Chapter 7: Section's Gift

1353 Words
Mayumi's POV Napanganga na lang ako nang marating na namin ang cafeteria. Hindi ko talaga inexpect na ganito ang makikita ko. Old fashion school ang Marcelino University kaya naisip ko na baka pangit ang mga facilities nila. Ngunit nang makarating ako dito, kinain ko rin ang mga sinabi ko. Hindi naman pala. Nagkamali ako. Dapat pala'y hindi ko muna ito hinusgahan agad. Masyado ko na namang pinairal ang pagiging judgemental ko. Pumukaw ng atensyon ko ay ang magagandang chandelier na nasa itaas ng kisame na nagbibigay liwanag sa buong parte ng cafeteria. Ang dami ring mga kakaibang palamuti na nakapalibot sa buong paligid. Sobrang ganda! Ang sahig nila, yari sa marmol. Mamahalin. Ngunit may isang napaka-laki at napaka-gandang painting akong napansin. Nakasabit ito sa dulong parte ng cafeteria. Ang painting na iyon ay tila may gustong ipahiwatig o gustong tukuyin. Unang kita ko pa lang dito ay nahiwagaan ako agad kung anong ibig sabihin ng painting. Masyadong misteryoso. Kakaiba ang pagkakagawa at tila espesyal ang painting na iyon dahil ingat na ingat. Mayroon itong lalagyan kaya't kung sakaling mahulog man ito ay hindi ito masisira basta-basta. Kung titignan mo rin ito'y mukhang wala namang ipinagkaiba iyon sa iba pang painting. Mukha lamang ng isang batang lalaki. Ngunit kung mapapansin mo, kakaiba ang kaliwang parte ng mukha nito. Ibang-iba ang kulay at ang ekspresyon hindi gaya sa kanang parte. Magkaiba. Iisang tao na magkaiba ang ugali. "Nandiyan na siya." Sinundan ko ng tingin ang tinitignan ni Chloe at nakita ko ang isang lalaki na sa tingin ko'y edad trenta. Hindi ito balbas sarado at nakasuot ito ng pormal. Sigurado akong siya ang pinag-uusapan ng mga guro at mga estudyante dito kanina pa. Ang may-ari ng Marcelino University. Mr. Alfonso Marcelino. Tahimik lang kaming mga estudyante habang nakaupo sa kanya-kanya naming mga pwesto. Mababakas ang tuwa sa aming mga labi dahil nakaharap namin ang may-ari ng paaralang ito. Ngunit may iilan talagang tila hindi masaya. Hindi ko sigurado kung ayaw ba nila sa taong nasa harapan nila o sadyang hindi nila ito kilala. May lumapit na isang babaeng guro kay Mr. Marcelino at inabutan siya ng mikropono. "Magandang araw sa inyong lahat mga mag-aaral. Maligayang pagdating sa Marcelino University. Ako ang may-ari nito, Mr. Alfonso Marcelino. At nais kong ipagbigay-alam sa inyo, na lahat ng handa na nakikita niyo ngayon, ay para sa inyong lahat. Maraming salamat." Nagpalakpakan ang lahat. Marami ang natuwa dahil sa kabaitang ipinakita ni Mr. Marcelino. Marami rin ang nagbulung-bulungan dahil duda ang mga ito sa kanya. Maging ako'y napapaisip rin. Mabait ba siya talaga? Lucy's POV "Grabe. Ang sosyal ng mga pagkain na ipinahain sa atin ni Mr. Alfonso Marcelino. Ang bait-bait naman niya," nakangiting sabi ni Ivanna habang kumakain ng paborito niyang carbonara. Nakakairita. Wala akong tiwala sa lalaking iyon. Kaduda-duda rin siya. Parang siya si Miss Laura. Malihim masyado. Sigurado akong may tinatago rin siyang sikreto sa bawat pagngiting ipinapakita niya sa madla. Nakakainis. Pare-parehas lang sila. Mga hindi katiwa-tiwala. "Anong problema Lucy? Sino ba yung tinitignan mo diyan?" Tanong sakin ni Miyuki Napansin yata niyang kanina pa ako palingon-lingon sa paligid. Well, hinahanap ko lang naman ang walang kwenta naming gurong-tagapayo. Gusto kong masigurong nandito siya. Maya-maya kasi'y isasagawa ko na ang plano ko para malaman ko ang tinatagong sikreto niya. "Wala akong problema. Hinahanap ko lang kung nasaan yung bwisit na gurong-tagapayo natin," sagot ko sa kanya. Talagang diniian ko ang salitang bwisit. Dahil bwisit naman talaga ang gurong iyon. Akala niya siguro'y mauuto niya ako sa panloloko niya. Pwes, hindi. Hindi ako gaya ng mga kaklase ko na tatanga-tanga lang. Ibahin niya ako. Gagawa at gagawa ako ng plano para malaman ko ang sikreto niya. Humanda siya. "Relax ka nga lang. Wait, ikukuha lang kita ng malamig na tubig," worried na sabi ni Ivanna bago tumayo at ikukuha nga talaga ako ng malamig na tubig. Nagmasid-masid pa ako sa paligid upang hanapin si Miss Laura. Medyo nairita lang ako dahil puro lalaking mga feeling gwapo ang nakita ko. Pakindat-kindat pa ang mga ito with matching smile pa. Napamura lang ako sa inis. Ang sarap tusukin ng mga mata nila. Mga manyak. Napangisi naman ako nang sandaling mahanap ko na siya. Kausap niya ang gurong si Miss Katarina. Bumilis ang pintig ng puso ko nang lumingon siya sa direksyon ko. Napaiwas ako bigla ng tingin. Hindi maaaring makita niya akong nakatingin sa kanya. Baka mabasa niya ang iniisip ko. Baka mapuna niyang pinagdududahan ko siya at may balak akong gawing hindi niya magugustuhan. Ilang sandali ang hinintay ko at muling lumingon sa direksyon ni Miss Laura. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatingin pala siya sakin. Nakangisi siya sakin. Kinikilabutan ako. Hindi ko ito ipinahalata at nakipagtitigan ako sa kanya. Matutuklasan ko rin ang sikreto niya. Thara's POV Masayang-masaya ang buong klase namin pagkatapos ng napaka-sarap na recess na iyon. Hindi ko lubos akalain na ganoon ang magiging pag-welcome sa amin ng may-ari ng Marcelino University na si Mr. Alfonso Marcelino. Hanggang ngayon nga, kahit na nasa loob na kami ng klase at malapit na ang uwian, ay hindi pa rin mawaglit-waglit sa aking isipan ang pangyayaring yon. Dahil napaka-saya at napaka-sarap talaga. Tila ba, nakarating kami sa isang mamahaling restaurant, o di kaya sa isang magarbong kainan ng mga oras na iyon. "Babalik pa ba si Miss Laura?" Nagtatakang tanong ko sa aking dalawang kaibigan. "Siguro. Siguro hindi. Siguro oo," parang tangang sagot ni Shanna. Ang bruha talaga. "Oo. babalik raw siya. Hindi ba kayo nakinig sa sinabi ni Miss Laura kanina na bago mag-uwian ay parati niya tayong pupuntahan?" Sabi naman ni Sapphire bago kami ngitian. Napaayos kaming lahat ng pagkakaupo nang biglang pumasok na sa aming klase ang aming gurong-tagapayo na si Miss Laura. Nakakatakot ang ginagawa niyang pagtitig samin. Kinikilabutan ako. Idagdag mo pa ang pagngiti at pagngising ginagawa niya. Kakaiba talaga siya. "Bago kayo magsi-uwi... may nais lamang akong ibigay sa inyo," sabi ni Miss Laura nang makapunta sa harapan. May kinuha siyang isang pulang tela sa ilalim ng mesa niya na pinagbabalutan ng kung anong bagay. Inilapag niya ito ibabaw ng mesa. Hindi ko mawari kung ano iyong mga nakikita ko. Puro itim. Weird. Ano ba 'yon? Sa hindi malamang dahilan, nagtaasan ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Hindi maganda ang kutob ko dito. Pinagmasdan niya muna kami isa-isa bago siya nagsalita. "Magsilapit kayong lahat rito sa harapan. Tanggapin ninyo ang munti kong regalo para sa inyong section," nakangiting sabi niya. Kinikilabutan ako sa ngiti niya. Parang... Parang... Parang may pinaplano siyang masama samin. Ewan ko ba. Sana lang at mali ang naiisip ko. Masama ang mangbintang, alam ko yan. Pero kadalasan kasi tama ang mga nagiging pakiramdam ko. Sigurado ako. Isa-isa kaming nagsilapit ng mga kaklase ko sa harapan at kumuha ng pinagbabalutan ng pulang tela na iyon na isang tila candy pala na ang kulay ay itim. Napaisip ako sandali. Para saan kaya 'yon? Tradisyon ba 'yon sa section na ito o pakulo lamang ni Miss Laura? Wala akong ideya. "Lumapit ka na Lucy. Kumuha ka na nito doon kay Miss Laura," sabi ni Miyuki kay Lucy habang nakatingin ito kay Miss Laura. Siya na lamang ang hindi nakakakuha ng munting regalo ni Miss Laura. Bakit kaya? Gaya ko siguro'y may hinala rin siyang hindi maganda sa bagay na iyon. "Bilisan mo Lucy. Pumunta ka na," sabi naman ni Ivanna kay Lucy habang sumesenyas na lumapit na ito sa harap. Kahit na ayaw, pumunta pa rin si Lucy sa harapan kung nasaan si Miss Laura upang tanggapin niya ang tila candy na iyon na natitira para sa kanya. Pagkakuhang pagkakuha niya, ay tinignan siya ng matalim ni Miss Laura sabay ngisi na labis kong ikinagulat. Bakit ganon siya kay Lucy? Hindi ko maintindihan Inirapan lang ni Lucy si Miss Laura bago siya bumalik sa kanyang upuan at naupo. Saktong pagkaupong-pagkaupo naman niya, ay nagsimula muling magsalita si Miss Laura. "Ngayong natanggap niyo na ang aking munting regalo. Nais ko na kainin niyo iyan ng sabay-sabay. Maliwanag ba?" Sabi ni Miss Laura sa lahat. "Isa..." Kinakabahan talaga ako. "Dalawa..." Tama kayo 'tong ginagawa namin? "Tatlo." Bahala na nga! Agad naming isinubo ang itim na candy na iyon sa aming bibig. Naging iba ang pakiramdam ko nang nasa loob na ito ng aking bibig at unti-unting bumaba mula sa aking lalamunan. Kakaiba. Kakaiba ang lasa ng candy na iyon. Mahirap ipaliwanag. May isang bagay naman akong napansin nang maisubo na namin ito. Masayang-masaya si Miss Laura.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD