Chapter 2

2874 Words
CHAPTER 2 Spat   “I’m Trickson, by the way. Just call me Trick,” pagpapakilala ng lalaking pakialamero. Nginitian niya pa ako na hindi ko naman sinuklian.   Walang emosyon ko lang siyang tiningnan habang iniisip kung sino namang nagtanong ng pangalan niya.   As if namang tinanong ko ang pangalan nitong kupal na ‘to?   Behind him, I saw the room where he came from. Sa bintana noon, may dalawa pang lalaki na nakatingin sa amin ngayon at nagtatawanan.   Siguro nga, pinagti-trip-an lang ako ng mga ‘to.   Sa huli, wala na lang akong sinabi pa. Inis man dahil sa pangingialam ng kupal, pumunta na lang din ako sa room na tinuro niya.   He was right though. It was the room I was looking for.   There were five new students including me. Pinatayo muna kami sa harapan bago pinayagang makaupo.   Everyone’s eyes sticked on us. Kahit ‘yong lumapit sa ‘kin kanina at isang nakadungaw sa kanya. Ang isa naman ay wala na sa buong silid, siguro ay dumayo lang kanina rito.   “We have transferees as well,” sambit ng teacher na kasama namin sa harapan. “Dahil magkakakilala naman na ‘yong iba, mga bagong estudyante na lang ang kailangang magpakilala sa harap.”   Ito na naman pala. Kailangan na namang magpakilala. Ito pa naman ang pinakaayaw ko sa lahat.   At nagpakilala na nga ang iba sa mga kahilera kong estudyante. Hindi ko na inintindi pa ang mga pangalan nila dahil wala rin naman akong balak makipagkaibigan sa kahit na sinuman dito.   Other students said not only their names but also some facts about them. Dahil wala namang sinabi ang teacher na kailangan pang magsambit ng mga ganoong bagay, hindi ako gumaya sa iba.   “I’m Filch,” pakilala ko nang ako na ang nakatoka.   Natahimik sila. Halos lahat sila ay mukhang nag-aabang ng idurugtong ko pa pero wala na talaga akong balak. Kahit ang katabi ko na sunod sa ‘kin, ilang beses akong nilingon, hindi mawari kung tapos na ba akong magsalita.   Nang mapansin ‘yon ng teacher, binasag niya ang katahimikan.   “Nak, full name, please,” mabait na utos niya sa ‘kin.   What for? Tsk.   Napatagis na lang ako ng mga ngipin. Ayaw ko talagang sabihin ang pangalan ko pero mukhang kailangan.   “Filchesa Amaris,” mahinang sambit ko.   Everyone remained silent. I could feel the awkwardness of the room but I didn’t mind it. Gusto ko na lang ay makaupo at makaalis na sa harapan.   But then, my answer seemed not enough for our teacher. Pinagtaasan niya pa rin ako ng kilay, animo’y sinesenyasan na kulang ang sinabi ko.   Okay. I guess, I really need to include my surname.   I was really doubtful about everything. Bago kasi ako pumasok para sa unang araw ko rito sa Arquero University, may nakausap kaming babae ni Nanay Tere.   “Damaloco? ‘Yon ang gagamitin mong apelyido, Ma’am Aris?” tanong sa ‘kin ni Nanay Tere. Kahit si Mrs. Lauren, ang kaibigan ni Nanay Tere na nagpresintang magsasaayos ng mga pekeng papeles para sa ‘kin ay nasa akin din ang tingin.   Tumango na lang ako.   “Kaninong apelyido ‘yon, ija?” marahang tanong sa ‘kin ni Mrs. Lauren.   “Sa tunay kong papa.”   Ever since I was young, the surname I’ve been using was my mom’s. Bukod sa hindi kasal ang mama at papa ko, hindi rin talaga ako sigurado sa lahat ng mga impormasyon patungkol sa sarili kong buhay.   But before I ran away from home, I was able to know who my real father is. Now, I want to use his surname as I untangle myself from my past.   Napalunok ako. Sa huli, sinabi ko na lang ang pangalang nilagay sa ‘kin ni Mrs. Lauren sa mga ipineke niyang papeles ko.   “Filchesa Amaris Damaloco,” I uttered coldly.   Fortunately, our teacher didn’t force me to even say some facts about me.   It was just a chill day. Ilang teacher lang ang nagturo dahil sa umpisa pa lang ng klase. Nang dumating ang breaktime, ako lang ang mag-isang pumunta roon.   Gaya ng nakasanayan, wala kaagad akong naging kaibigan sa room. Kahit naman noong sa Batanes pa ako, wala rin naman akong naging kaibigan. Bukod sa sabi ng iba na tahimik lang daw ako, nakatatakot pa raw akong lapitan.   Sa laki ng Arquero, maraming canteen na p’wedeng kainan. Minabuti ko na lang na roon kumain sa malapit sa quadricentennial pavilion ng school para kung sakaling may sobrang oras pa sana, manonood ako ng practice.   Kaso, gaya ng naisip ko kanina na dulot ng isang pakialamero kong kaklase, napasok kaagad ako sa gulo.   “Mind if we join you?” While in the middle of eating, two guys approached me. Pag-angat ko ng tingin, nakita ko ang dalawang pamilyar na mukha mula sa mga kaklase ko.   Ang isa roon ay ‘yong pakialamerong pandak na pangalan daw ay Trick base sa sinabi niya kanina; ang isa naman ay ‘yong kaibigan niya na nakadungaw sa bintana kanina. Natigilan tuloy ako sa pagkain.   Siniko ni Trick ang nagsalitang lalaki.   “Magtigil ka nga, Law. ‘Wag mo nang guluhin,” dinig kong bulong niya sa lalaking nasa akin lang naman ang tingin.   They were both holding a tray of food.   “Why?” tanong ni Law kay Trick. “I’m just tryna be polite to our new classmate. She’s alone. She might need some accompany.”   Pagkatapos ay muli niya akong nilingon.   “Right, Filch?” he asked.   They both looked at me while waiting for my obvious answer.   Bobo na lang siguro ang hindi makakaisip na ayaw ko talaga ng istorbo, kaya nga sa pinakasulok din ako ng canteen pumuwesto. Pero mukhang bobo talaga ang dalawang ‘to.   Sa huli, hindi na lang din ako nagbigay ng paki.   I brought my glance back to my plate and said, “Bahala kayo.”   Nagpatuloy ako sa pagkain habang narinig ko naman ang pagngisi ng Law.   “See?” bulong pa nito sa kasama niyang si Trick.   My answer served as their cue to sit on the empty chairs in front of me. Medyo ilang pa nga ang kaninang pinakaunang ngumiti sa ‘kin.   “So, do you have a boyfriend?” Law then asked me. Mukhang muling napigtas ang pasiyensya ni Trick at sinita ulit ang kasama.   “Hey! Stop it. Tara na!” sita ng pakialamero habang namumula na ang kanyang mukha. Nilipat niya naman ang tingin sa ‘kin para humingi ng tawad.   “Sorry, Filch. My cousin is just a flirt. Halata naman siguro—”   Hindi siya pinatapos ni Law.   “Damn ya, brad. What are you sayin’?” pagtanggi pa nito at tumingin din ulit sa ‘kin. “Don’t believe him.”   What a trouble.   Sanay ako sa mga ganitong klase ng pagkakataon. Ganito rin kasi sa dating school kung saan ako nag-aaral. Kaso ay kung dati, inuutusan pa akong mamansin, ngayon ay wala nang gagawa pa noon. Sabihin na nating, medyo mas may kalayaan na ako ngayon.   Kaya naman, hindi ko pinansin ang pagtatalo ng dalawa.   Nagbangayan sila. Hindi ko na inintindi pa ang pinagtatalunan nilang wala namang ka-kuwenta-kuwenta at mas pinili kong pagmasdan sila.   They both have similarities. Hindi na ‘yon kataka-taka dahil ang sabi nga ni Trick, pinsan niya si Law.     Their eyes were in the color of amber, which made them different from the rest. Their visuals were close to one another. The only difference between the two was their aura.   Law has an undercut hairstyle; he seemed more manly than Trick because of that. He also looked colder than him yet I could sense that he’s more flirtatious too. Base na rin sa una niyang itinanong sa ‘kin kanina.   Natigil lang ako sa pagpansin sa pagkakapareho ng dalawa nang maramdaman ang titig ng ibang tao sa canteen.   As I wandered my eyes around, I saw other students glaring in my direction.   Ano’ng problema nila?   Ganito rin kanina noong una akong lapitan ni Trick. Marami rin ang usiserong mga mata.   Siguro, kilala ‘tong dalawa na ‘to sa buong campus. Sayang dahil wala pa rin akong paki.   “Let’s just eat. Sorry talaga, Filch,” dinig kong pagsuko ni Trick sa pakikipagtalo kay Law.   Pareho silang nag-iwasan ng tingin at sandaling natahimik ang table namin. Kaso ay may dumating ulit na isang lalaki.   “Hey,” sambit nito sa dalawa.     His face looked familiar too. If I am not mistaken, he was with Law when Trick approached me. Umalis nga lang siya kaagad nang dumating na ang teacher.   He was not wearing a uniform anymore. Therefore, I conclude that he’s a college student here in Arquero.   Nice! Parami nang parami ang panggulo sa pagkain ko.   Kahit na unti-unti na akong naiirita, sinarili ko na lang ‘yon.   “Here comes another motherfucker,” pagbati sa kanya pabalik ni Law.   “Why are you guys here? Kailan pa kayo tumambay rito?” tanong naman ng bagong dating na lalaki. Kaso ay bago pa siya masagot ng dalawa, nakita na niya ako. “Oh. May kasama pala kayo.”   He turned quiet for a moment. Mukhang nahiya.   One thing I noticed about him was his pair of eyes. They all have a common denominator. Siguro nga ay magpipinsan ang mga ‘to.   Law shrugged at the guy; Trick seemed so embarrassed. Patuloy ang pamumula ng tainga niya.   “Nagugutom na rin pala ako. Rito na muna ‘ko,” makahulugang sambit ng bagong lalaki bago sumingit sa pagitan ng dalawa.   Law laughed.   “The f**k, Ranzell? Tamang singit, huh,” iritado namang utas ni Trick.   Hmm. So, Ranzell is this new guy’s name?   Hindi pinansin ni Ranzell ang reklamo ng pinsan niya at itinuon lang din ang pansin sa akin.   “I’m Ranzell. What’s your name?” pakilala niya at naglahad pa nga ng kamay.   Parehong-pareho ang tatlong ‘to. Ang dali-dali nilang basahin.   Kalmado akong nagpatuloy sa pagnguya ng pagkain ko, hindi alintana kung maghintay siya ng sagot ko.   “Filch,” maikling tugon ko pa pagkatapos. Hindi ko rin kinuha ang nakalahad niyang kamay.   Mas lalong napatawa si Law nang sa huli, ibaba na lang ni Ranzell ang kamay niya.   “Pahiya ka ‘no?” bulong pa nito para mang-asar.   “f**k you.”   At ayon. Si Law at Ranzell naman ang nagsikuhan at nagbangayan.   Nice! What a chaotic group of idiots.   Balak ko sana ulit na magpatuloy sa pagkain nang mapalingon ako kay Trick. Doon, naabutan ko na naman siyang pinagmamasdan ako. Mukhang hindi lang pala ako ang nag-o-obserba sa kanilang tatlo.   But as I caught him staring at me, he immediately looked away. The redness of his ears intensified.   Oh? Nasa’n na ‘yong kakapalan ng mukha nito gaya ng kaninang umaga?   “Trickson!”   Natigil lang ako sa pang-i-intimida kay Trick nang may eskandalosong tumawag sa pangalan niya.   A junior high girl stood at the edge of our table. Nakasuot pa siya ng cheerleading costume at mukhang galing lang sa practice dahil sa tagaktak ang pawis niya.   The girl has backup friends. Kahit na siya lang ang lumapit sa table namin, pansin ang mga kaibigan niyang abang na abang sa susunod niyang gagawin.   She looked furious. Pasalit-salit ang tingin niya sa aming dalawa ni Trick.   Ano’ng problema niya?   Nang nilipat ko naman ang tingin ko sa kupal, nakitaan ko ng gulat ang mga mata niya.   “What’s this?” mataray na tanong ng babae sa kanya. “Sabi mo, sabay tayong magre-recess tapos makikita kong may kasabay kang iba?”   Tumingin pa ulit sa ‘kin ang cheerleader na para bang sinasabing ako ang tinutukoy niya.   Kita mo nga naman. Ako na nga ang ginulo, parang ako pa ang may kasalanan. Sakit sa ulo ng mga ‘to, oo.   “Oo nga pala.” Tumayo si Trick. “Sorry, Stacy, nakalimutan ko. Ngayon ka pala nagpapatulong—”   The girl stopped him from talking.   “And my friends saw you. Nginingitian mo pa ‘yang babaeng ‘yan a while ago!” Dinuro pa ako ng babae.   Her eyes were bloodshot. Para ilang tulak na lang, maiiyak na siya sa galit. Kahit ang boses niya, walang preno, hindi alintana kung gumagawa na siya ng komusyon sa buong canteen. Ganitong-ganito ang mga bata ngayon: hindi nag-iisip.   Sabi na e. Ngiti pa lang ng kupal na Trick na ‘to kanina, alam kong gulo ang dala sa ‘kin.   Kahit na nadamay ang pangalan ko, hindi na lang ako nagbigay ng pakialam. Basta, alam ko sa sarili kong hindi naman ako ‘yong may ginawang kasalanan.   “Hush. You don’t have to shout. Tutulungan na kita—” sambit na lang ng kupal nang siguro ay maisip niya ring masyado silang sentro ng atraksyon ngayon.   “‘Wag na!” pagtanggi ng babaeng Stacy raw ang pangalan. “I don’t need your help anymore! Magsama kayo ng new girl mo!”   Sa pangatlong pagkakataon, nilingon niya ako at inirapan pa.   New girl? Ako? New girl ng kupal na si Trick? Asa.   Hindi na lang ako ulit kumibo. Nang muli niya namang ibalik ang tingin kay Trick, walang pagdadalawang isip niyang dinuraan ito.   Everyone gasped because of what Stacy did, including Trick’s cousins. Maski ako, hindi na napigilan ang bahagyang panlalaki ng mga mata.   “Woah.”   Gago? Parang sobra naman na mangdura.   Sa pagkakaintindi ko, si Stacy pa nga itong nanghihingi ng pabor sa kupal.   I examined the girl. The fierceness of her face became broken. Mukhang tinamaan na rin siya ng gulat dahil sa ginawa niya. Bakas na rin ang kaba sa mga mata niya.   Dumako ang tingin ko kay Trick. Napaiwas siya ng tingin at bahagyang napapikit. Kahit ganoon, nanatili siyang nakatayo at walang ginawang kahit ano.   Ano nang gagawin niya ngayon?   Like the usual instinct of everyone, I waited till he became furious. Sino ba naman kasing hindi maiirita kung may basta na lang mandudura sa ‘yo? Kahit na ikaw na nga ‘tong tutulong?   Tahimik ang nasa paligid namin, mukhang lahat ay inaabangan kung ano’ng sunod na mangyayari.   I was expecting an outburst but I got disappointed when he just smirked as he calmly wiped Stacy’s saliva on his face.   “Sorry,” aniya pa.   Huh?   Stacy’s lips parted because of what Trick uttered. Mukhang hindi niya inasahang ganoon pa ang sasabihin ng kupal sa kanya.   Kahit ako e.   ‘Yon lang? Wala siyang gagawin? Lame.   Base sa mga sinabi nila, mukhang tutulungan lang nitong Trick si Stacy. Kaso si Stacy, galit na galit agad. Nangdura pa nga kahit hindi naman sapat ang dahilan. Napadamay pa ako.   Hindi ganitong palabas ang mga gusto ko. Para akong nasusuka kapag may mga mababait na handang magparaya sa paligid ko.   Okay. So, mukhang wala talagang gagawin ‘tong kupal na ‘to.   Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanila at ibinalik na lang ang tuon sa pagkain ko.   Wala sana akong gagawin e. Wala rin akong balak makialam sa pambatang away nila pero nang makita ko ang pagkain kong nadamay sa pandudura ni Stacy, hindi ko na napigilang ang pag-init ng ulo ko.   Kainis!   I could tolerate a lot of things. Kanina nga, kahit sobrang naiingayan ako sa mga nakisalo sa table ko, nagawa kong mawalan ng pakialam. Pero pagdating sa pagsasayang ng pagkain at sa pagkain ko, kahit simpleng bagay, kaya kong ikasabog.   I gritted my teeth because of irritation.   Trip na trip ko pa naman ‘yong kinakain ko. Depungal!   Sa inis ko, napatayo na rin ako. Ang iniuupuan ko ay nakagawa ng tunog sa sahig.   Their eyes darted on me, including Stacy’s and Trick’s. But before they could ask me why, I spat on the cheerleader’s face right away.   Gaya lang ng ginawa ni Trick, napapikit siya at napaiwas ng tingin. Pero mas mabilis siyang umakto at kaagad nag-alburoto.   “What the fudge?!” pagalit na tanong niya sa ‘kin. Mas matinding sama ng loob ang bumalatay sa mga mata niya.   Mariin ko rin siyang tiningnan, hindi nagpatalo sa galit niya.   Wala akong pakialam sa kanilang lahat. Kahit magbugbugan pa sila sa harap ko, hindi ako makikialam. Pero kapag ako at ang pagkain ko ‘yong nadawit, hindi ko kayang magpigil.   I was not satisfied with what I did but I stopped myself. Naduraan niya lang naman ang pagkain ko e. Isang dura lang din dapat ang katapat.   “Naduraan mo ‘yong pagkain ko,” walang takot na sagot ko.   Nanatiling laglag ang panga ng iba. Matapos lang naman akong makabawi, kinuha ko na ang tray ko para isauli ‘yon at makalayo na sa lahat.   Mga panira ng araw!   - ZiaRaegan: Trick and Filch are my favorite couple in the series so I’m trying to update fixed chapters of their story. Lol. Medyo mahirap lang ngayon dahil ang class ko is from 7 AM to 9 PM, six days a week. Anyways, I hope you guys are doing fine! Good luck with your online class as well! Kaunting push pa, maabot din natin ang mga gusto nating trabaho someday. :’))   Also, I updated my S potify account. If you want to enjoy reading my stories, you can check the playlist I created for them. My username is ZiaRaegan, as always. Lol
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD