BUMILI si Ginny ng isang set ng alahas sa The Diamond Store.
At kung anu-ano pa.
Nang mapuno na ang kamay ni Ginny ng shopping bags, doon lang siya tumigil. Noon niya lang din naisipan na bumalik na sa kuwarto kung saan sila tumutuloy ni Cloud.
Dahil sinusundan siya ni Cloud mula sa mga resibong nare-receive nito, nakasalubong niya ang lalaki sa daan.
Nagkatitigan silang dalawa. Pero maya-maya ay iniwas ni Ginny ang tingin niya mula sa lalaki. Bigla siyang nakaramdam ng hiya rito.
Si Cloud naman ay hindi na nagulat nang makita ang mga bitbit niyang shopping bags, pero hindi rin nito naiwasan na mapa-tanong.
'Something is wrong,' isip-isip ni Cloud.
Matapos mabaliw ni Ginny, nakaramdam siya ng lungkot.
Hinayaan niya si Cloud na lumapit at kunin ang mga shopping bag mula sa mga kamay niya at sumabay lang dito sa paglakad pabalik sa hotel suite.
Tahimik lang siya habang naglalakad. Mukhang pinakikiramdaman lang din siya nng lalaki.
Pagdating sa hotel suite kung saan sila naka-stay, agad na pumasok si Ginny sa bedroom at nag-lock ng pintuan.
Cloud was speechless.
Nagpunta si Ginny sa shower room at sinimulan na tanggalin ang suot. Matapos iyon ay ibinabad niya ang sarili sa tubig na may bubble bath. Gusto niyang tanggalin ang masamang espirito sa katawan niya.
Naalala niya ang sabi sa kanya ni Master Kent.
“How much do you trust my grandson?” And she replied, "I trust him with all my heart."
Matamlay na inilublob lang ni Ginny ang sarili sa tub. She acted crazy that makes her wanted to cry.
Kung ito ang pagsubok na ibinigay ni Master Kent sa kanya, alam niya nang hindi siya pumasa. Nakarinig ng kaluskos si Ginny mula sa loob ng kuwarto at alam niyang si Cloud ang nasa labas.
She wanted to hide. Hindi niya alam kung ilang milyon ang ginastos niya sa araw na iyon. Never in her wildest dream na gagawin niya ang ganoong bagay.
Dahil nakasarado lang ng sliding door ang bath tub sa shower area. Nakita niya ang anino ni Cloud ng pumasok ito sa banyo.
Kinabahan si Ginny na baka singilin siya ni Cloud sa ilang milyon na ginastos niya.
Nang bubuksan na ng lalaki ang slide, huminga siya nang malalim at inilublob ang sarili sa loob ng tub.
Dyoskupu! Natatakot siya kay Cloud at sa reaksyon nito. Halos ayaw niyang ipakita ang mukha niya sa lalaki.
Akala ni Cloud, biglang naglaho si Ginny sa kwarto, pero nataranta siya nang mapansin na may mga bula ang tub. Napansin niya rin ang pinaghubaran ni Ginny. Naisip niya na baka nalunod ang asawa niya.
Nabigla si Ginny ng hilahin siya ni Cloud paangat mula sa bumubulang tubig.
“Damn, Ginny Lopez! What are you doing? Are you trying to kill yourself?” galit na sabi nito.
Dahil bigla itong nagalit, she cried like a six-year-old child.
Nagulat at napatigil naman si Cloud sa inakto niya. Bigla itong nakabawi at niyakap siya. Hinayaan lang nito kahit pa dumikit na sa katawan nito ang basa niyang katawan.
“Hush... don't cry... I'm sorry...”
Hindi alam ni Cloud kung bakit ganoon ang inaakto ni Ginny pero alam niyang may kinalaman ang huli nitong test at si Ember.
Tuloy sa pag-iyak si Ginny.
“Why are you crying?” tanong ni Cloud.
“B-because, I... failed...” sagot nito nang paputol-putol.
“It's okay... Hush...” sabi niya. Ang ayaw ni Cloud sa lahat ay nasa ganoong sitwasyon si Ginny.
Ayaw niyang makitang umiiyak ang babae.
“I failed, Cloud Han, I failed! Hu hu hu... A-and I spent... too much...” tuloy-tuloy na sabi.
“Stop crying... hush...”
Hindi alam ni Cloud kung paano pababalikin ang sigla ni Ginny. It doesn't matter if she spent 50 million sa loob ng isang araw.
He only wanted Ginny to be happy. Hawak-hawak niya ang pisngi ni Ginny na namumula at tuluy-tuloy sa pagluha.
Hindi alam ni Cloud kung ano ang gagawin. Inilapit niya na lang ang labi niya sa mata ng asawa niya.
“Don't cry, okay? Let's talk about it later.”
Sinimulan niya nang linisin ang katawan nito bago pa ito magkasakit.
Sa parte naman ni Ginny. She felt down and starving. Hinayaan niya lang si Cloud na linisin ang katawan niya.
Nakatitig siya kay Cloud habang inaayos siya nito. Siguradong masasaktan niya si Cloud kapag nalaman nito na hindi siya nagtiwala rito. Iyon ang bagay na ikinalulungkot niya ngayon.
Pinangunahan ng selos at inis si Ginny. Matapos siyang bihisan ni Cloud, nag-order ito ng pagkain sa hotel at ihatid doon sa kuwarto.
Nakaupo lang si Ginny sa kama, tinitingnan niya ang sobrang dami na shopping bags na pinamili niya na nasa isang gilid.
‘Nabitbit ko lahat ‘to?’
‘Wow, Ginny Lopez nagtaka ka pa, ha?’
Lalo siyang nalungkot.
Kung titingnan niya lang at susumahin sa sarili ang mga napamili, sa tingin niya ay aabot sa kulang-kulang sa sixty million ang ginastos niya sa araw lang na iyon.
Nakatingin siya sa sahig. She failed herself and her trust for Cloud. Nagsimula na naman siyang umiyak.
Napansin ni Cloud ang luha niya.
“Com 'on, sweetheart. Don't cry.”
Humiga si Cloud sa gilid ng kama.
“Come here... “ sabi nito.
Sumunod naman si Ginny. Dumapa siya at i-sinandal niya ang ulo sa dibdib ng lalaki.
“Tell me what's wrong...”
“I’m a failure,” tugon ni Ginny. Nagsimula ulit tumulo ang luha niya.
“No, you are not. Who says my wife is a failure?” tanong nito habang sinusuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri.
“Your ex-girlfriend made fun of me...” sabi ni Ginny.
Tumalim ang tingin ni Cloud.
Nagbuga ng hangin si Cloud. “I'm sorry, Gin... Hindi ko ikinuwento ang tungkol kay Ember dahil naniniwala ako na hindi ko naman talaga dapat siyang i-kuwento pa... My grandfather was the only one who wanted me to arrange a relationship with Ember.
“I fought for my freedom for a couple of years... And my mom helped me kaya hindi magkasundo ngayon ang Mommy ko at saka si Grandpa Kent,” mahabang kwento ni Cloud.
Tama ang hinala ni Ginny. Sinusubukan ni Master Kent ang tiwala niya kay Cloud. Hindi ang business trade niya kay Ember.
Nalungkot si Ginny. Hindi niya akalain na doon pa siya babagsak. Nagsimula ulit tumulo ang luha niya.
Naramdaman ni Cloud na namasa ang damit niya.
“Don't cry... Please...” pakiusap ni Cloud. Unang beses na makita ni Cloud ang pag-iyak ni Ginny nang ganoon at pati siya ay nahihirapan.
“You don't have to be sad just because you failed. It doesn't matter kahit nabigo ka sa unang test pa lang at sa pangalawa. You have me... And I will always be yours, okay?” Hinalikan niya sa noo ang asawa.
Maya-maya, kumatok na ang hotel service dahil dumating na ang pagkain na in-order ni Cloud.
In-order siya ni Cloud ng strawberry milkshake, strawberry cake, soup at grilled chicken.
Katulad ng nakasanayan na nila, nagsalo sila ng pagkain.
Hinayaan siya ni Cloud na kumain. Naubos niya ang mga iyon sa loob lang ng sampung minuto.
Ipinatong ni Cloud ang uluhan sa balikat ni Ginny maya-maya.
“Are you still angry?” tanong nito sa kanya.
Umiling si Ginny.
“Tell me, what is your task today?” tanong ni Cloud.
“To trade diamonds against some gold coins,” sagot niya.
“Eh, bakit hindi natuloy?”
Nagsimula na naman mainis si Ginny. Pakiramdam niya ay na-energize siya sa kinain niya.
“Pinaghintay lang naman niya kami ng tatlong oras. Nang una, akala ko talaga ang makipag-trade kay Ember ang task ko ngayon. Naghintay kami sa kanya ng tatlong oras. Gutom na gutom ang mga alahero na kasama ko... Alam mo ba kung ano ang ginawa ng babaita mong ex?”
Tinaasan niya ng kilay si Cloud. “Hmm?”
“Tinulugan kami! She's unprofessional! Kaya sinabi ko agad 'No Deal!'“
Nagbalik na rin ang ngiti ni Cloud sa labi. Nagbalik na kasi sa normal ang sinapian niyang asawa ilang oras ang nakalipas.
Maya-maya, may naalala si Ginny. “Cloud Han... Magkano ang nagastos ko?” seryosong tanong niya.
Hindi alam ni Cloud kung paano magre-react sa tanong ni Ginny.
“Hmmm... Mahigit 56 million in Philippine Peso,” sagot nito.
Nanlaki ang mata ni Ginny.
“56 Million?! Ganoon kalaki? Hmmm... Paano ko 'yon babayaran?”
Iniisip ni Ginny na wala siyang trabaho. Iniisip din niya na ilang property na ang perang iyon sa Pilipinas at sinayang niya lang sa mga walang kwentang bagay.
Kinagat-kagat niya ang kuko niya.
Naaaliw naman si Cloud sa inakto niya.
'This girl!' kanina-kanina lang ay halos sinapian ni Rebecca Bloomwood. Pero ngayon ay nag-iisip na kung paano nito babayaran ang ginastos sa isang araw.
“You can pay me with your body,” sagot ni Cloud.
Pinalo ni Ginny sa dibdib sa Cloud. “You're so naughty!”
“I'm not kidding... You should start now at malapit nang dumating ang kontrabida ko,” sabi nito na ang tinutukoy ay si Cally.
“Kapag dumating si Cally, madadagdagan ng interest ang utang mo sa ‘kin.” sagot ni Cloud.
Hindi maiwasan ni Ginny na matawa.
“Okay... I'll start my payment now.” Nakangiti niyang sabi at sinimulan na i-angat ang shirt na suot nito habang hinalikan sa labi.
***
HINDI alam ni Ginny na sumikat ang pangalan niya sa buong hotel. Isa siya sa may pinakamalaking gumastos sa iisang araw lang. It’s one million dollars, hello? Natuwa sa kanya ang Presidente ng hotel.
Kaya nabigla si Ginny ng pinadalhan siya ng imbitasyon ni Mr. Harry doon sa suite noong araw din na iyon. Hindi niya maiwasan na magtanong nang ibinigay sa kanya ang sobre ng hotel staff. May seal pa ang sobre na patunay na hindi iyon nagbibiro.
Hindi alam ni Ginny kung paano magre-react sa imbitasyon. Kinonsulta niya si Cloud tungkol dito.
“I knew him, but we are not friends. My grandpa knew him too,” sabi ni Cloud sa kanya.
“I don't know kung pwede ako magsama ng isa pang guest. Walang sinabi. Pero... pwede ko ‘tong i-decline, tama?”
'Of course! Paano kita papayagan na kitain ang isa pang wildman?' isip-isip ni Cloud.
“Let's go find grandpa,” pag-iiba ni Cloud.
May tinawagan si Cloud sa cellphone nito para tanungin kung nasaan si Master Kent at maya-maya pa ay inaya na siya nitong lumabas.
Natagpuan nila si Master Kent sa tea house na malapit sa casino area.
Nalungkot si Ginny nang makita si Master Kent. Napansin naman iyon ni Cloud kaya pinisil nito ang palad niya.
“Grandpa!” bati nilang dalawa.
Tumingin sa kanya si Grandpa Kent at sinimulan siyang usisain. “I heard hindi natuloy ang deal kanina.”
“Sorry, Grandpa. I just don't like unprofessional people,” katwiran ni Ginny.
“Ibig bang sabihin niyan ay hinayaan mo na matalo ka?” tanong nito.
“Wala pong problema sa 'kin,” sagot ni Ginny. Inilapag niya sa tapat nito ang bag na may gold coins sa loob.
Tiningnan lang ni Master Kent ang bag ng coins matapos iyon ay inilipat nito ang tingin sa kanya.
“I like your attitude kanina. That is the real attitude of Kents.”
Kumunot ang noo ni Ginny.
“You noticed na hindi basta-basta ang coins na dala-dala mo,” dugtong nito. “So, you passed the test”
Nabigla si Ginny. Hindi niya inaasahan ang bagay na iyon.