CHAPTER 9 Used to “Hey.” Matapos lang maubos ni Trick ang mga bunga ng manggang handa nang maibenta, inutusan ako ni Nanay na yayain sa loob ang tukmol para isabay naming kumain. Pagtapos lang naming kumain lahat, ito na naman siya at mukhang bored sa buhay. Kung tawagin ako, akala mo ay napakalayo namin sa isa’t isa. “Nakita mo na ba ‘yong day ko?” tanong niya pa sa akin dahilan para kumunot ang noo ko. “Pinagsasasabi mo r’yan?” Nagpatuloy lang ako sa pagkuha sa pinagkainan namin para mahugasan ko na. Tumulong naman ang mongs at sinundan ako sa kusina. “Hindi mo rin alam ‘yong tungkol sa day and stories sa f*******:?” Bakas ang pagtataka niya. “Dapat ba, alam ko?” pamimilosopo ko lang. Wala naman kasi akong oras noon para sa social media. Ang mga ac

