Finale
Tumango na lamang ako sakanyang sinabi.Napatingin na naman ako sa lalaking nakatayo sa aking harapan na tulala pa rin hanggang ngayon.
Parang syang isang istatwa sa tayo nyang ito.Ano bang nangyayari sa lalaking ito?parang naka kita ng multo.
"Ah e pano ba yan labas muna ako.Christian ?"
Kahit sa pagsasalita ni Drake ay wala itong tinig sa pagkagulat nya.Nang makalabas si Drake ay tumahimik ang paligid ang maririnig mo lang ay hinga naming dalawa.
Unti unti itong lumipit sa akin at nagsalita.
"Totoo ka ba?"
Naguluhan ako sa kanyang tanung.Baliw ba tong lalaking ito?Ano ang pinagsasabu nya?
Kilala na nya ako?
Hindi ko na lamang sya sinagot at patuloy syang tiningnan.
Nagukat naman ako sakanyang sunod na ginawa.
Niyakap nya ako ng pagkahigpit higpit.Yung tipong di ako nakita ng ilang taon?
May mga bagong tanong na naman na pumapasok sa utak ko.
Kaano ano ko ba ito?
Pamilya ko ba sya?
Kapatid?
Asawa?
Anak?
Anak ng tokwa ooh!
Halos di ako makahinga sa kanyang pagyayakap sakin.
"Ahm ano.Di ako makahinga"
Bigla naman syang napabitaw,at nabigla ako sakanya ng humarap sya sa akin.
Umiiyak sya!
"Hindi mo ba talaga ako naalala?"
Napatango ako sakanyang tanong.Eh di ko naman sya kilala talaga eh.
Maya maya pa ay may pumasok na isang matanda na may hawak na isang bata.Karga karga nya ito.Wari ko'y Mga Isang taon o dalawa.
Hindi ko alam pero bigla akong napaiyak sa saya.Ano itong nararamdaman ko?
"Chri-Christine" habang palapit sa akin ay may kakaunting luha na tumulo sakanyang mata.
Ano ba talagang nangyayari?sino ba itong mga tao na ito?
Alam kong naka ilang beses ko nng natanung ang tanung na yun.Pero hindi ko mapigilan ang magtanung!
"Ako ito,ang Mama mo"
Napayakap ako sakanya.Alam nyo ba yung luksong dugo?yun ang nararamdaman ko ngayon.
"Ma..."may mga luhang tumulo sa akin mula sa aking mga mata.Di ko alam kong ano ang mararamdaman ko ngayon.Samut saring emosyon ang lumulukob sa akin.
Pagka bitiw ng yakap ni Mama ay kinuha nya ang batang dala nya kanina sa lalako at hinarap sa akin.
"Cyril meet your Mom.Christine Your child"
Lalo pang umagos ang luha mula sa aking mga mata.Sobra sobra naman itong nangyayari sa akin.
"And........"
Nagaalinlangan pa si Mama sa sasabihin nya.Hinawakan nya ang lalaki na yumakap sa akin kanina at kabadong ipinagpatuloy ang kanyang sasabihin
"your husband Christine.Christian"
Di naman ito makatingin sa akin ng deretso.Di ba ako nito namiss?
"Mimi"napatingin ako sa batang katabi ko ngayon.
Ano ba talagang nangyari sa akin at hindi ko alam kong ano ba talaga ang nangyayari sa akin.
Ni hindi ko alam kong ano ang buhay ko bago akp mawalan ng alaala.
Tiningnan ko lamag si Cyril.Mukhang anak ko talaga ito kuhang kuha nya ang mata at labi ko.
Kailangan ko talagang alamin ang totoong nangayari sa akin.
Lahat ng nangyayari ngayon ay hindi ko maintindihan.Gusto kong magkwento sila,pero sa tuwing magkukwento na sila sumasakit ang ulo ko.
"Christine,ikakasal na ako"
Napatingin ako kay Christian na naka upo sa tabi ko.Nung sinabi nya ang mga katagang iyon ay parang may punyal na tumusok sa puso ko.Bat ang sakit?tama nga ang sinabi nila na nakakalimot ang isip pero ang puso ay hindi.
"Ahh.Kailan ang kasal?"
Nakita ko naman syang nagulat sa inasta ko.Ilang linggo na rin ang nakalipas at nakalabas na ako ng hospital.Nandito ako sa bahay ni Christian na bahay daw namin dati.
"Next Week "
Maikli nyang sagot.
"Ahhh Christian.Panu ako naabot sa ganito?"
Gusto ko na talagang malaman.Bakit ako napalayo sakanila ng pamilya ko?
Paano ako napunta sa ganitong sitwasyon ng di ko nalalaman?
Nagaalinlangan pa syang sagutin ang tanung ko pero sa huli ay sinagot nya din.
At kinuwento nya lahat ng nangyari.
Bakit ganun?pero bakit ang kwento saken nila Manang Celia eh nakita raw ako sa ilog?
"Christian wait,Kase sabi saken ni Manang Celia eh nakita raw nila ako sa ilog."
Christian
"Christian wait,kase sabi saken ni Manang Celia eh nakita raw nila ako sa ilog"
Nagulat ako sa kanyang sinabi.Sino ang nasa libingan ngayon?Plinano ba lahat ito?
Kailan kong paimbestigahan ito.
Hindi naman ako nakasagot sa tanung ni Christine.Maya maya pa ay may nagdodoor bell,Si Christine naman na ang nagbukas ng pinto.
Medyo ata natagalan si Christine,kaya sumunod na ako sakanya.
Nakita ko ang isang babaeng tulala kay Christine sa pinto at napagtanto ko na si Eleonor pala yun.
"B-buhay ka?"hindi makapaniwalang tanung ni Eleonor.Hindi naman alam ang isasagot ni Christine.
"Ahm Eleonor?nagawa mo dito?"
"Visiting you.Im gonna go bye"mabilis nyang saad at mabilisang pumunta sakanyang kotse.Anong nangyari dun?
Eleonor
Bakit buhay sya?anong nangyari?Di pa rin ako makapaniwala na buhay sya!Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan ang inutusan kong pagpatay kay Christine!
Oo,ako nagpapatay sakanya!panira sya ng plano!ikakasal na kami ni Christian and yet shw come back again!
Kailangan ka na ulit iligpit Christine!
"Hello?magkita tayo.Dating tagpuan"
Binaba ko ulit ang telepono ko at agad agad pumunta sa tagpuan na sinasabi ko.
Gusto ko mawala agad si Christine sa paningin namin.Sya ang makakasira sa mga plano ko.Plano kong mapabagsag si Christian!
Habang nagdradrive ako ay may mga luhang lumandas pababa.Naalala ko na naman kong bakit namatay ang mommy ko.
"Why are you doing this to me Nathan?"lumuluhang sabi ni Mommy.Nandito ako sa isang sulok at nagtatago.Gusto kong malaman kong ano bang nangyayari.
"Gracia,I love my family.And we supposed not doing this sin!"
The guy Nathan shouted at my mom.Hindi ko maproseso ang lahat nangyayari.Sa isang katulad kong bata pa lamang ay dapat hindi ko nasasaksihan ang ganitong mga pangyayari.
"Nathan!what the hell are sayin?sin?f**k you to the bones Nathan!We had a relationship for a long years and then you've said that this is a sin?Oh come on!Minahal naman kita diba?Halos ibigay ko na buhay ko sayo Nathan!pero ito ang igaganti mo sa akin?"
Naluluha na ako sa mga nangyayari.
"Gracia.We both know na nagpadala lang tayo sa init ng ating katawan"
And then he left my mom dumbfounded!
Bakit ganito ang nasasaksihan ako.I was just 15 years old and yet i've seen this kind of scenario!
Iyak lang ng iyak ang mommy ko.Ilang araw syang nagkulong sakanyang kwarto.Hindi rin sya kumakain.Halos di na rin sya nasisikatan ng araw hanggang sa isang araw dadalan ko na sana si Mommy ng pagkain ng nakita ko syang naga bitin at wala ng buhay.
Sobrang hirap sa isang anak na mawalan ng isang ina.Ina na lagi mong kasama sa lahat ng bagay!
Pina imbestigahan ko si Nathan Fernandez.I just want to take my revenge for my mom.Sya ang dahilan kong bakit nawala ang ina ko.
The years had passed,nabalitaan ko na lang na patay na si Nathan,i was happy that time,But it wasnt enough.Hindi ako kuntento na madali lang syang namatay.
Napag alaman kong meron syang anak na lalaki.
At sya ang pagbabayarin ko ng natitirang utang ng kanyang ama.
Kaya pina ngako ko sa sarili ko na hindi ako titigil hanggat di ako nakakapag higanti sa Fernandez na iyon.
Pinunasan ko ang luha sa mata ko at lumabas na ng kotse.
"Sobrang tanga mo din ano?Bat buhay pa sya hanggang ngayon?akala ko pinatay nyu na sya?"
