Miko POV
Pagdating na pagdating ko dito sa SWU, diretso kaagad ako sa gym hindi para mag-practice agad kundi dahil may kailangan ako don. Tch.
"Hi Miko!"
"Miko, free kaba later?"
"Prince Miko, I have lunch for you."
Tch. Badtrip. Mga fangirls daw sila accorfing to them. Di ko nalang pinapansin. Minsan lang 'pag gusto kong makipag-flirt.
Pagpasok ko sa gym, iginala ko agad ang paningin ko. Nagpa-practice na ang juniors--Shin-Woo University Wolf o SWU Wolf.
Kitang kita ko agad ang kapatid ko pati ang Shin-woo triplets. Lumapit ako sa may bench nila. Nakaupo si Renzo na nagse-selfie kahit pawis na pawis.
"Yow! Kuya Miko!" Bati nya.
"Yow. May load ka ba? Pa-text nga." Pagsisinungaling ko. Dahil ang totoo. May hidden agenda ako kaya kelangan kong mahiram ang phone niya.
Kumunot ang noo niya. Magsasalita pa sana siya nang sumingit si Kenzo.
"According to what I've heard, nasa top 2 pa rin ang Abellano-Hayashi Corporation sa ranking ng pinakamayaman dito sa Pilipinas. Tapos wala kang load? Diba naka-prepaid plan ka tulad ni Rance?" Tanong ni Kenzo.
Fvck. He's right. Naka-prepaid plan ako, kami ng mga kapatid ko even sina Mom and Dad. At pati ang mga Shin-woo naka-prepaid plan. Hindi uso samen ang magpaload sa tindahan o loading station.
"Anong nangyayari?" Pakiki-usyoso ni Rance--kapatid ko.
"Rance, naghihirap na pala ang Kuya mo. Walang load eh. Nakiki-text sa'ken." Sabi ni Renzo.
Fvck. Nagpoker-face ako. Di ako naghihirap at lalong hindi totoong wala akong load. Ginagawa ko lang 'to dahil gusto kong makuha ang number ni Hera. s**t!
Inabot ni Rance ang phone nya sa'ken. "Kuya oh. You can use my phone. Hindi pa naman ako naghihirap. Wahaha!"
Tch! Pasalamat 'to kapatid ko. Pero fvck! May number ba siya ni Hera? Alam ko wala. Si Reiko lang ang merong number nya sa mga kapatid ko.
"Never mind. Di ko na pala kailangan." Sabi ko saka sila tinalikuran.
Badtrip! Paano ko kukunin ang number ni Hera? Kay Sky kaya? Baka masuntok pa ako nun. Aha! Alam ko na.
Dali-dali akong lumabas ng gym saka pumunta ng cafeteria. Pumunta ako sa fruit section saka bumili ng pakwan.
Pagkabili ko ay bumalik ako sa gym kung saan nagpapahinga ang mga nagpa-practice. Nilapitan ko si Enzo na nakaupo sa flooring sa gilid habang nakasandal sa pader. Pawis na pawis. Halatang kakatapos lang mag-practice.
"Yo, Enzo!" Bati ko.
"Oh, Kuya Miko. Wala kayong practice? Wala ka pang kapawis-pawis ah." Sabi nya.
Naupo ako sa flooring sa tabi nya. "Maya maya pa. Pwede bang pahiram sandali ng phone mo?" Tanong ko.
"Bakit? Anong gagawin mo sa p--oo ba! Kuya Miko talaga. Ayan, free to use it."
Gusto kong humagalpak ng tawa. Habang nagsasalita kase siya ay pinakita ko ang hawak kong pakwan na binili ko sa cafeteria. Talino ko talaga. Tch. Pakwan monster 'tong kapatid ni Hera eh.
Habang busy na sya sa pakwan, kinalikot ko na ang cellphone niya. Nagpunta ako sa contacts. Ano kayang pangalan ni Hera dito?
Scroll..
Ate Chylee
+639069876543
Ayos. Fvck. Send contact to Kuya Miko. Done! May number na ako ni Hera.
"Enzo, thanks. Oh. Una na ako. Magpa-practice pa ako."
"Sige Kuya Miko. Salamat sa pakwan." Sigaw niya.
Tumango nalang ako umalis na. Magpapalit na akong jersey para mag-practice.
-
Chylee POV
"That's it?" Tanong ni Daddy matapos akong mag-speech sa harap niya dito mismo sa office of the CEO. Sa kompanya namin.
Tumango ako. Katabi ko si Phoenix. May proposal kase kami kay Daddy at sana pumayag. Gusto ko kaseng mag-business eh. Wala sa kompanya ang puso ko.
"What do you think, dad?" Tanong ko.
Sumandal si Daddy sa swivel chair niya. Kitang kita ang pangalan na nakapatong sa malaking mesa niya.
KYLE SHIN-WOO
CEO
Kinakabahan ako. I know naman na spoiled ako kay Daddy pero di ko alam kung hanggang ngayon kase hindi na ako bata tulad dati na pag sinabing gusto ko nito, ibibigay ni Dad.
"So gusto mong mag-franchise, or let's say magkaroon ng sariling branch ng jollibee?"
Ngumiti ako at tumango. "Yes, Dad!"
"Saan mo naisip na ipatayo ang branch mo kung sakali?"
"Sa may SWU Dad. Ang iniisip ko po kasi is 'yung profit. Since ang mga students ay mahilig kumain sa mga fastfood, sa tingin ko po ay siguradong dudumugin ang Jollibee dun. Unlike before Daddy nung student pa ako, pumupunta pa ako ng mall para makakain sa jollibee. Mas malapit, mas better."
Tumango-tango si Dad. Sana naman pumayag. I really want to do this business. Yung sariling branch ng jollibee tapos ako 'yung owner at manager--kami ni Phoenix.
"When did you want to start the business?"
Nanlaki ang mata ko. So it means, payag na si Dad? "As soon as possible Dad."
"Okay, baby. Pwede ka ng maghanap ng exact location and pwesto. Ako na ang bahalang kumausap sa owner ng jollibee about this then I'll tell you kapag ayos na."
Waaa! Okay na. Pumayag na si Dad! Yumakap ako kay Dad. "Thank you Daddy!"
"For your happiness, baby." Nakangiting sagot niya.
Napatingin ako kay Phoenix. Nakangiti lang siya habang nakaupo sa couch.
"Okay, aalis na kami Dad to check the location." Paalam ko.
Maghahanap kami ng bakante sa malapit sa SWU. Naisip ko na hanapin ay buo na yung pinakaparang bahay. Para mas mapabilis na.
"Okay. Ingat kayo. Phoenix." Sabi ni Daddy at sumenyas kay Phoenix.
"Thanks Tito." Sabi ni Phoenix.
Lumabas na kami ng office niya at halos mapatalon talaga ako sa tuwa.
"Pumayag sya! Pumayag sya!"
"Narinig ko, Chylee. Matutupad na ang pangarap mong magkaroon ng sariling branch ng jollibee." Sabi ni Phoenix habang pasakay kami ng elevator.
"Yes and I'm thankful na si Daddy na rin ang mag-aasikaso non. Yes talaga!"
Inakbayan ako ni Phoenix. "Mas yes kapag naging tayo na." Kumindat pa sya pagkasabi nyon.
Tiningnan ko sya ng masama. "Psh."
"Wahaha!" Tawa niya.
Hay! Masaya ako ngayon sobra! Bata palang ako inlove na talaga ako kay Jollibee eh. Kaya ngayong malaki na ako at na-realize ko ng di pala kami pwede, at least man lang, magkaroon ako ng business na magpapaalala lage saken kay jollibee--ang aking first love.
--
Nakakapagod din maghanap ng pwesto pero at least nakahanap na kami. Halos tapat lang ng SWU. So lagi na akong andito kapag nagawa na ang jollibee branch ko?
"Chylee tara coffee muna." Yaya ni Phoenix.
May coffee shop sa may labas lang ng SWU. Katabi lang kaya tumawid kami ni Phoenix.
Pagpasok namin dito sa coffee shop, may ilan ilan ring mga students ng SWU. Naupo ako sa may bandang gilid.
"What do you want?"
"Capuccino." Matipid na sagot ko.
"Okay magdagdag nalang ako ng kahit anong food. Hindi pwedeng magkape kalang. Tch."
Si Phoenix talaga. Alaga niya ako pati sa pagkain nung nasa US kami eh. Ayaw na ayaw nyang papalipas ako ng gutom. Kelangang kumain on time.
"Tangna brad! Lakas mo!"
Napatingin ako sa maingay na nagpasukan dito sa coffee shop.
At..
"Syempre! Si Miko pa? Hahayaan ba nyang matalo tayo bukas sa game? Syempre hindi."
Si Miko at mga ka-team nya. Mga naka-jersey kase at halatang kakatapos lang sa practice. Nagtama ang tingin namin kaya agad kong tinanggal ang tingin ko sa kanila.
Yung puso ko kumakabog. Parang nagma-marathon sa bilis. Shems. Bat ba sya andito? Oh well! Shunga lang, syempre andyan lang ang SWU!
"Here baby." Biglang sabi ni Phoenix na papalapit saken hawak ang tray.
Hindi ko na nililingon si Miko. Ramdam ko na nakatingin siya sa'ken. Naman! Wag dito. Bakit ba apektado ako sa presensya nya?
"Don't look at him." Banta ni Phoenix.
Napalunok ako. Saksi si Phoenix sa pagmo-move-on ko. Sa stage of crying ko kaya galit sya kay Miko. Kahit ako, galit sa kanya.
Lalo na nung pinagulo nya ang sitwasyon. Tapos na yung samen eh, yung kahibangan ko. Tapos siya yung biglang lalapit. Kinuha pa nya ang first kiss ko.
"Miko! Baka matunaw naman ang likod ni Miss ganda."
Napalunok ako. Hindi sa pagiging assuming pero ako ba ang binabanggit nila? Na tinititigan ni Miko?
"Tch. Um-order kana!" Singhal ni Miko. Syempre kilala ko ang boses niya kahit nakatalikod ako sa pwesto nila.
"Eat." Nakuha ako ng atensyon ni Phoenix. Seryoso sya. Siguradong badtrip sya kay Miko.
Nagsimula na akong uminom ng coffee ko. Bumili din ng custard cake si Phoenix na sinimulan ko na ring kainin.
"Masarap, baby?"
Ngumiti ako. "Yes. At syempre, mas masarap kase libre mo. Haha!"
Okay. Confident lang. Nasa sarili na ako. Bat ako mahihiya kay Miko at bakit ko pa ba sya papansinin. Wala ng meron samen. Kahit katiting.
"Yes. These are my treat. Lakas mo sa'ken eh." Ngumiti na si Phoenix at nagsimula na din kumain.
Tahimik kami. Well, sa mesa nina Miko nagkaka-ingay. About basketball ang pinag-uusapan nila. And oh! I remember something.
"Phoenix, nood tayo ng game nina Enzo tomorrow dito sa SWU."
"Basketball?"
Tumango ako. "Yes. Player sila ng juniors. And guess what? SWU Wolf ang name ng team nila. Astig 'di ba?"
"Geurae Wolf, naega Wolf, Awoo! Haha!"
"Ano yun?" Tanong ko. Kumanta kase si Phoenix.
"Ah kanta ng Exo. Wolf ang title." Sabi nya.
"Exo?"
"Kpop, baby."
Kumi-kpop si Phoenix. "Mahilig ka pala sa kpop?"
"Hindi naman. EXO lang. May kamukha ako dun eh. Si Park Chanyeol. Search mo sa google, kamuka ko pero mas gwapo ako ng konti. Wahaha!"
"Oo na. Ikaw na artistahin mukha! Ikaw na mas gwapo. Psh." Nag-pout ako. Feeler talaga nitong si Phoenix kahit kelan.
"Wahaha! Back to the topic. So may game bukas ang triplets?"
"Oo naman. Yun pang tatlo na yun? Di mo mapaghihiwalay 'yun. And pagdating sa basketball, sila yata nakamana non kay Dad kase si Sky di naman nahilig magbasketball."
"Pansin ko nga. Former star player ang Daddy mo dito sa SWU diba?"
I nodded and smile proudly. "Yes! Daddy ko 'yun eh."
"Magiging Daddy ko din, soon." He smirks at me kaya hinampas ko siya ng pouch ko.
"Awww! Mahal na mahal mo talaga ako, baby. Sa bawat hampas mo, ramdam ko ang init ng pagmamahal--AWW!"
"Kumain ka na nga lang! Ang ingay mo."
Natawa sya. Kulit talaga nitong si Phoenix eh.
Someone texted me. Sino kaya? I opened my phone and check the message.
Unknown number. Di naka-save sa contacts ko.
From: +639051234567
I'm fvcking jealous, Hera.
-end-
What the...sino 'to?