Chapter 1

3244 Words
CHAPTER 1 Trouble   “Mongs!” Naalimpungatan ako dahil sa may narinig na tumawag sa akin. Nakarinig pa ako ng katok sa babasaging bintana ng kuwarto ko.   Sobrang sarap ng tulog ko kagabi. Umuulan kasi at dinig na dinig din ang lagaslas ng mga puno sa labas dahil sa hangin. Malamig pa. Kaya naman hindi ko masisisi ang sarili na makatulog nang mahimbing.   “Filch!” muling pagtawag sa ‘kin ng kung sino. Malamang ay hindi ‘yon ang lola ko dahil maagang umaalis si Nanay Teresa para magtrabaho. Sigurado rin akong hindi ‘yon isa sa kambal dahil ate ang tawag ng dalawa sa ‘kin.   Nagpatuloy ang pagtawag habang ako naman ay tamad na tamad idilat ang mga mata ko.   May isa pa akong kutob sa kung sino ang nang-i-istorbo sa ‘kin ngayon.   “Filchesa!” Nang tawagin ako ulit ng lalaki sa bintana, roon ko nasigurado na ang kupal na si Trickson ang nambubulabog sa ‘kin. Kaagad namang kumulo ang dugo dahil doon.   Ang depungal na ‘to! Mukhang balak na namang perwisyuhin ‘yong buong araw ko. Ang aga-aga manggising!   Pagdilat ko, nakita ko na nga siya na kumakaway sa may bintana ng kuwarto ko. Kumakatok pa nga ang kupal na mukhang elemento ng gubat.   “Gising ka na!” puna niya nang makita niyang nilingon ko siya.   Sa huli, dahil tuluyan nang nawala ang antok ko, iritado na lang akong bumangon para magreklamo. Papalapit pa lang ako sa bintana para pagbuksan siya, bumakas na agad ang takot niya. Inabangan na niya ang pag-a-alburoto ko.   Dapat lang ‘no! Nakakairita kaya na siya ‘yong makikita ko sa umaga! Ginising pa nga ako ng kupal na ‘to! Kainis!   “Ano ba?! Ang aga-aga, nambubulabog ka r’yan!” iritadong sigaw ko matapos ko siyang pagbuksan ng bintana.   Napabuntonghininga siya.   Mukhang ayos na ayos na siya. Sa baba, natanaw ko rin ang naka-stand niyang bike kung saan sa manubela noon, nakasukbit ang bag niya.   He was wearing black shirt paired with faded jeans. Mukhang handang-handa naman siya sa ginawang pag-akyat sa bubong ng first floor namin. May nilatag na siyang tela para hindi mabasa ang suot niyang pantalon gawa nga ng basa ang bubong.   Sa second floor ang kuwarto ko sa bahay. Kalahati lang ang sukat noon kumpara sa first floor ng bahay namin kaya ang katapat ng bintana ng kuwarto ko ay bubong pa ng first floor.   Ito namang kupal na Trick na ‘to, madalas gawing akyatan ang bubong ng first floor para makakatok sa bintana ng kuwarto ko kapag trip niya lang sa buhay.   “E kasi naman po, late na tayo,” mahinahong paliwanag niya sa ‘kin. “Kanina pa kita ginigising. Tara na! Maligo ka na!”   Walang gana ko na lang siyang tinanguan habang nagmumuta.   Kamuntik ko na naman palang makalimutang may klase pala ngayon. May dulot din talagang maganda minsan ‘tong kupal na ‘to e. Nawala tuloy ang inis ko.   Sa loob ng apat na taon na nag-aaral kami sa iisang eskuwelahan, lagi siyang ganito. Pinupuntahan niya ako sa bahay para lang sabay kaming makapasok. Hindi ko rin alam sa kanya. P’wede naman siyang magkotse na lang dahil mayaman naman ang pamilya niya. Sa katunayan, tita niya nga ang may-ari ng Arquero University kung saan kami nag-aaral. Pero mas pinipili niya pa ring mag-bike na lang papuntang school kasabay ko. Bobo talaga.   “Oo na. Sige na. Umalis ka na,” pagpapalayas ko sa kanya gamit ang mas mahinahong tono kaysa sa kanina. Mukhang hindi naman siya nagpapigil at may pahabol pa.   “Hintayin kita sa baba. Maligo ka na! Baka naman bumalik ka pa sa pagtulog!”   Nginiwian ko siya.   Tingin niya ba, makatutulog pa ‘ko ulit e nakita ko na ‘yong mukha niya? Baka bangungutin lang ako kaya ‘wag na lang.   “Oo na nga! Umakyat ka na naman pala sa bubong naming kupal ka! Kaya tuwing umuulan, tumutulo sa baba e!” pamumuna ko naman sa kanya.   Siya naman tuloy ang napangisi nang siguro’y mapagtanto niya ang ginawa.   “Sorna, boss madam.” Humalakhak pa nga ang kupal.   Okay na sana e. Kaso hindi pa siya nakuntento at ginulo pa ang buhok ko habang tumatawa.   Depungal talaga ‘tong kupal na ‘to. Sarap pektusan sa bunbunan!   “Ano ba?!” iritadong sambit ko at hinawi ang kamay niya. Pinasadahan ko tuloy ng kamay ang buhok kong nagulo para ayusin.   Kainis!   “Sungit!”   Sinamaan ko siya ng tingin.   “Bumaba ka na nga ro’n!”   At dahil nga sa sigaw ko, kumaripas na siya pababa habang patuloy pa ring humahalakhak.   Gago talaga. May sayad yata ‘yong si Trick palagi.   Hanggang ngayon, hindi ko pa rin talaga maisip kung bakit ko nga ba tinanggap ‘yong alok niyang maging kaibigan ako. E puro pamemeste lang naman ang alam niya.   Napabuntonghininga na lang ako at itinuon ang pansin sa pag-aayos. Nakita ko rin kasing late na nga kami.   Hindi na ako naligo pa. Nagbihis lang talaga ako, naghilamos, nagsipilyo, at ayos na. Malamig din naman kasi at p’wede ko naman ‘yon gawin mamayang uwian. P’wede rin sa school dahil sa sobrang laki ng school namin, may liguan na rin doon. Hindi na rin muna ako nag-almusal. Sa school na lang siguro.   Hinarap ko ang salamin namin para tingnan kung ayos na ba ang itsura ko, kung mukha na ba akong tao.   I wore a plain oversized tortilla-colored hoody and a black biker short. Kapag college naman na kasi sa university namin, hindi na kaso ang kung ano’ng suotin. That was why I prefer this outfit. Hindi rin naman ako maarte sa susuotin. Mas ayos sa ‘kin kung saan ako magiging komportable.   With my looks, there was nothing to worry about. Kaunting pasada lang ng kamay ko sa maikli kong buhok, ayos na agad ito. I actually looked so cool with my short hair for its underlayer was colored with blue.   As for my visual, there was nothing so special about it. My face shape was not so defined but it suits my features well.   My upturned eyes were black. Hindi ‘yon kagaya ng kay Trick na maganda talaga ang kulay ng mga mata. Simple lang ang akin dahil wala naman akong ibang lahi.   The shape of my nose was fine as well. It was not so big nor small. Tama lang talaga. O baka siguro wala lang din akong arte pagdating sa itsura ko.   Opposite of my eyes, my lips were downturned. It made me look like I am always in a bad mood whenever I don’t show any expression. Totoo naman din.   Hindi rin ako kaputian. Kapag bakasyon o may kahit kapag may oras lang ako, talagang nagba-bike ako ng malalayong lugar para mamasyal. Madalas ay babad ako sa araw kaya hindi na kataka-taka ang kayumanggi kong balat.   Overall, I looked just fine; nothing special. Hindi ako naglagay ng kahit anong kolorete sa mukha. Bukod sa hindi ako mahilig doon, wala rin akong gamit.   Matapos kong sandaling matingnan ang sarili, bumaba na rin ako, dala-dala ang maliit at magaan kong bagpack.   “Ang bilis mo naman?” Napatuwid si Trick ng tayo at pinangunutan ako ng noo nang makita agad akong lumabas na ng bahay namin.   “Ayaw mo ba?” malamig na tanong ko at umangkas na sa nakaparada kong bike.   Hindi pa rin naman nawala sa ‘kin ang tingin ng kupal.   “Hindi ka naligo, ‘no?” pamumuna niya nang siguro ay napansin niyang hindi basa ang buhok ko.   Ang dami talagang napapansin nitong depungal na ‘to. Kainis.   “Paki mo? Aamuyin ba ‘ko ng mga tao ro’n?”   “Ibang klase.” Napailing na lang siya at mahina na namang napatawa.   