Chapter 6

3500 Words
CHAPTER 6 Calm   “Ikaw kasi e,” paninisi ko kahit na medyo puno pa ang bunganga dahil sa kinakain kong burger.   I was leaning on our room’s wall while gazing at some of the students outside. Patuloy lang akong kumain nang may sama ang loob.   “Why me?” I sensed how Trick faced me. Wala naman akong sinabing pangalan pero alam niya agad na siya ang sinisisi ko.   We were outside our room. Tuluyan na nga kaming na-late sa klase. Pagdating namin, nag-le-lesson na ang teacher namin. Hindi na rin kami pinapasok pa sa loob.   Hindi ko na lang sinundan ang parating ko sa katabi. Alam kong may kasalanan din naman ako. Kung hindi ako tulog-mantika, baka hindi kami na-late.   Pero kasi! Hindi rin kami magiging late sa pangalawang subject kung binilisan niyang mag-bike. Dalawang subject tuloy ang hindi namin naabutan.   “So, how’s your first ride, guys?” asked the other guy beside me: Law.   Ewan ko ba rin dito sa lalaking ‘to. Maaga nakarating sa school pero hinintay pa kami ni Trick. Tatlo tuloy kaming nasa labas ng room ngayon at pinarurusahan.   Ganito ba talaga utak ng mga del Grico?   “‘Wag mo nga akong English-in ngayon. Naiirita ako.” Kay Law ko tuloy naibaling ang inis ko.   “Sorry,” aniya agad. Pagkatapos noon, narinig ko silang dalawa ng pinsan niya na mahinang tumawa.   “Ang bagal ni Trick mag-bike.” Sinagot ko pa rin ang tanong niya matapos akong muling kumagat sa burger ko.   “E kasi delikado nga,” pagdadahilan naman ng tukmol.   Hindi e. Sobrang bagal niya pa rin talagang mag-bike. Hindi ko naman siya iniwan kanina at inunahan dahil ako naman ang lalabas na masama kapag ganoon? Ginising-gising ako ni Trick tapos iiwanan ko lang siya?   Muli kaming natahimik na tatlo. Mayamaya pa, nagtanong si Trick.   “Magba-bike ba tayo mamaya?” tanong niya sa amin.   Law was focused on his phone, talking to people, probably girls, through chat. Ako, patuloy lang sa pagkain.   Gusto ko ‘yong ideya. Kahit na hindi sila magyaya, magba-bike akong mag-isa.   “May practice kami ng basketball e. If you want, you can wait for me first—” Law answered that Trick interrupted.   “‘Wag na,” agad na putol niya sa sinasabi ng pinsan niya.   “As I thought. Sa susunod na lang ako.”   Kaya naman bumaling sa akin si Trick.   “Ikaw, Filch?” tanong niya sa akin.   I didn’t glance at him. I continued looking at staring at nowhere while enjoying my food.   Buti na lang din at mukhang mahaba ang pasiyensya niya. Tinapos ko pa kasi ang pagnguya ko bago ko siya tipid na sinagot.   “Ge,” tugon ko lang.   “Yes!” I heard Trick whispered under his breath. Napalingon tuloy ako sa kanya.   Tumuwid siya ng tayo bago ako kinausap nang maayos.   “Roger that.”   Hindi ko rin alam kung bakit ako pumayag sa pag-aya ni Trick kahit na madalas, nakakairita talaga ang presiyensya niya. Basta ay iyon na napagkasunduan namin.   Habang tumatagal, medyo nasasanay na ako sa presiyensya nila. Ako rin naman kasi ang lugi kung lagi akong maiinis kapag dikit sila nang dikit e magkaklase lang naman kaming tatlo.   Kahit sa breaktime, para din silang mga linta. Isama pa ang ilang del Grico na tumatabi at sumasama minsan sa amin sa canteen.   Fortunately, they aren’t the typical group of guys who have no manners. Mukhang talagang pinalaki silang maayos ng mga magulang nila. Medyo hindi nga lang yata naging maayos ang mga utak nila. Minsan, tingin ko pa rin ay napakabobo ng pamilyang del Grico.   For the days I am always in their circle, my name became known in no time too. Ayaw ko sana ‘yon kasi baka may makakilala sa akin kaso wala e. Buti na lang, Filch Damaloco ang pagkakakilala sa akin dito. Kilala ako bilang “dugyot na dikit daw nang dikit sa mga del Grico” kahit na ang totoo ay kabaliktaran noon ang nangyayari.   Hindi ko na lang din pinapansin. Mas ayos ‘yon para malayong-malayo talaga sa dating ako.   “Sa’n ka pupunta, Nay?” Pagkauwi ko galing Arquero, naabutan ko si Nanay na may bitbit na ilang plastic ng mga mangga. “Ako na r’yan.”   Kaagad ko siyang tinulungan dahil mukhang mabigat ‘yon. Agad din naman siyang tumanggi.   “Naku! Ayos lang! Kaya ko na ‘to, ija,” pamimilit niya. “Kagagaling mo lang sa school. Malamang, pagod ka pa.”   “Ayos lang po talaga. Mukhang mabigat ‘yan e. Gusto ko pong tumulong.”   Hindi pa sana ako papayag kaso ay may inuutos na lang siyang iba sa akin.   “Gano’n ba? Kung gusto mo, ikaw na lang ang sumundo sa kambal. Kailangan ko na kasi talagang maihatid ‘tong mga order ngayon e.”   Dahil doon, kaagad na lang tuloy akong tumango.   Buti na lang din at may bike na ako. Isa pa, napagkasunduan din namin ni Trick na mag-bike ngayon kaya ayos na rin. Puntahan na lang namin ‘yong school ng kambal at sunduin sila.   “Sige jo. Kami na ni Trick ang susundo. Magba-bike na lang kami,” sambit ko.   “Sigurado ka? Aangkas niyo ‘yong dalawa?”   “Ojo. Kami na’ng bahala.”   Hinatid ko na lang si Nanay sa labasan at sinamahan siyang maghintay ng sasakyan. Pagkatapos noon, naligo na rin ako at nagpalit ng damit. Sakto namang nag-chat na rin si Trick na papunta na raw siya.   I wore an oversized pastel blue tie-dyed sweatshirt with a print “calm” on its chest. Pinaresan ko ‘yon ng simpleng biker shorts. Dahil basa pa ang mahaba kong buhok, hinayaan ko ‘yong ilugay muna para matuyo.   Saktong tapos na ako at kalalabas lang ng pinto nang dumating na rin si Trick.   Hindi pa siya nakakapagpahinga, niyaya ko na siya. Baka kasi naghihintay na ng sundo ‘yong kambal e.   “Tara na.” Sumakay na ako sa bike ko.   Buti na lang din, kahit madalas reklamador ‘tong kasama ko, sumusunod pa rin.     “Sa’n tayo punta?” tanong niya lang agad, hindi alintana ‘yong pagod sa pagpunta niya rito sa lugar namin.   He was already wearing his casual wear. Hindi na siya naka-uniporme at nakasimpleng t-shirt na lang at shorts na maong.   “Sunduin natin ‘yong kambal.”   Pinangunahan ko na nga ang daan. Sumunod na lang din siya. Kahit ganoon, hindi naging hadlang ang ginagawa namin para hindi siya magtanong.   “Iaangkas natin?” Bakas ang gulat sa tono niya.   Obvious naman na ang sagot do’n kasi alangan namang paglakarin namin ‘yong kambal. Bakit pa namin sinundo, ‘di ba? Pero mukhang hindi lang talaga makapaniwala ‘tong tukmol na ‘to.   “Oo. Kaya mo ‘yan,” pag-chi-cheer ko na lang sa kanya habang nakapokus ang tingin sa dinaraanan. Talagang madali na lang sa akin ang pagba-bike. Mabilis din naman kasi akong matuto.   “E hindi—” Magdadahilan pa sana si Trick pero pinigilan ko na siya.   “‘Wag ka nang magreklamo.”   Wala na rin naman kasi siyang magagawa. Kayanin niya na lang.   Akala ko, may idurugtong pa ang tukmol kaso makalipas ang ilang segundo, sumuko na lang din siya.   “Okay, boss madam,” aniya na lang.   Napangisi ako sa tinawag niya sa akin. Parang insulto ‘yon pero natawa ako. Siguro, pinararating niya na masyado akong bossy.     Wala lang siyang palag sa ‘kin e.   Nagpatuloy kami hanggang sa makarating na nga sa tapat ng school ng kambal. Maraming mga estudyante ang lumalabas, simbolo lang na uwian na nga ng mga elementary.   Bago ako umalis kanina, may sinabi sa aking lugar si Nanay kung saan madalas niyang hintayin ang kambal kaya naman doon kami tumungo ni Trick para maghintay. Sa back gate ‘yon ng school. Medyo marami rin ang lumalabas doon at naghihintay ng sundo.   Wala pa mang ilang minuto ang nakalipas, namataan ko na agad si Tres. Napansin ko siyang sumusulyap sa paligid, siguro ay hinahanap si Nanay na madalas nagsusundo sa kanila. Inabangan ko lang ang pagpansin niya sa akin.   “Ate!” Nanlaki nga ang mata niya nang mapansin niya ako. Kaagad siyang tumakbo patungo sa akin. “Ikaw nagsundo sa ‘min?”   Napangiti ako.   I don’t know but I have such a kind of soft side with kids. I like to be with them, especially those clingy kids who really want to be with me. Sa bata nga lang ako ganito at hindi sa utak bata.   “Oo. Ayaw niyo ba?” pang-aasar ko sa kanya at medyo yumuko pa dahil maliit talaga sina Tres.   “Gusto!”   Mas lalo pang lumawak ang ngisi ko dahil doon.   Sunod niyang napansin si Trick nang umepal ang tukmol at ginulo ang buhok ni Tres.   “Kuya Trick!” baling tuloy ng kapatid ko sa kasama ko ngayon.   “Yow!” bati pabalik ng tukmol.   Wala na. Tsk!   At ayon. Nagkuwentuhan na nga ang dalawa, tila ba nakalimutan nang nandito pa ako sa gilid.   I noticed it with Tres. He’s the type of kid who’s more into being with guys like Trick. Despite that, he’s also protective of the people around him. Though he is usually mean to his twin and to other kids, he has this vibe of overprotective.   On the other hand, Tris is the complete opposite of him. Tris seems to be soft and avoids trouble. Kaya madalas din siyang inaasar na bakla ng kambal niya dahil sa ganoong ugali niya. Still, I don’t think he is gay in the making. May mga ganoon lang kasing tipo ng lalaki na malambot at ayaw ng gulo, kakaiba sa nakasanayang lalaki.   Because of what I thought, I realized that Tres was alone. Hindi niya kasama ang kambal niya.   “Nasa’n si Tris?” tanong ko kay Tres pero abala siya sa pakikipagkuwentuhan kay Trick.   Sa inip ko, iniwan ko na lang tuloy muna sila para hanapin si Tris. Nakaparada naman ang bike namin at nandoon din naman si Trick.   I looked for Tris in the crowd. Medyo nahirapan pa ako sa paghahanap dahil sa maliit nga si Tris. Buti na lang at nakita ko ang bag niyang red na mickey mouse.   “Tris!” Right away, I called his attention. Nakayuko siya noong una pero nang lumingon siya dahil sa pagtawag ko, napansin ko ang namumugtong mga mata niya.   Kaagad nagbago ang mood ko dahil sa nakita. Tumalim ang tingin ko at dali-dali siyang nilapitan.   Bakit umiiyak ‘tong si Tris?   For a moment, he stopped crying when he saw me. I even saw him utter “Ate” but when I got closer, he burst into tears again.   Sino’ng nagpaiyak dito?   “Bakit ka umiiyak?” nag-aalalang tanong ko sa kapatid ko at hinawakan siya sa balikat.   I squat in front of him, trying to see through his eyes. Pero tinakpan niya lang ang mukha niya at mas lalo pang naiyak.   “Sagutin mo ‘ko!” Nataranta na ako. Kahit naman kasi madalas siyang sinasaktan ng kuya niya, hindi naman siya ganito umiyak. Malakas din ang kutob kong hindi si Tres ang nagpaiyak sa kanya.   Nagpatuloy si Tris sa pag-iyak. Sa huli, niyakap niya pa ang leeg ko habang naka-squat ako sa harap niya.   My heart melted by what he did. At the same time, my blood was slowly boiling because of someone who did this to him.   Bakit kaya siya umiiyak?   “Oh sige. Tahan na,” pag-alu ko na lang muna sa kanya. Siguro, sa bahay ko na lang muna siya tatanungin kung bakit. “Akin na ‘yang bag mo.”   I got his bag. Sinukbit ko lang sa isang balikat ko ang bag niya. Pagkatapos, hinawakan ko na ang isang kamay niya para sabay kaming maglakad patungo sa kung saan ko iniwan sina Trick at Tres.   Kaso, biglang may sumigaw sa likuran namin. Tumigil kami sa paglalakad dahil doon.   “Hoy, iyakin!” dinig kong sabi ng nasa likuran sa amin.   Sabay kaming lumingon ni Tris doon. Napansin ko pa kung paano bahagyang humigpit ang kapit ni Tris sa kamay ko, tila ba natakot sa sumigaw. Roon pa lang, alam ko na agad na may mali.   “Huh?” Badtrip akong tiningnan ang mga lalaking sumigaw.   There were three of them. One was a chubby kid who looked like Tris’s classmate. Ang isa ay mukhang junior high school student na may katabaan din habang ang isa naman ay payat na matangkad at mukhang kasing edaran ko lang.   Unang tingin pa lang, alam ko nang sila ang nagpaiyak sa kapatid ko. Idagdag pa ang reaksyon ng matandang mataba.   “Hoy, yari kayo! Kasama ‘yong ate!” kinakabahang sambit ng mataba, mukhang nakalimutan pang naririnig ko siya.   Taliwas naman sa reaksyon nito, ang matangkad na payat ay nakaawang lang ang labi habang nakatitig sa akin.   “Ang ganda naman pala ng kapatid, tol,” dinig ko ring anito na hindi ko pinansin.   Bigla na lang nagtago sa likuran ko si Tris.   “A-Ate…” utas niya pa gamit ang nanginginig na boses, animo’y takot na takot sa tatlo.   Nangunot ang noo ko dahil sa pag-aalala sa kanya.   He even caressed his small forearm. Dahil tuloy doon, napansin kong may dot na kulay abo sa braso niya. Malalim ‘yon at medyo namumula.   Kaagad kumulo ang dugo ko. Kapag ganitong mga sitwasyon, hindi ko talaga napipigilan ang sarili ko kahit na gulo pa ang abutin.   I gritted my teeth. Buo na agad ang pasya ko sa kung ano’ng gagawin.   “Dito ka lang sandali,” sambit ko kay Tris gamit ang mahinahon kong boses. Pero paglingon ko sa tatlo, pinakita ko ang totoo kong galit.   Dahan-dahan akong lumapit sa tatlo. Pinakatitigan ko sila gamit ang nagyeyelo kong tingin.   “Kayo ba nagpaiyak sa kapatid ko?” tanong ko gamit din ang malamig na boses. “Ano’ng ginawa niyo rito?”   Little by little, my breathing became heavy. Parang gusto kong manapak.   Ang laki-laki na kasi ng mga ‘to tapos mang-bu-bully ng gaya ni Tris na wala namang laban? Hindi p’wedeng gano’n. Kung hindi sila makakatikim, uulit-ulitin lang nila ‘yong pam-bu-bully sa iba.   “Hala. Bumalik ‘yong ate!” rinig ko ulit na paalala ng mataba sa kasama niya.   Bakas na bakas ang takot sa kanya. Sa payat na mukhang pinakamatanda naman sa kanila, pinipilit itago ang kaba. Kahit ganoon, nagawa ko pa ring makita ‘yon sa mga mata niya.   As I got closer to them, I noticed that the kid with them was holding a pencil. Doon ko nahanap ang sagot sa kung ano ang nasa braso ng kapatid ko.   Mas lalong napatagis ang panga ko sa inis. Nagpatuloy lang ako sa paglapit sa kanilang tatlo.   ‘Yong batang mukhang kaklase ni Tris, nagtago na sa likuran nila. May dalawang nakaparadang bike din sa tabi nila na sigurado akong sa kanila. Nakasabit kasi sa handlebar ng isa sa mga bike ang bag ng batang lalaki.   “‘Wag kayo matakot,” ani ng payatot kahit na siya mismo, mukhang takot din. “Babae lang ‘yan. Walang palag ‘yan.”   Imbes na kumalma ako dahil sa pagpipigil, mas nadagdagan pa tuloy dahil sa sinabi niya. Talagang nagpintig ang tainga ko sa narinig.   Babae lang?! Babae lang ah?   Tinaas ko ang sleeves ng suot kong sweatshirt hanggang sa braso ko. Pagtapos ay dali-dali na akong lumapit sa kanila.   “Tinatanong ko kayo, ‘di ba?!” Nilakasan ko talaga ang boses ko. Hindi na rin ako nagdalawang isip na sipain ang bike nilang nakaparada dahil sa iritasyon. Mabilis na tumumba ‘yon at gumawa ng malakas na tunog.   Punong-puno na ako e. Hindi ko na talaga napigilan.   Napasinghap ang tatlo sa ginawa ko. Nakapukaw na rin ako ng atensyon ng iba pang naghihintay ng susunduin nila pero wala na akong pakialam pa. Mukhang gulo rin naman kasi ang hanap nitong tatlong ‘to e.   “Bakit niyo inaano ‘yong kapatid ko? At ano ‘yang hawak mo?” tuon ko sa bata. “Gusto mo bang itusok ko rin ‘yan sa ‘yo?!”   Sobrang bilis ng mga salitang lumabas sa bibig ko. Malutong pati dahil sa galit. ‘Yon pa lang ang sinasabi ko, humagulhol na ‘yong bata.   Kaagad siyang inalu ng mataba at inilayo sa amin. Hinarang naman ako ng nagtatapang-tapangan kaninang patpat na tinubuan ng mukha.   “Ba’t mo inaaway kapatid namin?” tanong niya na tila ba ako pa ang nauna rito.   “Bakit?!” Mas tinaasan ko siya ng boses. Pinakatitigan ko pa siya mula ulo hanggang paa gamit ang nanlilisik kong tingin. “Gusto mo bang paiyakin din kitang depungal ka?!”   I bit my lower lip because of anger as I grabbed him by his collar.   “Sino’ng walang palag sa ‘tin ngayon?!” dagdag na sigaw ko pa sa kanya.   Nagkagulo na. Kating-kati na rin ang kamao kong manapak na siyang hindi ko pa nagawa noon pero biglang may umawat sa amin.   “Filch!” Someone pulled me away from the guy. When I glanced in his direction, I saw that it was Trick.   Epal din talaga ‘tong kupal na ‘to e!   “Ano ba! Bitawan mo ‘ko!” utos ko sa kanya pero hindi niya ginawa.   “Bakit? Ano’ng nangyari?” tanong niya habang inaawat ako sa pananapak sa lalaki.   “E ‘tong mga mukhang bisugo na ‘to e! Pinaiyak si Tris! Tinusok pa yata ng lapis!” Muli kong pinukulan ng nakamamatay na tingin ang payat na lalaki na wala ngayong masabi.   “Ano?” Naramdaman ko ang inis sa tono ni Trick. Kahit ganoon, hindi niya ako binitawan.   Instead, he called one of my brothers.   “Tres!” pagtawag niya sa kay Tres na ikinatango naman nito. ‘Yon lang ang sinabi niya pero mukhang nagkaintindihan na agad silang dalawa.   Lumapit din sa akin si Tres at niyakap ang isang binti ko para pigilan ako. Dahil sa ayaw kong masaktan si Tres, talagang tumigil ako sa kakapalag.   “Ate, tama na,” turan niya pa na siyang tuluyang nagpatigil sa akin.   Depungal naman, oo! Gusto ko pang turuan ng leksyon ‘yong tatlong ‘yon e!   Sa huli, tanging matalim na tingin na lang tuloy ang naibigay ko sa tatlo. Si Trick na ang humarap sa mga ‘yon.   “Totoo ba ‘yon, brad?” dinig kong kalmadong tanong ni Trick sa lalaki.   I was pissed with the way he dealt with that situation. Nakakainis ‘yong pagiging kalmado niya kahit na sinabi ko na ngang tinusok nga ng lapis si Tris.   And that was what happened. In the end, Trick talked to them calmly while Tres and Tris pulled me away from them.   I really have no idea how can Trickson do that: be calm at times like that. ‘Yong nakakakulo na ng dugo ang lahat pero kaya niya pa ring magpigil ng nararamdaman. Ako kasi, may hangganan ang kawalan ko ng pakialam sa lahat lalo na kung ‘yong mga importante sa ‘kin ang maaagrabyado.   “Kung bakit mo ba kasi ako pinigilang paiyakin ‘yong mga lalaking ‘yon e!” bungad na paghihimutok ko kay Trick noong tuluyan na nga kaming nakauwi sa bahay.   Ang init pa rin talaga ng ulo ko. Hindi man lang kasi ako nakaisang bangas doon sa mga ‘yon e.   Katatapos lang naming gamutin ang braso ni Tris. Buti na lang din at hindi naman nagkasugat. Bakas lang talaga ang pagbaon ng lapis doon.   Naireklamo na rin ni Trick sa guidance ng school ang batang gumawa noon sa kapatid ko. Bukas daw, ipapatawag ang magulang.   “Hindi naman kasi bagay,” sagot sa akin ng tukmol at tinuro pa nga ang suot ko ngayon. “‘Yang damit mo, “calm” ang nakasulat pero hindi ka kalmado.”   Dahil sa sinabi niya, roon ko lang naalala na “calm” nga naman ang nakasulat sa damit ko pero gusto kong makipag-basag-ulo kanina.   “Hindi mo kasi alam kung gaano kumulo ang dugo ko sa lalaking ‘yon kanina,” iritadong utas ko na lang at medyo tumaas na naman ang boses ko.   Kainis pa rin talaga! Sa tuwing naiisip ko, nanginginig ang kamao ko e.   “Ako rin, Filch. Gusto ko rin siyang sapakin. ‘Wag kang mag-alala.”   Nilingon ko si Trick para ngiwian.   “E ba’t ‘di mo ginawa? Masalita ka lang e. Puro ebas,” paggamit ko ng salitang natutuhan sa kambal na ibig sabihin ay ‘sabi’.   Gusto raw sapakin ni Trick pero noong may chance siya, nakipag-usap lang siya? Puro salita lang talaga ‘tong mongs na ‘to e. Kulang sa gawa!   Inabangan ko ang kung ano’ng idadahilan niya. Kaso nang sinabi niya na nga, medyo natigilan ako.   “Mom told me not to be like those people who I hate,” he uttered quietly, just enough for me to hear him. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD