Chylee POV
Nakatitig lang ako sa screen ng phone ko. Iniisip ko kung sino 'tong nagtext na 'to.
I'm fvcking jealous, Hera..
Dalawang tao lang naman ang madalas na tumawag sa'ken ng "Hera" eh. So sino?
Si Skyler? Bakit naman sya magseselos? Protective sya pero di sya kailanman nagselos. E'di i****t yun. Psh.
E'di ibig sabihin..
Si..si..
Napalingon ako sa gawi nila Miko at mataman syang nakatingin sa'men ni Phoenix. OMG! Sya ba 'yung nagtext? Pero imposible. Pero..saan nya nakuha ang number ko? Saka bakit sya magte-text ng ganon?
Inalis ko ang tingin sa kanila. Nahihiya ako. Alam ko at ramdam ko na pulang-pula na ang mukha ko. Letseng Miko! Bat kase ganon sya makatitig? Para pa syang galit na ewan. Inaano ko ba sya?
Nag-tap ako ng reply. Kahit napi-feel ko na si Miko 'tong nagtext, mas gusto ko pa ding i-confirm.
To: +639051234567
Who's this?
Sent!
Bakit ganito? Yung dibdib ko, nagsisimula ng magtambulan. Kinakabahan ako na hindi mapakali sa paghihintay ng reply.
"Baby, okay ka lang? Sinong nag-text?"
Nag-angat ako ng tingin dahil sa tanong ni Phoenix. Napansin ba nya ang pagkatuliro ko?
"Ah, wala. Wala. Ano na ngang pinag-uusapan natin?" Tanong ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko habang wala pang reply.
"Tulad nga ng sabi mo, gusto mo ang kulay red na motif sa kasal natin. Tap--AWWW!"
Naka-poker-face ako kay Phoenix pagkatapos ko siyang hampason sa balikat nya. "Inborn na talaga ang pagiging feeler mo, ano? Psh."
"Wahaha! Baby naman." Naka-pout pa. Nagpapa-cute. Aish, Phoenix talaga.
"What?" Tanong ko.
Nag-pout na naman sya. Which I really find it cute. Bagay sa kanya. Mapula kase lips nya.
"Wala. Kain ka na kase oh. Cake? Gusto mo talaga sinusubuan ka pa eh. Baby naman, 'wag dito. Public place 'to. Mamaya nalang kapag solo na ki--AWW! Baby naman!"
Hinampas ko na naman sya. Feelingero talaga 'tong si Phoenix pero in a cute and funny way naman. Hindi 'yung nakaka-asar. Nakasanayan ko na din. Ilang taon din kaming nagkasama sa states eh.
Oh. May nagtext. Bigla na naman akong kinabahan. "Wait." Sabi ko kay Phoenix. Nagpatuloy sya sa pagkain habang nagche-check ako ng phone ko.
From: +639051234567
Your future husband. Fvck. I'm really jealous.
-end-
Oh. My. God.
Napalingon ulit ako sa mesa nina Miko at..nakatingin sya sa'ken habang hawak ang phone nya. So siya nga? Siya? As in?
Napalunok ako. Anong ibig sabihin nya sa future husband? Saka wala namang kami ah? Ano, kay Phoenix ba sya nagseselos? I felt uneasy.
"Baby kanina kapa lingon ng lingon dun. Tch. Andito na nga ako tumitingin ka pa sa iba. Mashaket baby." Medyo seryosong naka-pout na sabi ni Phoenix.
"W-wala yun. Di naman sya ang tinitingnan ko. Saka..basta! Ubusin na natin 'to para makaalis na tayo." Sabi ko.
Gusto kong lumayo. Ayokong malapit sa'ken si Miko. Naka-move on na ako eh pero bakit ganito? Bakit ang lakas pa rin ng epekto nya sa'ken?
"Tch. Oo na baby. Lagi naman kitang sinusunod eh." Mahinang sabi nya saka nagpatuloy sa pagkain.
Hindi ko alam kung saan na nakarating ang isip ko. Di ko alam kung re-reply-an ko pa ba siya o babalewalain. Pero sa dalawang choices mas pinili ko ang huli.
Maya-maya ay natapos kami ni Phoenix.
"Let's go?" Yaya nya.
Tumango ako. Pinilit kong hindi mapalingon sa gawi nila Miko. Bwisit lang kase, kung kelang tanggap ko ng hindi nya ako magugustuhan, saka sya nandito para magpapansin at sasabihing mahal nya. Magulo pa sya sa buhok na nagkabuhol-buhol eh.
Sabay kaming tumayo ni Phoenix. Bitbit ko ang shoulder bag ko. Napatingin ako sa kamay ko nang bigla iyong hawakan ni Phoenix. Hindi sya nakatingin sa'ken. Diretso lang sya at patay-malisya. Hinayaan ko nalang. Pero feeling ko sinasadya nya ito para makita ni Miko.
"Tch. He can't take his eyes off of you. Damn it."
"Ano?"
"Yung bata. Tch. Bakit ba sya tingin ng tingin sa'yo? Kanina pa 'yun mula nung dumating sila sa cafe. Kung yelo ka, kanina ka pa natunaw." Pagmamaktol ni Phoenix.
Yung pwesto nga pala nya kanina sa mesa ay paharap kina Miko kaya malaya niyang nakikita ang mga 'yun. At oo, bata ang tawag ni Phoenix kay Miko.
"Hayaan mo na 'yun. Wala naman akong pakialam don." Sabi ko. Pero kung alam nya lang, hindi ko halos mapa-kalma ang sarili ko dahil kay Miko na yon.
"Talaga, wala kang pakialam don?" Matamis na ngiti ni Phoenix. "Sa'ken, may pakialam ka?"
Gusto kong matawa sa itsura ni Phoenix. Bakit ba ang hilig nyang magpa-cute? In all fairness, effective. "Yes. May pakialam ako sa'yo. Ikaw pa ba?"
Ilang taon ko syang kasama sa states at masasabi kong magaling syang mag-alaga. Hindi sya marunong mag-take-advantage kahit kasama ko siya sa bahay, o kahit almost every minute ay magkasama kami.
"Uwi na tayo." Sabi ni Phoenix. "Kinilig na ako eh. Baka mawala pa 'pag tumagal pa tayo dito."
Baliw talaga. "Oo na." Sumakay na kami ng kotse. At bago pa ako tuluyang makasakay sa kotse, nakita ko sa peripheral vision ko ang bulto ng lalaking nakatayo sa labas ng cafe, nakatingin sa direksyon ko--at si Miko 'yun.
--
Papasok na kami sa main door ng mansyon nang mapatigil kami ni Phoenix.
Paano ba naman, yung triplets, nakasandal sa pinto. In short, nakaharang.
"Yow tri-zo!" Bati na Phoenix.
"Damn it Kuya Phoenix. Stop calling us tri-zo. Kulang nalang gawin mong troso. Tch."
Tri-zo, means tatlong -zo na pangalan. Puro -zo kase ang last two letters ng name ng triplets.
"Hayaan nyo na. Ayaw nyo non, unique? Pahihirapan nyo pa akong banggitin isa-isa ang pangalan nyo. Magkakatunog lang naman.
Naiba lang unang letter." Katwiran ni Phoenix.
Nakangiti lang akong nanonood sa kanila. Sa maikling panahon, naka-close agad ng triplets si Phoenix. Friendly naman kasi si Phoenix at jolly.
"Tch. May dala kang pakwan?" Tanong ni Enzo.
Okay. Nagsisimula na silang man-torture. Aware kase sila na nanliligaw sa'ken si Phoenix.
"Mukha ba akong taniman ng pakwan?" Sagot ni Phoenix.
"Sumasagot ka pa. Ate, i-basted mo na'to!" Sabi ni Kenzo.
"But first, let me take a selfie." Sabi ni Renzo saka tumalikod sa'men at nag-selfie. Kami tuloy ang background nya.
"Wag na kayong mangulit ngayon tri-zo. Para kayong La Guardia eh. Papasukin nyo na kami. Ang Ate mo, nangangalay na sa pagtayo. Hindi ko nga 'yan pinapapila ng sa J.Co tapos kayo naman, pinapatayo nyo lang dito."
Natawa ako sa sinabi ni Phoenix. Everytime kase na kumakain kami sa labas, or bibili ng something na may pila, hindi nya ako pinapapila. Siya ang pumipila at pinapaupo lang nya ako.
"Dami mo pang satsat Kuya Phoenix. Hindi naman namin hinihingi ang opinyon mo. Tch." Sabi ni Kenzo saka tumalikod na at pumasok sa loob. Nakabukas na ang pinto.
"Ilang minutes din ang nasayang sa pagtayo dito at paghihintay sa inyo ni Ate. Tch. Naka-100 selfie na sana ako. Ge!" Tumalikod na rin si Renzo.
"Bukas, simulan mo ng magtanim ng pakwan kung gusto mo pang makabalik dito sa mansyon. Tch." Sabi naman ni Enzo saka tumalikod na rin.
Nagpipigil ako ng tawa habang nakatingin kay Phoenix na--well, nganga sya sa triplets.
"Baby, saan pinaglihi 'yang mga kapatid mo? Mga bipolar yata eh."
Sinimangutan ko sya. "Bipolar din ako. Psh! Bipolar ang Dad namin. Hmp!" Mataray na sabi ko. "Tara sa loob."
"Baby naman, galit ka ba? Nagtanong lang eh. Kita mo naman ang mga kapatid mo. Parang hindi ako mas matanda sa kanila."
"Ganon talaga sila. Wag ka ng magtaka. Shin-woo 'yan kaya nasa lahi na namin ang pagiging masungit minsan."
"E'di ikaw, hindi ka pala magiging masungit?"
"Masungit din ako minsan. Shin-woo ako eh."
"Hindi ka na magiging masungit. Magiging Laurel ka na eh." He said then winks at me.
Baliw talaga. "Laurel your face, Phoenix!"
--
Miko POV
"Kuya, pero bakit nga nakiki-text ka kina Renzo kanina. Kapatid pa din naman kita ah. Abellano ka pa din, so hindi ka pa naghihirap."
Tch. Ang kapatid kong maingay at matanong. "Rance, wala 'yun. Kalimutan mo na 'yun." Sabi ko saka itinuon muli ang tingin sa laptop ko.
"Sige, Kuya. Pero.."
"Pero ano?"
"Hindi naman tayo naghihirap 'di ba?"
"Hindi nga. Paulit-ulit ka. Tch. May ginagawa ako. Dun ka na sa kwarto mo." Taboy ko sa kanya.
Nagkibit sya ng balikat saka lumabas ng kwarto ko.
Fvck! Kanina pa ako nag-stalk sa f*******: ni Hera. Puro picture nila ng Phoenix na yun. Tch. Feel na feel ng Phoenix na 'yon kung makapag-status!
Saka teka nga. Hindi na ako nireplyan ni Hera kanina. Alam kong alam na nyang ako 'yun. Umiiwas ba sya? Fvck! Paano ko ba sya susuyuin?
Dalhan ng flowers and chocolates sa bahay nila? Panliligaw 'yun at hindi panunuyo. Hindi naman valentines.
Haranahin? Hindi pala ako singer.
Magsibak ng kahoy at ipag-igib sila ng tubig? Oh fvck. Makaluma na 'yun. At hindi nila kelangan ng kahoy. Mayaman sila! At pag-iigib ng tubig? Fvck, may gripo sila!
Yayain syang mag-date? Eh, fvck! Hindi nga ako ma-replyan!
Tawagan ko kaya? Sa text nga di sumasagot, sa call pa kaya. Damn it.
Naibato ko ang unan ko sa pinto. "FVCK!" Napu-frustrate na ako! I want Hera! I want her to be mine. s**t.
--
Chylee POV
Nakahiga lang ako sa kama habang nag-pe-f*******: sa iPad ko. Nagkwentuhan at nagdinner lang kami kanina kasama si Phoenix.
At home na at home nga ang loko. Dad pa tawag kay Daddy minsan. Baliw talaga.
Mag-status nga ako. Hanggang ngayon kase, naiisip ko 'yung text ni Miko kanina.
Chylee Hera Shin-Woo Akala ko babae lang ang mahirap espilengin. Pati pala lalaki. Gulo nyo! Nakakainis ka!
Like • Comment • Share
Nag-pout ako habang nags-scan ng newsfeed hanggang mahagip ng mata ko ang status NIYA.
Prince Miko Abellano I want her to be mine. What should I do?
Rance Yul Abellano, Enzo Shin-woo, Jecelli Angeli, Crissey Barcenas and 2533 others like this.
Like • Comment • Share
View more comments
Enzo Shin-woo Sino ba yan Kuya Miko?
Kenzo Shin-Woo Manhid ng nasa taas nito. Tch.
Princess Reiko Abellano OMG! Yung comment sa taas ni Kenzo is heart!
Luke Evans Palermo I-kama mo na. Wahaha!
Lance Reid Abellano Fvck you Palermo. Son, make love with her.
Yumiko Hayashi Abellano Hubby nagalit kapa sa comment ni Luke, isa ka pa rin naman! Psh. Anak, Miko ang mga babae hindi 'yan bagay na kapag gusto mo ay bibilhin mo. Effort lang. Effort, anak.
Rance Yul Abellano Naghihirap na ba tayo, Kuya?
Jewell Atienza Pa-like naman po ng DP ko.
Ako ba tinutukoy ni Miko? Ako ba 'yung gusto nyang mapasakanya? Bakit ngayon pa? Ayoko nang ginugulo nya ang isip ko. Mag-aaway na naman kase ang puso't isip ko.
Isip ko : Wag mo syang pansinin. Nagmove on ka na. Di mo na sya kailangan.
Puso ko : Kumakabog ako sa tuwing nakikita ko syang nakatingin sa'ken. Parang di pa yata ako naka-move on.
Hay! Maraming nagsasabi na Love is complicated pero sa tingin ko mali sila.
Love isn't complicated. People are.
Nasa sa atin naman kase kung gagawin nating kumplikado ang lahat. Nasa atin ang desisyon. Nasa atin ang kontrol. Nasa atin ang moves. Kaya wag isisi kay LOVE dahil wala syang kasalanan.
Himinga ako ng malalim saka pinatay na ang screen ng iPad ko. Ngayon ko mas nare-realize na..
Loving a man like Prince Miko Abellano? It feels so good but it hurts so bad.