Prologue

3384 Words
PROLOGUE Moonbow In all aspects, seeing a colorful arc of hues embracing the moon is dazzling to see. I always stand in awe whenever a bow accompanies the moon just like an aura of ethereal beauty. It never fails to outdo itself despite being cratered by imperfections. I could say that I am a hater of the night but the moon will always be the only exception. Kaya minsan, ayaw ko na lang din munang tingnan ang buwan; hindi ko kasi maiwasang gustuhin ang dilim dahil dito. “Are you ready, Aris?” Boses ni Mama ang narinig ko sa aking likuran kaya naman naputol ang pagtitig ko sa magandang tanawin sa labas. When I glanced at her, I saw that she was so ready too. She was wearing a crimson-colored evening gown as she was holding a glass of champagne. Her face was shining too with her full smile. She looked sophisticated tonight. Idagdag pa ang makeup niya. “Our important guests have arrived. The del Gricos are excited to meet you,” she added when I said nothing with her question. Nakakuha naman ng pansin ko ang binanggit niyang pamilya. Del Grico… Marinig lang ang apelyidong ‘yon, parang may pumipiga na agad ng puso ko. Hindi ko maiwasang kabahan sa tuwing naiisip ko na may posibilidad na makita ko siya sa baba. Kahit na hindi naman siya palasama sa mga ganitong okasyon, may kutob pa rin ako. “Talk?” tanong ulit ni Mama nang manatili akong tahimik sa rami ng iniisip ko. Nang ibalik ko sa kanya ang tuon ko, tinanong ko ang tanong na alam ko na ang sagot, nagbabakasakaling may mababago pa rin. “Kailangan ko ba talagang harapin sila, Ma?” Hindi ko na napigilang magtunog desperada dahil sa paraan ng pagkakasabi ko. Nawala naman ang ngiti ni Mama. “What do you mean?” Her smile faltered as one of her eyebrows rose. I gritted my teeth. “Aalis na ‘ko bukas. Susundin ko ‘yong gusto niyong gawin ko,” may paninindigang sambit ko. "Kaya bakit ko pa kailangang humarap pa sa… ibang tao?” Napaiwas ako ng tingin sa huli kong sinabi na paniguradong alam na ni Mama kung sino ang mga tinutukoy ko. Ayos lang sana kung ibang pamilya e. Pero sa mga del Grico? Alam kong hindi madalas sumama sa mga ganitong okasyon ‘yong lalaking ayaw kong makita ngayon pero… hindi ko maiwasang kabahan. Siya lang ang nagpapakaba sa ‘kin nang ganito. Seconds have passed. Nang ibalik ko sa mama ko ang aking tingin, nahalata kong malapit na naman siyang sumabog. Hindi naman ako natakot doon. She stopped her emotions by taking deep breaths. When she succeeded in doing so, she showed me her brightest smile again. “You need to. I heard Levi del Grico, the acting CEO of Montriele Wines as of now, is outside too. Malaking advantage kapag napapayag pa nating mag-invest ang pamilyang ‘yon sa business,” mahinahong aniya. “Without you outside, they might not consider investing. Isa pa, Zandriana is looking forward to meet the heiress, to meet you, Aris. We can’t disappoint them, you know.” Sa pangalawang pagkakataon, napatagis ang mga ngipin ko. Heiress? Hindi ko talaga maiwasang hindi mairita sa tuwing naririnig ko ang ibang tao na tinatawag akong ganoon. Kung alam lang nila… Kung alam lang talaga nila! In the end, I tried to stand up for what I wanted to do. Tinalikuran ko si Mama. “Ayokong lumabas,” sambit ko nang may paninindigan. But just like me, my mom seemed persistent too. There was no doubt I got that kind of attitude from her. Marahas niyang hiniklat ang braso ko para mapabalik ang tingin ko sa kanya. Pagtama naman ng tingin ko sa kanyang mga mata, kita ko ang nag-u-umapaw na galit niya. “Lalabas ka,” utos niya na may nananakot na ngiti. “Lalabas ka at haharapin ang mga taong nag-aabang sa ‘yo. Sa ayaw at sa gusto mo. You know what I can do, right?” I am a woman who does not easily swayed by threats. Kaya kong mamatay ngayon kung ‘yon ang tanging paraan para matapos na kaagad ang lahat ng ‘to. Pero sa huling sinabi ni Mama, alam kong iba ang ibig niyang sabihin. She knew me well. She knew me well enough to use threats that will surely break my stronghold. Sa tuwing naiisip ko ‘yon, naiirita ako dahil alam kong ang kaya ko lang gawin ay sumunod para maprotektahan ‘yong mga taong gusto kong protektahan. “Right, anak?” tanong pa ni Mama. Hinawakan niya ang baba ko nang mahigpit. Halos maramdaman ko rin ang mahahaba niyang kuko na tumutusok sa pisngi ko. Sa huli, napaigting na lang ang panga ko. “You’re the worst,” nanggagalaiting sambit ko habang nakatingin nang diretso sa mga mata niya. Marahas ko ring hinawi ang kamay niya. Nagulat siya sa ginawa ko pero ikinakibit-balikat niya na lang ‘yon. “Well. I guess I am.” Ngumiti ang demonyo kong ina. Alam niya kasing mapasusunod niya na naman ako dahil sa banta niya. “Mauuna na ‘ko. Sumunod ka sa baba.” Tinalikuran niya ako. Ang tanging nagawa ko na lang ay pukulan siya ng matatalim na tingin habang nangingilid ang mga luha. “The del Gricos brought handsome men. You might want to check them out as well. Malay mo? Kasama ro’n ang best friend mo,” she even uttered before she left me completely. She knew. Depungal! Nang mawala na siya sa paningin ko, roon ko lang nagawang ibuhos ang lahat ng galit. Sumigaw ako sa iritasyon. Kahit nakasuot na ng mataas na sapatos, pinagsisipa ko pa rin ang maabot ng paa ko. Nakagagalit! Parang ikamamatay ko ‘yong walang magawa sa nakaiiritang sitwasyon na ‘to! Ilang minuto rin ang ginugol ko para ilabas ang galit. Sakto namang tapos na ako nang dumating ang professional makeup artist na inutusan ni Mama na mag-retouch ng makeup ko bago ako bumaba. She covered up the red marks on my cheeks from my mother’s fingers. Pagkatapos noon, kaagad na rin niya akong iniwan na mag-isa. Nanatili akong walang emosyon na nakatingin sa salamin. My hair looked long with my updo hairstyle. Kakulay lang talaga ng buhok ko ang kinabit na hair extension kaya hindi halatang peke ‘yon. At the same time, my makeup made me look like an innocent bullshit princess. Sa tuwing pumipikit pa ako, mas lalong nakikinita ang ganda ng pagkakaayos ng mukha ko dahil sa kumikinang ito. Wala naman akong pakialam doon. I was wearing a deep v-neck emerald green evening gown. It is fitted with a naked back design and has a side cut and a high slit. With that kind of design, it emphasizes my legs whenever I walk. It was paired with emerald-colored earrings and necklace. Sa pagkakaalam ko, ang mga alahas na pinasuot sa ‘kin ni Mama ay nagkakahalaga ng milyong dolyar. Kahit ganoon, wala pa rin akong pakialam. Ni hindi ko na nga inalam pa ang tawag ng mga suot ko. In the end, I had nothing to do but to go outside. Everyone looked in my direction as I gracefully went down to a grandeur staircase. All eyes were glued on me but I did not try to check everyone. Naduduwag ako kung sakaling mamataan ko ang isang pares ng ambar na mga matang ayaw kong makita sa ngayon. Kahit ganoon, nakuha ko pa rin ang tingin ni Mama sa ‘kin na inuutusan akong ngumiti. Nag-iwas na lang ako ng tingin at hindi ginawa ang gusto niyang mangyari. “And the center of this night, Miss Amaris Loresca,” the MC introduced me. Dahil doon, nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. Nagpatuloy ang ganoong klaseng pagkakataon na hindi ko maatim-atim. Ni hindi ako ngumiti sa kahit na kanino. Hindi naman ako magawang pagmalupitan pa ni Mama dahil sa rami ng taong nakatingin sa amin. Matapos lang ang napakatagal na seremonyas na nasa gitna ako ng lahat, sinamahan naman ako ni Mama na isa-isahin ang bigating mga bisita namin. “You’re shining like the moon outside, Aris,” papuri ng isang mayamang businesswoman na nag-invest sa kompanya ni Mama. “There’s no doubt you’re the King’s daughter.” King’s daughter? Parang gusto kong matawa. Kahit ganoon, pinigilan ko ang sarili kong ipakita ang pagiging sarkastiko. “Indeed. And have you seen her ** account? Gosh,” kumento pa ng isa. “Yeah! I did! She's living every girl’s dream!” Talaga ba? “Smile, Aris,” pabulong na utos na lang sa ‘kin ni Mama. Kaya kahit ayaw ko man, ngumiti na lang ako nang pilit para kunwari ay sumang-ayon. Every topic was suffocating me. Lahat ay patungkol sa business ang pinag-uusapan at nabibingi ako ro’n. Hindi talaga ako para dito. Gusto ko na lang umalis ulit pero nasayang ko na ang huling pagkakataong gawin pa ‘yon ulit. Pagtapos ng halos dalawang oras na pakikipag-usap namin sa iba’t ibang business woman, sunod na nilapitan ni Mama ang pamilyang ayaw na ayaw ko munang makaharap ngayon. “Next, the del Gricos,” she uttered as she led our way. Sa binanggit niya pa lang na apelyido, halos magwala na ang puso ko sa kaba. Natigilan ako sa paglalakad at napatitig lang sa ina kong dumiretso na nga sa table ng mga del Grico. Dahil sa pagtingin sa kanya, tuluyan nang dumako ang tingin ko sa mga del Grico na kanina ko pa rin iniiwasang tingnan. Doon, nalaman ko kung bakit kanina pa ako kinakabahan sa tuwing naririnig ko ang apelyido nila. Nandito siya… My eyes widened as I met the moon-like eyes of the man I’ve loved for years. Titig na titig ang mga ‘yon sa akin ngayon at hindi ko naiwasang manlamig dahil doon. I’ve never seen him eyed me like this before. Dahil sa napagtanto, naramdaman ko ang muling pagkirot ng puso ko. Sa huli, nag-iwas na lang ako ng tingin at umaktong parang wala lang. They all stood as my mom walked towards them. Kahit si Madame Zandriana, napako rin sa akin ang tingin nang sumunod ako kay Mama. Hindi magkamayaw ang puso ko sa kaba. Nanlalamig na rin ang mga kamay ko pero ang tanging nagawa ko lang ay isarili ang lahat ng nararamdaman. “The heiress is here. We’re glad we’re able to meet you beforehand,” the old woman greeted me after she and my mom talked for a moment. “Madame Zandriana. I’m pleased to meet you too,” bati ko na lang pabalik gamit ang pormal na tono. She smiled at me. Mas lalong hindi nakita ang singkit niyang mga mata dahil doon. “Meet my grandsons.” Hindi na pinatagal pa ng matanda ang batian. “Here is Levi, the acting CEO of Montriele Wines.” She introduced the lastborn of the third generation of their family. Of course, I knew Levi. Hindi lang siya kung ‘di silang lahat na magpipinsan. Ang hindi lang nakaaalam ng bagay na ‘yon ay sina Madame Zandriana at si Mama. Like what I usually perceive about him, Levi is an intimidating man in all aspects. Ganoon pa rin siya hanggang ngayon. “Nice to meet you,” pormal na bati niya sa ‘kin. Tinanguan ko naman siya. Pansin ko ang paninitig niya at tila panunuri pero hindi ko na pinansin pa ‘yon. “And here’s my other grandson Tricksonius, he’ll be an aeronautical engineer in SVA, their family’s own airline, once he graduates.” Sunod na minuestra ni Madame Zandriana ang isa pang apo na kasama, ang lalaking ayaw na ayaw ko munang makaharap ngayon. In my surprise, my heart went wilder. Akala ko ay wala nang ititindi pa ang kaba ko; akala ko lang pala ‘yon. Parang ayaw kong mag-angat ng tingin sa sunod na ipinakilala ni Madame. Sa mga titigan, kahit na gaano pa nakaiintimida ang isang tao, kaya kong panatilihin ang tingin ko sa mga mata nila. Pero iba si Trick. On the other hand, I could feel his stare at me. Iyon ang isa pang dahilan ko kung bakit parang hindi ko yata kayang mag-angat ng tingin sa kanya. Mabuti’t wala namang nakapansin noon kung ‘di kami lang din na dalawa. “Oh. Amanda, Am I seeing a real thing on your daughter?” Ang suot kong kuwintas ang pinagtuunan ng pansin ni Madame Zandriana. By what the old woman noticed, my mother smirked boastfully. “Yes, Zandriana,” sagot niya na mababakasan ng kayabangan sa kanyang tono. “That’s a necklace owned by Queen Marie José of Italy. It’s made up of diamonds and 50 cabochon emeralds signed by the house of Van Cleef & Arpels, one of the jewelries we won in Christie’s Auction House.” Just like what my mother has been aiming to do, she shocked Madame Zandriana. Napatango ito at bahagyang napataas ang kilay. Nakakahiya. Gusto ko na lang umalis dito. Halatang-halata ang pagmamayabang ni Mama! “And take a look at her earrings,” sambit pa ng magaling kong ina sa donya. “Familiar?” Madame Zandriana’s lips formed an ‘o’. Kaagad niyang nakilala ang suot kong hikaw. “That’s a pair of 155-carat Colombian emerald earrings! Don’t tell me you won that in an auction too?” “That’s right.” The two continued talking. They talked about businesses and investments. Minsan ay nakikisama si Levi sa usapan pero nanatili kaming tahimik ni Trick. Nang subukan ko namang mag-angat ng tingin sa kay Trick, halos masamid lang ako nang maabutang nasa akin pa rin ang titig niya, animo’y makakawala ako sa oras na mag-iwas siya ng tingin sa ‘kin. When I couldn’t take the atmosphere for a little longer, I tried to excuse myself. “Mom, can I go out for a minute?” bulong ko sa Mama ko. Mula kay Madame Zandriana, dahan-dahang lumipat sa ‘kin ang tingin niya. Her smile didn’t fade away. Taliwas naman doon ang pabulong na itinugon niya sa ‘kin. “‘Wag mo ‘kong umpisahan, Aris. We’re talking to a potential investor,” nagbabantang aniya. Still, that didn’t stop me from excusing myself. Hindi ko na kaya pa ‘to. “Madame Zandriana, if you’ll excuse me for a moment.” Tumayo na ako sa upuan ko at sa Donya mismo nagpaalam. My mother was shocked because of what I did. Kahit si Trick na sandali kong pinukulan ng tingin, mukhang hindi rin inasahan ang ginawa ko. As expected, Madame Zandriana had nothing to do but to let me. “Oh sure. It’s fine,” sambit niya na nagsilbing senyas ko para tuluyang maglakad palayo sa table na ‘yon. “I’m sorry for the rudeness of my daughter, Zandriana,” rinig ko pang paghingi ng paumanhin ni Mama bago ako nakalayo sa lahat. I walked away. “Aris.” I heard a lot of people calling my name but I didn’t give attention to any of them. Gusto ko lang munang makalayo. Para akong hindi makahinga sa lahat ng nandito. I walked past everyone. Imbis na sa silid ko ako dumiretso, minabuti kong tumungo sa isa sa mga balkonahe ng hotel na ‘to para hindi makita ng kahit na sino. That was the best thing that I did tonight. Sa oras na makahanap ako ng lugar na kung saan ay walang kahit na sino, hinubad ko ang ngiting kanina ko pa suot-suot. Nakahinga ako nang maluwag. Ganito na ba talaga ang magiging pang-araw-araw kong buhay? Ganito na naman ulit? Tatagal ba ‘ko? I felt the cold outside but it didn’t matter to me anymore. Pag-angat naman ng tingin ko sa maliwanag na buwan, napapalibutan pa rin ito ng tila bahaghari sa gabi. Ang pinagkaiba lang kanina ay buong bilog na ito ngayon. Yet, it is still beautiful in my eyes. Itinuon ko ang atensyon sa maliwanag na buwan. Moon’s always known for being a trickster. It captured lots of hearts because of its beguiling beauty. But… I think, no one has thought about how tragic the story of the moon is. It’s always surrounded by darkness, never having a chance to escape. Just like me. “The moon is beautiful tonight, isn’t it?” Natigil ako sa paninitig sa buwan nang may magsalita sa likuran ko. Sinigurado kong sa tagong lugar ako pumunta! Kung may makakita man sa ‘kin ngayon, paniguradong sinundan ako! As an instinct, I immediately glanced at my back, only to be shocked even more. Being followed is already surprising to think but seeing the one who followed me…. “Mr. Tricksonius…” hindi makapaniwalang sambit ko ng pangalan ng lalaking malamig ang tingin sa ‘kin ngayon. Gaya ng naging madalas niyang epekto sa ‘kin, naghurumentado ang puso ko. Napaawang sandali ang labi ko pero kaagad ko rin ‘yong itinikom nang mapansin ang pagigting ng panga niya. “Mr. Tricksonius?” He laughed without humor in his voice. Mas lalo akong nanlamig dahil doon. “Alright, Filchesa Amaris.” For the nth time, I felt how my heart ached. Siya lang ang nakakapagbigay sa ‘kin ng ganitong klase ng sakit. Siya lang talaga. Wala pa man, naramdaman ko na ang pangingilid ng mga luha ko. Hindi ako madalas maiiyak sa mga simpleng bagay pero ang pagkakataong ‘to ay hindi simple para sa ‘ming dalawa. Alam ko kasing posibleng… ito na ang huli. “Mind if I join you?” he asked coldly. “Like I always do.” Sobrang laki ng pagbabago namin sa isa’t isa. At hindi ko mapigilang manghinayang sa tuwing naiisip ko ‘yon. He walked towards me. I thought he would stop in front of me but he just walked past me and stopped to lean at the glass railing of the balcony. Sinundan ko siya ng tingin habang patuloy na pinipigilan ang pagtulo ng mga luha ko. He directed his eyes to the moon. Sandaling natahimik ang pagitan naming dalawa pero siya rin ang nagbasag noon. “I guess some things would never change, huh?” he muttered as he darted his gaze on me. “You, lowkey admiring the moon. Me, trying to hold you close and make you stay.” Wala akong nahanap na mga salita para sabihin sa kanya. Tanging nagawa ko lang ay matahimik at pakinggan ang sinasabi niya. Tumuwid siya ng pagkakatayo at hinarap ako nang tuluyan. Sa pagharap niya sa ‘kin, nakita ko kung paano manginang ang mga mata niya dahil sa liwanag ng buwan at dahil din siguro sa pamumuo ng mga luha. “And you again…” he stopped for a moment before he whispered painfully, “always slipping away.” His words were like daggers that kept stabbing my heart. Yet, I took it all. I made sure I would feel the pain that I inflicted on him in the first place. “How I wish my resilience could be one of those things. But nah,” dagdag niya pa na mas lalong nagpadurog ng durog kong puso. Pagod na siya. Ramdam ko ‘yon. I felt the bitterness crept within me. Habang tumatagal ang titig ko sa kanya, mas lalong tumitindi ‘yong sakit ng lahat. Muli ko na lang tuloy idinako ang tingin ko sa buwan sa taas naming dalawa. There, I realized something. Not only darkness can embrace the lonely moon. Sometimes, as the moon shines so bright, an arc of hues emerges—a moonbow. I then darted my eyes to my own moonbow in front of me. Moonbow reminds me of him; he made me realize that there is something worth lingering for in the dark. Nonetheless, even after everything that had happened between us, nothing would ever be enough to take me out from where I should be. Not even a Tricksonius Dreyse del Grico. “Tigil na, mongs,” tila hangin na bulong ko sa kanya. What crushed me the most was when he did nothing but nod at what I uttered. I guess this is it. In the end, the best thing we could do is to abandon it all and give up just like how the moon bows to darkness.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD