CHAPTER 10 Black “Is this all his orders, Filch?” tanong sa akin ni Law nang siya ang magpresintang magbuhat ng orders na ide-deliver ko sa customer ko. “Oo,” simpleng sagot ko na lang habang abala sa paglalagay ng ilan pang orders sa bag na dadalahin ko naman. “Bakit ka pumayag na meet-up e napakalayo no’n? Ayaw mo pang magpahatid sa kotse?” Si Trick naman ang nagtanong. Hindi ko napigilang sandaling tumigil sa ginagawa para pukulan siya ng masamang tingin. “Bakit ba? E sa gusto kong mag-bike e.” Kahit kailangan na lang talaga ‘tong mongs na ‘to, pakialamero palagi. Natawa tuloy si Law sa bangayan na naman namin ng pinsan niya. Wala rin kasing araw na hindi ako naiirita kay Trick. “Bakit nga ba nakabuntot din kayo sa ‘kin?” tanong ko tuloy sa dalawa.