Ipinagsawalang bahala ko ang pang-aasar niya at tinuon ang pansin sa bike ko.   “Mauna ka na,” sambit pa ng kupal na akala naman niya, magpapahuli ako.   “Mauuna talaga ako. Ang bagal mo pa naman,” pambanat ko na lang. Doon, ako naman ang napangisi.   Inunahan ko na nga siya sa pagba-bike. Kalmado naman siyang sumunod sa ‘kin.   It has been three years since Trick and I became friends. Kaya naman ganito na lang talaga kami ka-komportable sa isa’t isa.   Though he causes me stress most of the time, I could not deny the fact that he created a huge impact in my life the day I met him.   “Ayos ka lang ba sa bahay na ‘to, Ma’am Aris?” naaalala kong tanong sa ‘kin noon ni Nanay Teresa nang una niya akong dalhin sa bahay niya.   Of all that had happened to me that day, the running and hiding we have done just to get away, I couldn’t help but be preoccupied with things.   Kahit na napakalayo na ng pinuntahan namin, mula Batanes hanggang Manila, natatakot pa rin ako. Pakiramdam ko, masusundan pa rin kami.   Kung hindi pa hinawakan ni Nanay ang kamay ko, hindi pa ako matatauhan. Nang mapalingon ako sa kanya, napansin ko ang paninimbang ng kanyang mga mata sa ‘kin kahit na madilim.   “Malayo na tayo, Ma’am. ‘Wag ka nang matakot,” pagpapakalma niya sa ‘kin. Epektibo naman ‘yon.   Nanay Tere used to be my personal nanny since I was a kid. Dahil siya ang lagi kong kasama noon, hindi na talaga nanny ang turing ko sa kanya kung ‘di tunay na lola.   Ever since I was young, I never really had a friend. Only her. Kilalang-kilala niya rin ako. Hindi ako madalas magpakita ng emosyon pero alam niya agad kung ano’ng nararamdaman ko sa lahat ng oras.   I forced myself to smile at her. Para naman ipakitang nakatulong ang pagpapakalma niya sa ‘kin.   “Ano, Ma’am Aris? Ano’ng tingin mo sa bahay na ‘to?” tanong muli ni Nanay Tere sa ‘kin.   Halos manayo ang balahibo ko sa tuwing naririnig ko ang pangalang ginamit niya sa ‘kin.   “‘Wag mo na ‘kong tawagin sa pangalan na ‘yon,” malamig na sambit ko. “Ayaw ko nang gamitin pa ‘yon.”   Ngayong lumayo na kami, gusto ko na ring baguhin ang lahat kung posible. Kahit pa ang mga bagay na nakasanayan ko na.   “Ano palang gusto mong itawag ko sa ‘yo?”   “Filch.” Kahit ang pangalan na gusto kong itawag sa ‘kin ni Nanay, hindi rin ako sanay. Simula pa lang kasi noong una, pangalawang pangalan ko na ang tawag sa ‘kin ng lahat.   But it was fine to adjust me instead of remembering the past every time I hear someone call me by my second name.   “Sige.” Mabuti na lang din at wala namang kaso pa kay Nanay Tere ang gusto kong mangyari. “Ayos ka lang ba sa ganitong bahay?”   Sa tanong niya, naituon ko na ang atensyon ko sa bahay na katapat namin.   Halos nasa gitna ‘yon ng gubat. Hindi ko alam kung nasaang parte kami ng Maynila pero mukhang probinsiya ang lokasyon ng bahay niya.   Walang kalapit na bahay sa paligid. Higit na maliit ang bahay kumpara sa dati naming tinitirahan pero ayos na ‘yon sa ‘kin.   “Oo naman. Salamat... po.” Humina ang boses ko sa pagsabi ng ‘po’ dahil hindi ako sanay na gumamit ng ganoon sa tuwing kausap ko si Nanay. Pero sa murang edad, alam ko na agad ang mga dapat kong isipin at gawin.   I needed to change a lot of things as I started a new and simple life with Nanay Tere. It was hard, yes. But I did everything with my own will. Nagawa ko lahat sa kagustuhang takasan ang dati kong buhay.   Despite the lack of money, Nanay never made me feel incomplete. Ginawa niya ang lahat, huwag lang iparamdam sa ‘kin kung gaano kalaki ang pinagbago ng pamumuhay ko. Nagawa niya pa nga akong pag-aralin sa mamahaling unibersidad.   Nagawa akong i-enroll ni Nanay sa Arquero University bilang isang grade 12 student. Tinulungan kami ni Mrs. Lauren na kakilala niya.   Hangga’t maaari, plano kong umiwas sa gulo. Pero mukhang para talaga ako sa dilim. Unang araw ko pa lang kasi sa bago kong eskuwelahan, napasok na agad ako sa gulo.   In spite of being far away from where I used to be, darkness always finds its way to mess with my life. Trouble keeps waving at me in any guise, even in human form.   It was my first day in Arquero University. Hinahanap ko pa lang ang section ko pero may nanggulo na agad sa akin.   Isa na nga ang mukhang lamang lupang lalaking kumaway sa ‘kin para kunin ang atensyon ko.   “Hey!” A guy waved his hand in my direction.   Noong una, hindi ako sigurado kung ako ang kinakawayan niya. Marami rin kasing mga ibang estudyante sa kung saan ako nakatayo at mukhang naghahanap din ng building ng klase nila. Hindi lang tuloy ako ang napatingin sa kanya.   Some girls from my back giggled. Mas lalo ko tuloy naisip na sila ang tinatawag ng kulot na lalaki.   Ibabalik ko na sana ulit ang tingin sa papel na hawak nang muling sumigaw ang kaparehong lalaki.   “You! Girl in rubber shoes!” he yelled which confirmed that he was referring to me. Ako lang naman kasi ang naka-highcut rubber shoes sa direksyon namin.   Nakasuot ako ng binigay na uniform sa ‘kin ni Nanay Tere. Sabi niya, ganito raw ang uniporme ng mga senior high dito sa Arquero. College students lang daw hindi na ni-re-require magsuot ng uniform.   Like the usual, everyone paired their uniform with black shoes except for me. Bukod kasi sa wala akong nadala na black shoes dahil hindi ko alam na pag-aaralin pa rin pala ako ni Nanay Tere, hindi pa rin talaga kami pormal na nakapamimili ng mga gamit pang-eskuwela.   Biglaan kasi ang lahat at minadali lang ang mga papeles ko para makaabot sa unang klase.   Kaya ayon. Rubber shoes ang ginamit ko.   Pinukulan ko ng tingin ang lalaking tumatawag sa ‘kin. Walang emosyon ko siyang tiningnan.   Ano naman kaya ang itinatawag-tawag niya? May problema ba siya sa buhay? Kung makasigaw rin, akala mo nasa palengke. Kainis.   Ganito ba talaga ang mga taga-Manila?   Hindi pa nakuntento ang lalaki at sinenyasan niya pa ako na lumapit sa kanya na siyang hindi ko mawari kung bakit.   Huh?   Para makaiwas sa gulo, hindi ako lumapit. Bakit ko naman lalapitan ang hindi ko kilala? Bago lang ako rito. Hindi ko alam kung ano ang mga ugali ng mga estudyante.   I brought back my gaze to the paper I was holding. Susulyapan ko na sana ang naglalakihang building sa paligid nang may marinig akong tumakbo patungo sa direksyon ko. Palingon ko, nakita kong mukhang hindi na natiis ng lalaki na lapitan ako.   Oh? Kaya naman pala nitong lumapit e. Ako pa talaga ang inutusan niya kanina. Kairita.   He stopped right in front of me. Hinarap ko rin naman siya at walang emosyon na tiningnan. Naramdaman ko ang paglingon sa amin ng ibang estudyante pero hindi ko na inalintana pa ang mga iyon.   As he stood in front of me, I got a chance to check him out.   His scent was not that bad. Amoy na amoy ko ‘yon nang tumayo siya sa harap ko pero hindi ‘yon gaya ng mga pabagong masakit sa ilong. I actually liked it.   Our height difference was not noticeable but I still noticed it. Mas matangkad ako sa kanya nang kaunti.   He has this curly fringe haircut. That kind of hair made it easy for me to conclude what type of guy he is. May sabi-sabi kasi sa amin dati na ang mga kulot daw, magugulo. May kutob akong sakto sa kanya iyon.   His nose was shaped perfectly as well as his lips. He also has a defined jawline and a bulging Adam’s apple.                                                                                                   Playfulness was evident in his aura—even in his visual. He has these naturally thick eyebrows paired with thick eyelashes. Mas lalo noong pina-espesyal ang mga mata niyang may kakaibang kulay.   One thing I like about his visual was his pair of eyes. His eyes have a warm color, like a shade between yellow and orange, midway between the shade.   In general, he looked human.   “I can see your paper from afar,” aniya sa akin. “Seems like we’re classmates.”   Nanatili akong tahimik. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nangingialam ng buhay ng may buhay.   “Wait. Let me check,” intrimitido niya pang sambit at dinungaw pa ang papel na hawak ko.   Isa talaga sa mga ayaw ko ay iyong nangingialam sa akin. Kaunti lang ang pasiyensya ko ngayon at kapag nagpatuloy pa ‘tong lalaki na ‘to sa pangingialam, baka makasapak ako ng bansot sa oras na ‘to.   “Ano ba?!” Iritado kong inilayo sa kanya ang papel na hawak ko.   I knew he was just trying to help me. Pero ayaw ko lang kasi talaga ng ginagawa niya. Kaya kong gawin ‘to nang mag-isa. Hindi ko rin naman hiningi ang tulong niya.   Hilaw siyang ngumiti. Bakas ang bahagyang pagkatakot niya dahil sa tono ko. Kahit ganoon, hindi iyon naging sapat para tuluyan siyang tumigil.   “Sorry. Gusto lang kitang tulungan hanapin ‘yong room mo. Para ka kasing nawawala,” pagdadahilan niya.   Kalalaking tao, pakialamero.   “Bago ka rito?” dagdag niya pa nang hindi muli ako nagsalita. Hindi naman ako nag-abalang sagutin ang tanong niya.   I turned my back at him, hoping that it would give him a hint that I don’t like to get help from him. Pero mukhang bobo talaga ang lalaki.   “Oh. STEM 12-1 ka nga. Kaklase kita,” utas niya mula sa likuran ko. Paglingon ko, naabutan ko siyang nakadungaw na naman sa hawak kong papel.   Depungal talaga.   I glared at him. Napatagis din ang mga ngipin ko sa sobrang irita.   Ganito ba talaga sa Manila? Mga pakialamero ang mga tao?   Sa talim ng tingin ko sa lalaki, napalayo siya. Itinaas niya pa ang mga kamay niya na animo’y sumusuko at sinasabing hindi siya papalag.   “Sorry na ulit! Pasiyensya,” mabilis na paghingi niya ng tawad pero may paghirit pa ring pambu-buwisit. “But that’s our room.”   He pointed out the room where he came from. Automatically, I turned my gaze in that direction. Nakakita pa ako ng dalawang lalaking nakatingin sa direksyon namin, mukhang kaibigan niya.   Sandaling napirmi roon ang tingin ko pero pagtapos ay napabalik din agad sa pakialamerong lalaki nang muli itong magsalita.   “I’m Trickson, by the way. Just call me Trick.” The guy smiled at me, showing his two deep dimples.   That was how I met him. And his smile brought me into something I least wanted to be in: trouble.   - ZiaRaegan: Good day, everyone! Start na ng daily update nina Trick and Filch. Inaayos ko pa rin ang chapters nina Jinx and Tala. I’m sorry for the inconvenience but I’ll try to be productive this month and finish their story.   PS. The chapter is fixed if it has the word Chapter and its title at the beginning of the episode. For those who are reading Just Like How the Stars Gaze, just check its episodes. ‘Yong mga walang “Chapter + number” ay hindi pa edited. I hope you guys are getting my point. lol   Enjoy reading! Good luck sa mga pumapasok na ulit! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD