Chapter 5

3407 Words
CHAPTER 5 Resilience   “Do you like it?” tanong sa akin ni Law nang pinakita niya sa akin ang biniling bike sa akin ni Mrs. Lauren.   It was a quicksilver-colored bike. Hindi talaga ako maalam sa mga bike pero mukhang mamahalin na agad ito. Sabi pa ni Law kanina, hybrid na bike daw ‘to.   Ni hindi ko maalis ang tingin ko sa bike dahil napakaangas nito. I couldn’t even stop myself from gaping because of excitement.   On its down tube, there was a word ‘Trek’ written on it, perhaps its logo. Kulay puti rin ang logo pero nangingibabaw pa rin ito.   “Akin ba ‘to?” paninigurado ko pa habang pinanonood nina Law at Trick ang reaksyon ko.   “Of course. It’s all yours.”   Hindi ko na nga napigilan ang sariling hawakan ang bike na binili sa akin. Matte ang texture ng kulay. May pa-ribbon pa ‘yon, simbolo na bago pa. Sa may gulong naman nito, may nakasulat pang ‘connection’.   “Mom wasn’t able to ask for your opinion about the bike you like but I hope you like it,” sambit pa ni Law dahilan para harapin ko siya. “I was the one who chose it for you.”   Pinakinggan ko lang ang sasabihin niya sandali.   “She was supposed to get the pink version of that but I stopped her. Sabi ko, medyo hindi yata ikaw ‘yong tipong mahilig sa mga gano’ng kulay,” pagkukuwento pa niya dahilan para mapangisi ako. “I tried to advise her to get a red or black color but she insisted to get a white bike. Baka raw kasi hindi mo magustuhan.”   Kahit na medyo bobo ‘tong si Law, pinapagana rin pala niya ang utak niya minsan.   He’s right though. I don’t really like girly colors. I prefer colors that look cool, mostly dark ones. Hindi ko rin alam kung bakit e. Mas gusto ko lang talaga ‘yong mga bagay na maaangas tingnan.   “Ayos lang. Maganda nga e.” Nginitian ko siya. “Nagustuhan ko.”   Even though quicksilver does not look that cool, it still gives me an elegant vibe. I love it.   Napansin ko ang tila pamamangha ni Trick sa ginawa ko. Nalipat tuloy ang tingin ko sa kanya. Kaagad kong pinawala ang ngiti ko dahil sa kanya.   Bakit ba nandito rin ‘tong mongs na ‘to?   “What?” reaksyon niya agad, wala pa man akong sinasabi, tila ba narinig niya ang tanong sa isip ko. “Magpapaturo din ako!”   Tingnan mo ‘to. Wala pa nga akong sinasabi, may dahilan na agad. Depungal talaga.   Sa huli, hindi ko na lang siya pinansin. Sunod na nilang ibinaba ang dalawa pa ngang bike na nasa likod ng dala nilang kulay asul na ranger raptor.   One was color blue and one was red. ‘Yong asul, halatang kabibili lang din; tinanggal lang ang ribbon. Kaparehong-kapareho noon ang sa akin ngunit iba lang ang kulay. Kay Trick siguro ito.   Ang pula naman, mukhang nagamit na nang ilang beses. Naisip ko tuloy na kay Law ‘yon.   Nandito kami, hindi kalayuan sa bahay namin. May alspalto ang daan dito kahit madalang daanan ng mga sasakyan dahil parang bundok nga ang lokasyon ng bahay namin. Ayos na rin dahil sa magagawa nga namin ang magkapag-practice ng bike nang hindi inaalala ang mga sasakyan.   I was wearing an army green-colored oversized shirt and black above-the-knee baggy shorts.   Simple lang din ang suot ng dalawa kong kasama. Parang mga nakapambahay lang din sila.   Law was wearing gray sports pants and a simple black shirt. Trick was in his navy-blue sweater tracksuit and shorts.   “Sorry if I brought my cousin without notice,” Law explained. “Hindi rin siya marunong mag-bike kaya gusto niyang sumabay. Pagpasiyensyahan mo na.”   Tumango na lang ako.   “Ayos lang.”   Ma-we-weird-uhan sana ako kung bakit hindi pa marunong mag-bike hanggang ngayon si Trick kaso para naman akong hipokrito no’n? E ako nga rin, hindi pa marunong.   At inumpisahan na nga namin ang pag-aaral ng bike. Medyo mataas ang binili sa aking bike. Kapag sumasampa ako ay hindi ko abot ang sahig. Kailangan pang itagilid o kaya ay bumaba sa upuan para lang makaapak ako sa lupa. Talagang mountain bike siya.   Dahil halos mas matangkad pa nga ako kay Trick, ganoon din ang sitwasyon niya. Ang pinagkaibahan lang namin, mas bakas ang takot sa mukha niya.   “I think this is too high. Ganito ba talaga ‘to, brad?” tanong niya sa kanyang pinsan na may kapansin-pansing kaba sa tono niya.   “Take it easy. We’ll adjust it,” sagot ni Law.   Ang bike ko na nga ang una naming pinagtuunan ng pansin. Pinasakay ako ulit ni Law sa bike ko.   “Check whether you can stand on your bike without the top tube pressing into you,” he ordered. Fortunately, with my height, the top tube was just in the right position.   Ganoon din ang ginawa ni Trick. Mukhang kahit sa height niya, ayos lang din ang top tube—top tube nga lang at hindi ang saddle.   For us to be able to reach the ground while sitting on the saddle of our bikes, Law adjusted it. Kaso ay kahit ang pinakamababa, hindi pa rin namin abot.   “Damn. Parang malaki nga yata ‘yong nabili. Do you guys want to pick other bikes?” he asked us. Sabay naman kaming sumagot ni Trick.   “Oo!”   “Ayos na ‘to sa ‘kin.”   Nagkatinginan tuloy kami ng tukmol dahil sa magkaiba naming sagot.   “Ayos? We’re newbies. It will be hard for us—” Hindi ko na pinatapos pa ang kaduwagan ng isa naming kasama.   “Bahala ka. Papalitan mo ‘yong iyo. Ang akin, ayos na,” kalmadong paninindigan ko.   Though I’ve never ridden a bike before, I’ve seen people riding it. Mayroon ngang mga bata lang pero kinakaya naman ang mga bike na mas mataas pa sa kanila. So, why can’t we? Duwag lang talaga yata ang mongs na kasama namin ngayon.   Sa huli, natahimik si Trick. Wala na rin siyang nagawa pa kung ‘di ang magtiis sa bike niya. Si Law naman ay napangisi na lang at napailing.   We continued what we were doing.   Law taught us that we should be able to comfortably reach the handlebars and brakes. He even taught us how to practice our grips on the brakes. Buti na lang din at ini-practice din namin ‘yon dahil medyo matigas pa talaga ang preno kapag bagong bili ang bike.   Next, we worked on our glide until we learned to stand up for three seconds. Nang magawa na namin ‘yon, doon na nga kami nag-umpisang mag-bike.   At first rides, Law held our saddles to guide us. Pinayuhan pa nga kaming tumingin lang sa malayo at ‘wag ituon ang pansin sa mga p’wedeng sagabal sa daan. After that, the next thing I knew was I was already riding my bike on my own, without Law’s help.   As for me, it was easy but for Trick, it was not. Mayroon pa ngang pangyayaring noong bigla siyang binitawan ng pinsan niya, kinabahan yata siya kaya nawala ang pokus niya. Gumaywang-gaywang ang manubela niya hanggang sa sumemplang siya.   I couldn’t help but laughed at his misfortune. Tinawanan na lang muna namin siya bago tinulungan. Nakakatawa kasi talaga. Kalalaking tao, duwag.   In the end, we finished our first day with him, having scars on his knee. Sumemplang din naman ako pero mas marami talaga ng kay Trick. Ang natamo ko lang tuloy ay gasgas.   Overall, I enjoyed it. Hindi ko pinagsisisihang bike ang pinabili ko kay Mrs. Lauren.     Pagtapos naming mapagod, nagyaya silang kumain. Hindi naman na naging problema sa akin ‘yon dahil medyo nakasanayan ko na rin silang kasama.   “Bra, better luck next time. Talo ka pa ni Filch,” pang-aasar ni Law habang kumakain kaming tatlo sa restaurant na pinuntahan namin sa loob ng mall.   Napangisi ako. Si Trick naman, napasimangot na lang.   “It’s your fault. You let go of me without telling,” pagdadahilan naman niya. Hindi ko na tuloy naiwasang sumabat.   “Hindi. Duwag ka lang talaga,” pang-aasar ko pa dahilan para mas lalo pa siyang ma-bad trip. Nakitawa naman sa akin si Law.   In the end, they brought me home too after eating. Binilihan pa nga nila ng pasalubong sina Nanay at ang kambal.   “Salamat ulit, Law,” pasasalamat ko kay Law.   He then winked at me. Mahilig talaga siyang mangindat.   “No prob,” aniya. “If you became used to the basics, let’s try trail biking too.”   Tinanguan ko ‘yon. Hindi talaga siya mahirap makasundo lalo na’t mukhang pareho naming gusto ang thrill sa mga bagay-bagay.   Kaso si Trick talaga, parang kabado lagi.   “Law, that’s dangerous,” tutol niya sa pinsan niya.   “Kaya nga kapag sanay na lang siya,” pagdadahilan naman ni Law.   Sumabat na tuloy ako.   “Gusto ko ‘yon. Kung takot ka, Trick, ‘wag ka nang sumama.”   Because of what I said, Trick looked at me with his meaningful gaze. Napataas ang isa kong kilay dahil doon.   Sa huli, bumuntonghininga na lang siya.   “Alright. Kung ano’ng gusto mo,” pagsuko niya.   Before they left, they asked for my contact number. Dahil tinapon ko na ang ganoon ko noon, wala akong naibigay. Tinanong na lang nila ang account ko raw sa social media.   I didn’t want to open my old accounts because Mama might use them to find me so I told them I don’t have one. Gumawa na lang ako ng f*******: account na siyang wala ako noon.   Kagagawa ko pa lang, na-add na agad ako ng dalawang del Grico. Isang Law del Grico at isang Trickson Dreyse. In-accept ko na lang sila agad.   Right after that, Trick added me to some group chats, all related to our class. Dahil tuloy roon, may mga kaklase na rin akong nag-send ng friend requests.   Bago ko pa mapagtuunan ng pansin ang mga ‘yon, may natanggap na akong message mula kay Trick. Binasa ko agad ang chat niya.   Trickson Dreyse: Are you going to use your bike to go to school tomorrow?   Iyon agad ang tanong niya sa akin. Nangunot ang noo ko.   Hanggang ngayon yata, iniisip niya ang pagba-bike naming tatlo kanina.   Ito na naman siya sa pagiging pakialamero niya. Kahit ganoon, sinagot ko na lang din siya.   Me: Oo.   Ano ba naman kasing klaseng tanong ‘yon? E halatang-halata naman ‘yong sagot? Hindi talaga nag-iisip.   E kaya nga ako nagpabili ng bike para may magamit papuntang school. Tsk.   Trickson Dreyse: Isn’t it dangerous? You’re still a beginner.   Kahit kailan, hindi yata talaga magkakasundo ang paraan namin mag-isip.   Me: Paano matututo kung hindi gagamitin? Tanga ka?   Iyon na lang tuloy ang sinabi ko. Ni hindi ko na naman napigilang laitin siya dahil sa mga sinasabi niya.   Trickson Dreyse: I’m serious, Filch.   Me: Seryoso rin ako. Kung ako sayo, hindi na ako mangingialam pa sa gusto ng ibang tao.   Parang masyado naman siyang entitled para pigilan ako sa gusto kong gawin. Sa inis ko, nag-log out na lang agad ako.   Nag-bike-bike pa ako sa labas ng bahay namin para masanay at hindi na matakot bukas kapag nag-bike sa kalsada. Pagod tuloy ako at napalalim ang tulog.   “Filch, bumangon ka na r’yan ah,” dinig kong utos sa akin ni Nanay Tere kinaumagahan. “Tanghali na. Baka mahuli ka pa sa klase niyo. Ihahatid ko lang ang mga kapatid mo sa eskwela.”   “Ojo,” awtomatikong sagot ko na lang kahit na halos hindi nga yata nagproseso sa isip ko ang bilin niya sa akin.   Nang sinilip ko ang orasan sa tabi ng kama ko at nakitang medyo maaga pa naman, naisipan kong umidlip sandali. Naalimpungatan na lang ako nang may tumawag ulit sa akin.   “Filch!”   Napagalaw ako sa hinihigaan nang may marinig na tumatawag ulit sa akin. Idagdag pa ang tunog na tila may kumakatok sa bintana ng kuwarto ko.   Akala ko si Nanay lang ang tumatawag sa akin kaso bigla na lang akong tinawag sa buo kong pangalan.   “Filchesa!”   Isang tawag pa sa akin, natauhan na akong hindi kay Nanay Tere ang boses na ‘yon.   Mabilisan kong dinilat ang mga mata ko. Agad iyong napadpad sa may bintana ng kuwarto ko kung saan may kumakatok na lalaki. Literal na napabangon ako agad sa kaba.   Gago?   Ilang segundo pa ang kinailangan ng utak ko para naiprosesong si Trick naman pala ang nambubulabog sa akin.   Depungal nga naman, oo!   “Ano’ng ginagawa mo r’yan, Trickson Dreyse?!” Talagang na-highblood ako dahil sa nakita. Kaagad akong lumapit sa bintana para pagbuksan siya ng bintana at para na rin ma-pektusan.   “Nababaliw ka na ba?!” bungad ko sa kanya nang mabuksan ko na nga ang bintana ko. Siya naman, nanatiling nasa bubungan namin.   Mukha pa ngang nakahinga nang maluwag ang tukmol.   “I thought you had a nightmare,” he uttered with a hint of relief in his voice.   “Huh?!” Ano bang trip niya sa buhay? Ang laging inisin ako?!   “I was calling you for almost half an hour now!” Pati siya, inis din pala sa akin. Medyo tumaas ang boses niya. “Ngayon ka lang nagising. Akala ko, kung ano nang nangyari sa ‘yo.”   “E bakit ka muna nandiyang tukmol ka? Nababaliw ka na ba?!”   Naku! Ang aga-aga, umiinit ang ulo ko!   “I thought no one was home until I saw your bike,” pagpapatuloy pa niya, binalewala ang sinabi ko. “Sabi rin ni Law, wala ka pa sa room kaya naisip kong nandito ka pa. I kept calling you but no one was answering me.  So, I climbed up your window to check on you.”   Sunod-sunod ang pananalita niya, animo’y nagmamadali. Mas lalo pa akong na-stress dahil doon.   I tried to calm down. Ayaw kong masira ang buong umaga dahil sa tukmol na kaharap ko ngayon. So, I took deep breaths. When I was ready, I talked to Trick calmly.   “Hindi kita maintindihan,” mas mahinahon nang sambit ko. “Dahan-dahanin mo nga pananalita mo. Para kang rapper.”   “Nah. Nevermind.”   Pinipilit kong maging kalmado pero mukhang sinusubukan talaga ako ng del Gricong kaharap ko.   “Huh?!” Napataas na naman tuloy ang boses ko. “Bumaba ka nga muna r’yan! Sisirain mo yata ‘yong bubong namin e!”   Hindi ako mabilis mainis pero kapag itong mongs na ‘to ang nandi-demonyo, bumibilis talaga e.   Fortunately, he followed me instantly. Umalis siya sa bubungan namin at pumasok na lang sa kuwarto ko.   As soon as he got in, he wandered his eyes around. Sigurado naman akong wala siyang makikitang interesado dahil hindi naman ako nagdi-disenyo ng kuwarto ko.   He was also wearing our uniform already, as if he was ready to go to school. Naamoy ko na nga rin ang pabango niyang gustong-gusto ko.   Ipinagsawalang bahala ko ‘yon dahil sa mas interesado akong malaman kung ano’ng ginagawa niya rito sa bahay at kung bakit para siyang engkanto kanina.   “Ulitin mo ‘yong sinabi mo kanina. Hindi ko naintindihan,” malamig na utos ko sa kanya.   He faced me.   “I said—” Magsasalita pa lang siya, kaagad ko na muna siyang pinatigil.   “‘Wag ka na ngang mag-English. Naiirita ako.”   Lumayo nga ako sa amin dahil ayaw kong naliligiran ng mga taong ganoon, tapos ganito na naman. Kairita.   Tinikom tuloy ni Trick ang bibig niya. Pinasadahan ko ng daliri ko ang aking magulong buhok gawa ng kababangon ko lang. Pagkatapos ay tinanong ko na nga ulit ang tukmol na kaharap ko.   “Bakit ka nandito?”   “Sinundo kita.” Sinunod niya na nga ang utos ko. Nagtagalog na nga ang tukmol.     My eyes narrowed, suspicious of what he said.   “At bakit?”   “Para may kasabay ka.” Tumungo siya sa may bintana ulit ng kuwarto ko at sumandal doon. “Sabi ko nga kasi sa ‘yo ‘di ba, delikado pang mag-bike?”   I crossed my arms as my eyebrow rose. Sinundan siya ng mga mata ko.   “Kahit na sunduin mo pa ‘ko, magba-bike pa rin ako papuntang school—” Hindi pa man ako tapos sa sinasabi, kaagad na siyang sumabat.   “Oo nga. Magba-bike tayo.”   “Huh?” Napakagulo naman talaga ng mongs na ‘to, oo!   “Naka-bike akong pumunta rito para sabayan kang pumasok.”   Rumahas ang gitla sa pagitan ng mga kilay ko.   “Ang gulo mo rin e ‘no. Sabi mo, delikado? Tapos ikaw pa pala ‘tong nag-bike mula sa inyo patungo rito para lang sabayan akong pumasok sa school?” sunod-sunod na sambit ko dahilan para matagalan siyang makapag-isip ng madadahilan.   Sa huli, napaiwas na lang siya ng tingin sa akin. Napansin ko rin ang pamumula ng tainga niya.   I sighed.   Ayaw kong mag-isip, ang aga-aga e.   “Oh? Tapos?” pagtatanong ko na lang ulit. “Bakit ka nasa bintana ng kuwarto ko, aber?”   With my question, his irritation towards me came back.   “Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka sumasagot.” Kahit na pinigilan niyang lumakas ang boses niya, dumaan pa rin ang inis sa tono niya.   “Oh? Ba’t parang galit ka?” sita ko tuloy.   Bakit parang kasalanan ko pa? E wala naman kaming usapan na magsasabay pumasok?   “Wala,” pag-iinarte niya na daig pa ang babae.   “Parang tanga. Ano nga?!”   Nakakaubos talaga ng pasiyensya ‘tong mongs na ‘to e!   Buti na lang din talaga, mabilis siyang sumunod. Agaran pa man din ang pag-init ng ulo ko nang dahil sa kanya.   Wala rin siyang nagawa kung ‘di ang ipaliwanag sa ‘kin kung bakit ba siya inis sa akin kanina.   “I thought something happened to you so I climbed up to your window to check you. Tagal mo kasing magising e.” Humina ang boses niya.   ‘Yon lang?! Kung makapag-inaso siya riyan, akala ko kung ano na!   Magagalit na sana ako kaso ay may pahabol pa siyang bulong na narinig ko naman.   “Akala ko, binangungot ka na,” aniya na pumigil sa pagsabog ko.   For the nth time, his adorable amber eyes avoided my gaze. Medyo nakasimangot pa siya na animo’y hindi talaga nagustuhan ang kanina.   Somehow, I felt his genuine care. Unti-unting kumalma ang nakakunot kong noo hanggang sa maayos ko na lang siyang sinagot.   “Nakatulog ako,” ani ko.   Sandali pa siyang tumahik pero sa huli, sumagot din siya.   “Nakatatakot ka namang matulog. Tulog mantika,” utas niya na parang may sama pa ng loob. “Late na tuloy tayo.”   Dahil sa huling sinabi niya, roon ko naalala kung ano ang nakalilimutan ko. Talagang nanlaki ang mga mata ko dahil doon at nataranta.   “Oo nga pala!”   May pasok pala kami! Kaya pala naka-uniporme na ‘tong tukmol na ‘to!   Ang sabi ko pa naman kanina, iidlip lang ako sandali. Hayop na idlip ‘yan! Ilang oras pala!   Nagmadali na nga akong mag-ayos. Hindi na rin ako naligo pa at nagpalit na lang ng damit at nag-toothbrush. Ni kumain, pinalipas ko na rin muna.   Sa labas, hinintay nga ako ni Trick. Kahit na late na late na kami, sinabayan niya pa rin talaga ako. Wala na lang akong nasabi patungkol doon.   We rode our bikes to go to school. Medyo nairita pa nga ako sa kanya dahil sa bagal niya sa pagpedal.   “Tagal mo naman. Kalalaki mong tao e!” Hindi ko na naiwasang sambitin ‘yon habang pinangungunahan ang daan namin papuntang Arquero.   “Maraming sasakyan. Mahirap na,” aniya na lang, hindi naasar sa mga sinabi ko. Pokus lang talaga siya sa daan.   “Takot.” Napangisi tuloy ako. Parang nakakapanibagong siya ang iritado sa amin ngayon. “Ang sabihin mo, hanggang ngayon, hindi ka pa rin sanay.”   “Oo na. Focus sa daan, Filch.”   Napailing na lang ako at sinunod na lang din ang sinabi niya. Kahit ganoon, doon ko medyo naintindihan ang utak niyang pang-tukmol.   Beyond his cowardice lies his genuine care.   Mula ng araw na ‘yon, sabay na kaming pumapasok araw-araw. Gaano man kagaspang ang ugali ko, nakaya niya ‘yong sabayan.   At that moment, I saw his resilience to things—to me, especially. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD