis ka sa daraanan ko pwede ba?" Malumanay kong sabi.
Weird. Hindi ako nagalit sa kanya. Ewan ko kung bakit. Siguro kasi pinaniniwalaan ko ang sinabi niya? Posible. Kasi yung mga tropa naman pala niya ang nag-utos sa kanya. Mukhang napilitan nga lang siya.
Todo kung maka-sorry e.
"Salamat."
Sa wakas ay umalis na rin siya at naupo.
Napairap ako nang mapagtantong nakatingin pa rin sakin ang lahat. Lumakad na ako at naupo na rin sa upuan ko. Tumungo ako upang hindi ko makita ang mga pagmumukha nila.
Nakakairita.
Miss Laura's POV
Napaka-lapad ng ngiti sa labi ko habang nakaharap sa isang malaking salamin na matatagpuan sa loob ng lihim na silid na kinaroroonan ko. Masayang-masaya ako sapagkat batid ko na magiging interesante ang larong inimbento ko oras na malaro na ito ng mga estudyante ko sa araw na itinakda.
"Ngayong hawak ko na ang kanilang mga buhay, kinakailangan na nilang sundin ang lahat ng ipag-uutos ko. Dahil... mga laruan ko na sila ngayon. At ang mga laruan, ay pinag-lalaruan," sabi ko at agad na pumorma sa aking labi ang isang nakakatakot na pagngisi.
Iris's POV
Tulalang nakatingin lamang ako habang nakasilip sa bintanang nasa tabi ko. Ang klase kasi namin ay nasa may gilid. Kung kaya't nakikita ko ang labas ng aming paaralan.
Hindi ko pa rin kasi lubos maisip kung bakit ganon ang gurong-tagapayo namin. Bakit ganon si Miss Laura? Alam kong may kakaiba sa kanya. Alam kong may nililhim siya. Nababasa ko ito sa bawat galaw at pagngiting ginagawa niya sa harapan namin.
Ano ang tunay na pagkatao niya?
"M-may bumabagabag ba sa'yo?"
Napatingin ako bigla sa taong tumabi sakin. Si Carl. Napansin niya yata na malalim ang iniisip ko kaya naudyukan siyang kausapin ako.
"Marami. Maraming-marami."
"Katulad naman ng?" Pagtatanong niya.
"Yung tattoo ni Miss Laura sa may dibdib niya. Parang nakita ko na yon dati. Hindi ko lang matandaan kung kanino ko ba yon nakita. At kung saan at kailan ko ito nakita. Basta nakita ko na yon."
Sumilip akong muli sa bintana upang alalahanin ang mga sandaling nakita ko ang kakaibang tattoo na iyon. Sigurado talaga ako. Nakita ko na iyon noon. Nakakaasar lang at hindi ko maalala.
"Talaga? Kelan mo naman yun huling nakita? Matagal na panahon na ba?" Curious na tanong niya sakin at nilapit pa talaga ang mukha niya. Mukhang interesado rin siya malaman kung ano ba ang nalalaman ko.
Malas niya lang dahil hindi ko talaga maalala.
"Oo matagal na. Kaya sa palagay ko, imposible pa na matandaan ko yon. Dahil sa sobrang tagal na ng panahon nang huli kong makita ang tattoo na yon," sagot ko at sandaling tinapunan siya ng tingin.
Nanlaki naman bigla ang mga mata ko nang matanaw ko sa labas si Carl. Nakatingin siya ng matalim sa akin habang nakangisi. Nakapagtataka. Dahil, katabi ko siya ngayon. At kausap. Naguguluhan ako.
Sino yung kamukha ni Carl na nakita ko?
"Hoy! Anong nangyari sa'yo?"
Napalingon ako bigla sa kanya nang kalabitin niya ako. Hindi ako makapaniwala. Sumasakit ang ulo ko. Sino 'yon? Bakit dalawa sila? Nababaliw na ba ako? Heto ba ang epekto ng kapapanood ko ng mga criminal case? Huhu.
Anong nangyayari?
"W-wala," tulala kong sagot.
Napasilip akong muli sa bintana. Nanlambot ang mga tuhod ko nang makitang wala na doon ang kamukha ni Carl na nakita ko. Napahilamos ako sa mukha.
Nasisiraan na yata ako.
Kyle's POV
Mabilis na natapos ang mga klase namin. Nakakatuwa dahil hindi naman mahihirap ang itinuturo nila dito. Madali lang para sa aming lahat. Nakasasabay kami kahit na madalas ay nasesermonan. Ang ingay kasi ng ibang grupo diyan. Nadadamay tuloy ang iba kapag nasisita sila. Pambihira.
Kasalanan ng isa, kasalanan ng lahat.
Masayang nagke-kwentuhan ang lahat. Iba-iba ang topic, iba-iba ang subject. Ang ingay ng mga babae namin dito. Parang mga chismosa. Ang lalakas ng boses na tila ba may pinatatamaan. Sana lang at walang gulong maganap. Baka magkaroon ng part 2 ang sabong.
Hinihintay na lang namin ay ang pagtunog ng bell at si Miss Laura. Medyo nababadtrip ako sa kanya. Kailangan pa niyang puntahan kami rito bago kami makauwi. Bwisit.
Ang dami niyang alam.
"Para saan kaya yung itim na candy na binigay sa atin ni Miss Laura kahapon?" Nagtatakang tanong ng katabi kong si Kenn. Napakibit-balikat lang ako sa kanya dahil wala rin akong alam.
"Gift nga raw sa section natin. Hindi ka ba nakinig sa sinabi ni Miss Laura?" Naiiritang kong sabi sa kanya. Halatang hindi siya nakikinig tuwing may guro sa harapan.
"Hindi e. Parang may kakaiba roon sa binigay niya satin. Hindi ko lang maipaliwanag kung ano yon," sabi ni Hailey.
"Sa totoo lang... magmula nung ibinigay sa atin ni Miss Lura yung parang candy na yon. Maraming mga kakaibang bagay ang nangyayari sakin," sabi ni Ethan.
"Katulad ng ano bro?" Tanong ni Kenn.
"Kapag tumitingin kasi ako sa salamin... pakiramdam ko, may ibang nakatingin sakin," sagot ni Ethan na labis kong ipinagtataka.
"Nangyari din yan sakin. Kaso yung sakin, nung tumingin ako sa salamin, nakita ko yung sarili ko na nakangisi at kakaiba ang mga mata," singit ni Bianca sa aming usapan.
Dumating rin sina Chloe at Mayumi.
"Parang hindi sarili mo yung nakita mo. Ganon ba?" Tanong ni Dorothy.
"Ganon na nga," sagot ni Bianca.
"Tila isang krimen yang si Miss Laura," sabi ni Calvix.
"Bakit naman?" Tanong namin sa kanya.
"Kasi... nababalot siya ng misteryo," sagot ni Calvix bago kami tignan isa-isa. Tapos bigla na lang siyang tumawa.
Parang baliw.
Nahinto kami bigla sa aming pag-uusap. Napaayos ang lahat ng kanilang upo nang may biglang pumasok sa loob ng klase namin. Ang aming pinag-uusapan.
Si Miss Laura.
"Maaari na kayong umuwi," sabi niya kasabay ang pagtunog ng bell.
Nahihiwagaan talaga ako sa kinikilos niya.