Salubong ko sa mga tauhan ko na inuyusan ko sa pagpatay kay Christine.
"Boss,hindi naman namin alam na buhay pa sya.Atsaka wala kaming alam doon!"
Gusto kong ihampas sakanya ang bag na nadala ko.Anong klaseng tauhan ito.
"eh sino ang nalibing ngayon?"
Naiinis na ako.Ni hindi ko alam kong sino ang taong nakalibing dun.
"Ewan ko boss.Sumabog na kasi yung kotse na sinasakyan nya.Kaya nakakapagtaka pa rin kong bakit buhay pa sya.
"Hindi na mahalaga iyon.Ang mahalaga mailigpit nyo sya sa lalong madaling panahon.Layas !simulan na ang pagdukot sakanya!Mga tanga!"
Nang gagalaiti kong sigaw.
Sa unang pagpatay sayo nakaligtas ka,Ngayong sa pangalawa na sisigiraduhin kong mawawala ka sa mundong ito.
Christian
"Sir Nandito na po ang file na pinapakuha nyo"
Napatingin ako sa lalaking nagsalita.Pina imbestigahan ko kasi si Eleonor,at napag alaman kong sya pala ang may kagagawan ng lahat ng nangyayari.
Hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa nya ito.
Sya yung babaeng nakatulog saken kong paano makalimot sa nakaraan pero sya rin pala ang may gawa noon.
Sobrang kaligayahan ko na man na buhay si Christine at ang mama nya.
Nakaligtas ang mama nya mula sa isang car accident.May tumulong daw sakanyang Lalaki,ganun din sa nangyari kay Christine nawalan din sya nang ala ala.
Mahirap man paniwala ang mga nangyayari ay masaya pa rin.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Christine.Kasalukuyan akong nasa office ko.
"Hello?"sagot sa kabilang linya.
"Ahm hi?"
Wala akong masabi.Awkward pa rin para sa aming dalawa.
Wala pa rin syang naalala hanggang ngayon.
Bigla akong kinabahan ng di sya umimil kaya nagsalita ulit ako.
"Hello Christine?"
"Hmmmm?"
Gumaan ang dibdib ko ng magsalita sya.
Magsasalita pa sana ako ng magsalita ang kabilang linya.
"Sino kayo?anong ginagawa nyo dito?"biglang nyang sagot sa kabilang linya.Kumabog naman ang puso ko dahil sa narinig ko sa kabilang linya.
"Hello Christine ano ang nangyayari?"kinakabahan kong tanung sakanya.
Wala ng sumagot sa kabilang linya at biglang nawala ang tawag.
Shit!ano na naman itong problema na to?ni hindi pa kami nakakaraos sa mga nakaraang problema may kasunod na agad!
Mabilis akong umuwi ng bahay at nadatnan kong tahimik at magulo ang bahay.
Nilibot ko ang buong bahay pero wala talaga ni isang tao dito.Pagkatapos jong libutin ang buong bahay ay pumunta ako sa likod,nagbabakasaling mayroon pang natitirang tao.
Nasaan ang mga katulog dito?
Binuksan ko ang isang bodega,at nagulat akong nandoon lahat ng guards at mga katulong,nakatali ang mga ito aat naka tape ang bibig
CHRISTINE
Napabangon ako sa aking napaginipan.Nakaka alala na ako!oo nakaka alala na ako.Mabilis akong bumababa para sana ibalita na nakaka alala na ako pero walang taon!
Bigla naman tumunog ang telepono ko ito.Tiningnan ko muna ang caller bago sinagot.
"Hello"
Gustong gusto ko ng ibalita na nakaka alala na ako pero,mamaya na lang paguwi nya.
"Ahm hi?"
Napatingin ako sa labas ng may marinig akong kotse na tumigil sa harapan namin.Hindi ko muna sinagot ang tawag ni Christian.
Nang makasigurado akong wala kaming bisita ay
sinagot ko na muli si Christian.
"Hmmmm?"
Sa totoo lang kinakabahan ako sa ngayon.Ewan ko ba kong ano nangyayari sakin.
Maya maya pa ay,may mga lalaking pumasok bigla sa bahay.Napalaki ang mata ko ng tutukan ako nito ng baril at sinenyasan ako na wag maingay.
Pero di pa rin ako nakinig at nagsalita pa rin ako.
"Sino kayo?anong ginagawa nyo dito?"
Mabilisang lumapit sa aking ang isang armadong lalaki at pinulpok ang aking ulo.Agad naman akong nawalan ng malay dahil dun.
Nagising ako ng may bumuhos sa akin na malamig na tubig.
Napahawak ako sa ulo.Shit!ang sakit.
Ano bang nangyayari?
Nakita ko ang babaeng nakatayo sa harapan ko.Naalala ko sya!Sya yung fiance ni Christinean fuxk this girl.
"Eleonor....."
Ngumiti naman ito ng mala demonyo at nagsalita.
"Natatandaan mo pa pala ako"
Umikot ikot ito na parang nang babasa ng nasa isip ko.
"Ano bang ginagawa ko dito?ikaw ba ang may gawa ng lahat ng nangyayari"
Lalo pang ngumisi ang babae sa aking sinabi.
"Well....what do you think"nagulat ako.
"Hayop ka"
Susugurin ko na sana sya ng may mabibigat n kong ano sa paa ko.Nakakadena ako!
Tumawa naman ito nagpagka lakas lakas.
"Alam mo Christine?di ka na sana bumalik edi buhay ka pa.sana?At nais kong sabihin sayo na ako rin ang may kagagawan ng car accident na nangyari sayo.Maswerte ka at mabuhay ka pa,pero sa pagkakataon na ito?hindi na"
Napalaki ang mata ko sakanya!sya lahat ang may gawa ng nangyayari sa akin?lalong namuo ang galit ko sakanya.
Unti unti naman itong lumapit sa akin at hinawakan ng mahigpit ang pisnge ko.
"Ang asawa mo ang magbabayad ng ginawa nya ng ama nya sa mama ko......"nakita ko ang galit sakanyang mga mata at kasama na rin dun ang lungkot.
"At kasama kang magbabayad nun.Maayos na sana ang plano Christine eh.Bumalik ka pa!alam mo bang magpapakasal na kami ni Christian?the you came agad!Gusto na kitang patayin ngayon palang pero mas gusto kong nahihirapan ka bago kita patayin"
Binitawan nya ng marahas ang aking pisnge .Naluluha akong napatingin sakanya.
"Bakit?ano bang nagawa ng ama ni Christian?"
Matapang kong saad.kahit na ang ang katawan ko ay nanginginig na.
"Niloko nya ang Mama ko!ginawa nyang kabit!Dahil dun nagpakamatay ang mama ko"
May mga luhang lumandas sakanyang mata.
"Hindi kasalanan ng ama ni Christian iyon.May kasalana din ang mama mo!Kong hindi sya nagpadala sa temptasyon hindi magiging ganoon ang nangyari.Tama naman kabit ang Mam-----"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng tutukan nya ako ng baril.
"Ahhhh wala kang alam Christine.Kaya wag kang magmalinis!Hindi mo alam ang mga pinagdadaan ng Mama ko ng mga panahon na iniwan sya ng walahiyang Nathan na iyon"
Kong sa ibang sitwasyon nya lang sana ginawa ito?maaawa pa ako sakanya!
Revenge is not the solution!
Napamulaga ako ng ngumisi syang nakatingin sa baril.
"So this is a good bye Mrs Fernandez"
Kinalabit nya ang gantilyo,napapikit na lamang ako.Hinintay kong may tumama saken ang bala na iyon.Pero pagkamulat ko ay nakahandusay na si Eleonor at duguan ito.
Napatingin ako sa Bumaril sakanya.
Christian!
Tumakbo ito palapit saa akin at kinalas ang kadenang nakatali sa paa ko.
"Thank god,that you are safe"
Napayakap na saad sa akin ni Christian.Napatingin ako kay Eleonor at wala na itong buhay.
"Ahm Christian?Nakaka alala na ako"
Wala sabi sabing hinalikan nya ako.At niyakap ng napaka Higpit.
Sobrang andaming nangyayari sa amin,pero ito kami buo pa rin.
Binibigyan talaga tayo ng dyos ng mga pagsubok,na kaya nating lampasan.Ang galing diba?Alam ko hindi kami perpektong couple ni Christian,pero sobrang swerte naman namin.
Ilang taon na ba ang nakakalipas?12 years na pala.
May lima na kaming anak.apat na lalaki at isang babae.
Cyril Mae Fernandez the first baby girl that we haved.
Chris Fernandez the second boy that we haved.
Cholo Fernandez the third boy.
Cime Fernandez the fourth boy.
Clayde Fernandez the fifth boy.
Sobrang swerte ko na nagkaroon ako ng ganito kalaking pamilya.
"Hon,pwede mo ba akong dalhan ng lunch sa office?"
Tumingin ako kay Christian na nagbibihis .Matapos nitong mailagay ang huling beses na butones ay lumapit ito sa akin at yumakap ng patalikod.
"Pwede naman"
He leave a sweet kisses from my neck to shoulder.
"Christian!ang tanda mo na ang manyak mo pa rin"
Nagulat ako ng bigla nya akong pinaharap sakanya.
"Atleast ikaw lang ang minamanyak"
Then he kissed me.Kahit ilang taon ang nakakalipas di pa rin nagbabago ang pagibig namin.Diba?sana ol.
Lahat ng pinagdaraanan namin ay worth it naman.
"Hon,ill go now okay?take care of our kids."paghahabilin nito.Kong makapaghabilin ng mga anak nya eh kala mo mga bata pa.
"Yes boss"
And he kissed me again,before going.
Pinuntahan ko ang anak ko.Ang mga lalaki ay iisa lang nag kwarto while si.Cyril ay nakahiwalay.Ayaw ko sana kaso babae si Cyril eh.
Gusto ko kaseng magkakasundo sila sa lahat ng bagay.
"Boys!ano na naman tong kalat na to?"
Sumasakit ang ulo ko sa mga lalaki ko.Naku!parang ang kwarto nila ay dinaanan ng bagyo!
Bigla naman silang nagsibangonan lahat ng marinig ang sigaw ko.High school na sila lahat.
"Mom,ang aga aga nandyan ka na na naman sa bungaga mo"
Lumapit ako kay Cime at piningot ang tenga nito.
Si Cime ang pilosopo sa lahat ng magkakapatid.Pero magpag mahal naman at the same time.
Hindi na umimik ang iba.Nagsitayuan na rin ang mga ito para ayusing ang kwarto nila.
Sunod kong pinuntahan ang kwarto naman ni Cyril.
Mabuti na lamang si.Cyril ay masinop at malinis sa katawan hindi katulad ng mga lalaki,dugyot!
"Anak,gising kana"
Mahinhin kong saad sakanya.Mabait itong bata.At magalang din
"Hmmmmm"matalino din.College na sya.At Graduating 3 years from now.
"Get up Cyril!umalis na ang daddy mo papunta sa trabaho."
Bigla naman itong napabangon ng bigla.Daddy's girl tsk.
"Mom.I told you to wake me up.Naman mommy eh."parang bata diba?ganyang iyan kapag di nakikita ang daddy nya sa umaga.
"Cyril.I told you na hindi kana bata."
Lumabas na man ito ng kwarto nya.Siguro ay tatawagan si Christian.
Lumabas na rin ako ng kwarto nya at pumunta sa kusina.Narinig ko na naman ang mga tawanan ng magkakapatid.
"Sis,may panis na laway ka pa"
"Yah sis.bantot mo"
"Ang paget pati"
"Antaba mo na te Cyril"
Pang aasar ng apat na magkakapatid.Close naman sila kahit papaano.
"I have a suitor btw"
Bigla naman tumahimik ang buong paligid.
Tsk here we go again
"Whos that bastard!?"
"Papuntahin mo dito para makaliskisan namin!"
"mas gwapo ba saken?kapag panget bugbug saken yan"
"Mayaman?kasing yaman ba natin ate?"
Napatampal na lamang ako sa mga naririnig ko sa mga anak ko.
"Stop that!Sinabi ko na sa inyo na walang magiingay kapag kumakain!?"
Napatingin naman silang lahat sa gawi ko.Kasalukuyan kasi silang nagaalmusal.
"Mom.di kana nasanay samen"
Tiningnan ko lang ng masama si Cime.Umaandar na naman ang pala sagot nitong batang to.
Dumating ang tanghali at hinatiran ko nga si Christian ng makakain.Hinatid ko lang naman iyon.Kikitain ko pa si Mommy eh.
Nagpunta ako sa isang restaurant na madalas naming puntahan ni mommy.Sobrang tuwa ko ng buhay ito.Nakaligtas daw kasi sya sa aksidente.Bago sumabog ang kanilang sinasakyan ni daddy eh may tumulong na daw sakanya.
Thankfull ang ng malaman ko iyon.Ni hindi nga ako makapaniwala eh.
The God plan talaga...
Im very happy with my very big family!
Minsan ko na ring sinisi ang Dyos,pero kahit ma sobrang makasalanan kong tao ay binigyan nya pa rin ako ng pagkakataon sumaya.Saya na hindi maiibigay ng kahit kanino na sya lamang ang makakapag bigay.