10

1910 Words
Chylee POV "Ano ba 'yung iku-kwento mo sa'ken, Shan?" Umayos ako ng pagkakaupo sa kama ko. Nakaupo rin dito si Shanice. Dito kase siya tutulog ngayong gabi. "Ah, about sa'ken, Chy." Sagot niya. She looks uneasy. Parang mukha siyang kinakabahan. Parang nadudumi, ganon. Kakatapos ko nga lang pala maligo at magpalit ng pantulog. Ganon din si Shanice. May dala naman siyang spare clothes eh. "Anong about sa'yo, Shan? Kwento mo na dali. Pa-intense naman!" Naiinip na ako. May itatanong pa kase ako sa kanya. Yung tungkol sa kanila ng ka-kambal ko. Umayos siya ng upo at huminga ng malalim. "K-kami ni Skyler.." "OMG! Kayo ni Sky? Boyfriend mo siya? Girlfriend ka nya? Paanong nangyari 'yun?" Gulat na gulat na tanong ko. "Easy, Chy. Mali ka ng pagkakaintindi. Hindi kami. Hindi niya ako girlfriend at hindi ko siya boyfriend." Kumunot ang noo ko. "Then what? Anong kayo? Anong meron sa inyo? Kase sa totoo lang, Shan. Napapansin ko talaga eh. I smell something horsey.." "Chy. We're good friends. But, I'm inlove with your twin brother." Loading.. "You're. Inlove. With. Sky?" Slow-motion kong tanong. Tumango siya. "Since the day na naging mag-bestfriends tayo." Lalong kumunot ang noo ko. "Wait, ang gulo Shanice. Paano 'yun? I mean, ako naman ang lagi mong kasama eh. Paanong na-inlove ka kay Sky?" "Sa gabi madalas akong tumatambay sa bar malapit dito sa SWU. Dun ko unang nakilala si Sky. And there after that, every nandon siya, we talked, we drink, we..you know, we make out. Kahit nung nasa US kayo, nagkikita kami minsan. Nagbo-bonding.." Naitakip ko ang palad ko sa bibig ko. Make out? Sila ni Sky? Parang 'di ako makapaniwala. "Paanong..ang gulo. Ang gulo, Shan." "Chy. Siguro martir na ako pero mahal ko si Sky. Kahit alam kong si Riana ang mahal niya, okay lang saken. Basta we'll stick to each other as friends. Kahit..kahit we kissed, we hug, we.." Lalong nanlaki ang mata ko. "Don't tell me.." Tumango siya na parang na-gets niya yung sinasabi ko. "Yes Chy. Kung anuman ang iniisip mo, tama ka." "What? No..bakit? Hindi eh! Hindi ka ganon, Shan!" "Akala mo lang hindi, Chy pero ganon ako. Nagpapaka-martir ako kay Skyler." Hindi ko napigilang maggilid ang luha ko. "Shan, ilang beses mong pinamukha sa'ken na mali na nagpaka-martir ako kay Miko tapos ikaw.." "Sorry, Chy. Pero totoo nga yata ang kasabihang, ang taong magaling mag-advise, pagdating sa sarili, nganga na. Masarap mahalin si Sky. Hindi niya ako tinataboy Chy. He's been good to me." Huminga ako ng malalim. Parang hindi kayang tanggapin ng sistema ko ang sinabi ni Shanice. "Shan, no. Totoo talaga? Totoo bang may nangyari na sa inyo ni Sky? Nag-chukchakan na kayo?" Ngumisi siya. "God, Chy! Drama na natin oh tapos bigla kang magpapatawa. Chukchakan ka dyan! San mo napulot ang word na 'yan? Psh. Sabi ko nga, oo." Psh. Narinig ko lang 'yun sa katulong namin nung nagtsi-tsismisan sila ng isang katulong. "Pero Shan.." "Chylee.." "Hindi ko matanggap. Kaibigan kita. Bestfriend pa nga. Ayokong second choice ka lang. Ayokong magpaka-martir ka kay Sky kase alam ko 'yung pakiramdam. Masasaktan kalang." "I know, Chylee. At ready naman ako sa heartaches. Simula palang tanggap ko ng si Riana ang mahal ni Sky. Kaya wag kang mag-alala sa'ken. Gusto ko lang talaga na malaman mo dahil ayokong maglihim sa'yo." Sabagay. Wala naman kase akong magagawa. I've been there. Alam ko ang pakiramdam kaya 'di ko masisisi si Shanice. Ang di ko lang talaga matanggap ay may nangyari na sa kanila. So..Sky is not a virgin anymore? Waaa! Lagot saken si Skyler! "Pero Shanice hanggang kelan ka magtitiis? Hanggang kelan ka mananatili sa tabi ni Sky?" "Hanggang sabihin niya sa'ken na tumigil na ako. Titigil ako." I sigh. Mahal nga ni Shan si Sky. Kung iisipin, mas boto ako kay Shan kesa kay Riana. Di naman kase kami super close ni Riana. Isa pa, may galit na ako sa kanya, bata palang kami kaya ang bigat ng loob ko sa kanya hanggang ngayon. Hinawakan ko ang kamay niya. "Shanice.." "Hay nako, Chy. Yang tingin na 'yan, alam ko. Wag kang maawa sa'ken. Masaya naman ako eh dahil friends kami ni Skyler. "Friends with benefits?" Tanong ko. Parang ganon kase ang set-up nila. Di naman sila pero nagki-kiss sila and more. "Parang ganon na nga but we know our limitation. Hindi na naulit 'yung nangyari sa'men. Hanggang make-out nalang kami ng ka-kambal mo." Nasapo ko ang noo ko. "At okay lang sa'yo 'yun? Naku, kakausapin ko 'yang kakambal ko! Aish. Mali ang ginagawa nyo eh." "Kahit kelan hindi naging mali ang magmahal." Sabi nya. Sumimangot ako. "Hindi yun. Yung paglalandian nyo ni Sky, mali 'yun!" "Eh...mahal ko. Kaya ayun." I rolled my eyes. As if nga naman. Syempre 'pag mahal mo ang isang tao, gagawa ka ng kahit anong way for them. "Shan better stop it now." "No. I don't want to stop. Titigil lang ako kapag sila na ni Riana." Geez. Ang tigas ng ulo ng bestfriend ko. Nagulat ako sa mga nalaman ko pero hindi naman mabigat ang loob ko. Si Shanice lang talaga ang inaalala ko. Masasaktan lang siya eh. Kakausapin ko nga si Sky about dito. "Hay. Bahala ka nga, Shan. Wala naman akong mai-payo sa'yo kundi ang tigilan na 'yang affair nyo ni Sky." "Hindi affair 'yun. We're friends." "Ganun na din 'yun kase nag-a-ano kayo." "Oo na, Chy. At least gumaan na ang loob ko ngayon na alam mo na." I sighed. "Pero, Shan. Kung may nangyari na sa inyo, hindi ka nabuntis? I mean..kasi.." "E'di sana may baby na ako ngayon? Wala. Hindi ako nabuntis." "Mabuti naman. Kase, Shan mahal talaga ni Skyler si Riana kahit bata palang kami. Kaya alam ko na sa huli, ikaw ang masasaktan. Tumango siya. "Tulad ng sabi ko, alam ko at handa ako. So don't worry about me, Chy. Thanks for listening." Ngumiti ako. "Okay. Basta 'wag na ulit kayo mag-a-anuhan ni Sky." "Oo na! Isang beses lang nangyari 'yun then the rest, make out sessions nalang." Nahiga na ako. "Psh. Kahit na. Matulog na nga tayo. Napapapikit na mata ko eh." "Okay. Goodnight, Chy. Thank you ulit dahil hindi ka nagalit or what sa akin." "No problem. Goodnight, Shan." Napikit na ako hanggang sa 'di ko na namalayang nakatulog na ako. -- The next morning.. Paggising ko, wala na si Shanice sa tabi ko. I checked my phone at ayun nga, may text siya. Umuwi na daw siya. Ten na pala ng umaga. Naalala ko 'yung kwento nya kagabi. Sila ni Sky.. Aish! Kakausapin ko talaga si Sky about dun pati pala dun sa nangyari kagabi. Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba ng salas kung saan naabutan ko si Enzo na kumakain ng pakwan habang nanonood ng TV. Like a boss ah. "Ate goodmorning!" Bati niya. "Goodmorning din. Sina Mom? Nag-breakfast ka na?" Tumango siya saka kumagat muna sa pakwan niya. "Yes nag-breakfast na kami kanina pa. Si Mom nasa SWU, si Dad nasa company na kasama si Kuya Sky. Then si Renzo nasa banyo nagse-selfie at si Kenzo naglalaro ng xbox sa kwarto niya." Wow. Complete detail. "So wala ba kayong pasok, triplets?" Naupo muna ako sa sofa. "Wala, Ate. Practice lang kami ng basketball. Nuod ka bukas, Ate! Please?" Pa-cute na sabi niya. "Asus. So kasali pala kayo sa basketball team ng SWU?" Tanong ko. "Oo, Ate. SWU Wolf." "SWU Wolf?" "Oo. Name ng team namin. Wolf kami, Ate. Junior eh. Pag senior, tigers na." Ganun pala 'yun? Magkaiba ang junior at senior. Sa SWU lang yata ang ganon. "Sinong mga kasama mo sa team?" "Si Kenzo at Renzo. Pati si Rance Abellano. Saka iba pa, Ate. Kaya manood ka. "Kelan 'yun?" "Bukas na, Ate. Please nood ka? Punta ka sa SWU." Pilit niya. Ano bang masama sa panonood ng basketball game ng mga kapatid ko? Saka gusto ko din talagang bumawi sa kanila. Maka-bond man lang. "Sige, manonood ako bukas." "Yes! Thanks, Ate. Dalhan mo ako bukas ng pakwan ah?" Nag-poker-face ako. "Hanggang ngayon ba, pakwan pa din? Hindi ka nag-a-upgrade man lang sa..apple, o kaya sa strawberry. Ganon." "No, Ate. I love pakwan. Pakwan is my first love. Hindi ko 'yan kayang palitan ng basta basta." Ang drama ng kapatid ko. Jusko! Mukhang pakwan na eh. "O siya, sige. Magbe-breakfast na ako." "Okay, Ate. Eatwell! Basta bukas." "Oo na." Nag-martsa na ako papuntang kusina at nagpahanda ng pagkain sa katulong. Naupo ako sa dining table. Habang naghihintay ng pagkain, di ko maiwasang maalala 'yung pag-uusap na nangyari sa pagitan namin ni Miko kagabi. He's inlove with me.. Bakit ngayon pa? Ngayon pa na nagmove-on na ako? Ngayon pa na nagbago na ako at hindi na ako 'yung Chylee na tulad dati. 'Yung childish, yung naghahabol, yung hindi nahihiya sa sasabihin ng iba, yung sanay sa rejections.. Iba na ako. I changed for the better. And wala akong balak na isugal muli ang puso ko kay Miko. -- Miko POV Fvck! Hindi ako mapakali. I want to see Hera. Gusto ko sana siyang puntahan pero may practice kami ng basketball mamaya. Kasali ako sa SWU tigers. Seniors na kami. Ang astig lang sa gym ng school. May malaking portrait doon. Picture ng dating Tigers. Syempre, sina Dad 'yun. Tch. Paano ko ba kokontakin si Hera? Ni hindi ko din alam ang number niya. Fvck! Umakyat ako sa taas. Kumatok ako sa kwarto ni Reiko na agad din namang nagbukas. "Yes, Kuya Miko?" Napakamot ako sa ulo ko. "A-ah, ano. M-may number ka ba ni Hera?" "Hera?" "Si Chylee. Chylee Hera." Natahimik siya. Nakatingin lang sa'ken. Parang sinusuri ang mukha ko. "Okay kalang, Kuya? Hindi ka naman naka-drugs or what?" "Tch. Ano bang sinasabi mo Reiko? Just give me her fvcking number." She rolled her eyes. "Fine. Wait. Isusulat ko. Psh. Demanding! Nagtataka lang naman ako kung bakit kinuha mo number ni Ate Chylee." Sabi nya saka pumasok ulit sa kwarto nya. "Tch." Nanatili lang akong nakatayo dito sa may pinto. Maya-maya ay lumabas ulit siya at inabot saken ang isang kulay pink na papel. Tiningnan ko. May nakasulat na number. "Landline number 'yan ni Ate Chylee sa mismong kwarto niya. Ayokong ibigay sa'yo ang cellphone number niya ng walang pahintulot niya eh. So 'yan nalang muna ha, Kuya?" "Tch. Fine." Sagot ko saka ako pumasok sa kwarto ko dito lang sa tabi ng kwarto ni Reiko. Naupo ako sa couch ko at inabot ang phone. Nag-dial ako ng number na nasa papel. Okay. It's ringing.. "Goodmorning! Jollibee delivery!" Nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses sa kabilang linya. Jollibee? "Hera?" "Yes, Sir. Ano pong orders nila?" The fvck? Tiningnan ko ulit 'yung papel na bigay ni Reiko. 87000 Tama naman ang pinindot kong number kanina. "Hello, Sir?" "Wait. Si Hera? Where's Hera?!" "Ah, sorry po sir. Di po kami hanapan ng nawawalang tao. Jollibee delivery po ito. 87000 hotline namin." FVCK! 87000..jollibee? Ah, s**t! "Okay. Sorry. Wrong number." Sabi ko saka ibinaba ang phone. Lumabas ako ng kwarto ko. "PRINCESS REIKO HAYASHI ABELLANO!" Sigaw ko. Bumukas ang pinto niya. Ngiting-ngiti siya. "Haha! Jollibee delivery! I'm sorry, Kuya! Pero never kong ibibigay ang number ni Ate Chylee! Hater mo ako 'no! Chynix shipper kaya ako poreber. Mas bet ko si Kuya Phoenix. Tse!" Kasunod niyon ang pagsara ng pinto niya. What the fvck? Kapatid ko ba talaga 'yan? Fvck! Paano ako magkakaroon ng number ni Hera? Paano ako gagawa ng effort kung contacts niya lang 'di ko pa alam? Tch! Hell.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD