CH 10. Miss Unprofessional

2046 Words
HINDI alam ni Ginny kung paano magre-react sa paghingi ng pasensya ng kausap niya. Ngayon lang napagtanto ni Ginny na hindi sinabi ni Master Kent sa kanya kung anong klase ng pagsubok ang haharapin niya ngayon. Basta sinabi lang nito na kailangan niyang makipag-trade sa isang Miss Ember. “Pwede bang malaman kung ano naman ang rason niya ngayon?” tanong ni Ginny sa dalawang tauhan ng babae. “Our Miss is having a headache right now,” sagot ng may-edad na lalaki. Nagpipigil si Ginny na magalit sa kausap lalo at alam niyang nautusan lang ang dalawa. Mas minabuti ni Ginny na tanungin ang limang kasama. “Okay lang ba sa inyo ang maghintay pa?” tanong niya sa mga ito. “We’re good, Miss Ginny,” sagot ng isa sa mga ito, kahit pa nga halatang naiinip at nagugutom na ang mga kasama niya. Umalis muli ang dalawang tauhan ni Miss Ember. Sa palagay ni Ginny, ang test na ibinigay talaga sa kanya ni Master Kent ay ang pakikipag-trade. Dumagdag lang sa problema ang Miss Ember na iyon. Sa silid kung saan naroon ni Cloud… Hindi niya maiwasan na hindi mainip lalo at tatlong oras nang wala si Ginny. Nagugutom na rin siya at alam niyang ganoon din ang babae. Tumunog ang doorbell sa kuwarto. Sa pag-aakalang si Ginny ang nasa labas ng pintuan, binuksan iyon ni Cloud. Kumunot ang noo niya nang bumungad sa kanya ang isang hotel staff na Briton na may bitbit na tray ng pagkain. “I didn't order anything,” sabi niya sa staff. “It's an order from Miss Ginny Lopez-Han for her husband,” tugon nito. Na-touch si Cloud sa ipinakita ng asawa niya. Alam nito na nagugutom na siya, pero kumain na kaya ito? “Where is she?” tanong ni Cloud sa staff. “Oh! She called from one of the meeting rooms in the south area.” “Okay. Thank you!” Nang umalis ang staff, eksaktong nagbukas din ang pintuan sa katabing kuwarto na inuupahan nila. Hindi naiwasan na mapatanong si Cloud nang makita si Apolo na palabas mula sa kuwartong iyon. “Master Apolo, I never thought you were watching over us like a paparazzi. Akala ko ay nakabalik ka na sa Pilipinas,” sarkatikong sabi niya kay Apolo. “Thanks to you, Master Cloud! You gave me a lot of money to enjoy this place. Masyadong malaki ang balato na ibinigay mo kumpara sa 50-peso tip na ibinigay sa’kin ni Ginny at ng kuya niya na si Brent noon,” tugon nito na nakangisi. Umismid naman si Cloud sa narinig. “Enjoy the place. Bibihira ang pagkakataon na maging galante ako. Kahit pa hindi pa kita nabalikan sa ginawa mo sa mag-ina ko,” matalim ang tingin na ibinigay ni Cloud kay Apolo. “I enjoyed the place so much, Master Cloud. I hope you enjoy the place too.” Nag-bow lang si Apolo bago lumayo sa kanya. “Thank you! I hope hindi nakaabala sa pagtulog mo kung sakali man na may nadinig ka na hindi kaaya-aya kagabi,” pahabol niya na nang-iinis. Lumingon sa kanya ang lalaki. “No problem! Oh, by the way...” Tiningnan ni Apolo ang reaksyon niya, “I met Ember last night,” bago tuluyan nang naglakad paalis. Nanigas naman sa kinatatayuan si Cloud. Hindi niya maiwasan na magtanong kung bakit naroon ang babae. “Sh*t!” mura niya. Kailangan niyang makita si Master Kent para hanapin kung nasaan si Ginny. *** NAUUBOS na ang pasensya ni Ginny sa kausap. Hinayaan niyang mag-antay sila ulit ng isa pang oras at hindi na siya talaga natutuwa. Ang hiniram niyang dalawang libro sa hotel ay natapos niya nang basahin pero wala pa ang Miss Ember na iyon. “Everyone, let's go,” utos niya sa mga kasama. Napansin niyang nakahinga nang maluwag ang limang jeweler na kasama. Pero bago pa sila makaalis, eksakto naman na bumukas ang pintuan. “Miss Ginny, Miss Ember is here,” anang may edad na lalaki na kanina pa humihingi ng pasensya sa kanya. Hindi makapaniwala si Ginny sa kausap niyang 'unprofessional'. Ang mga idinahilan nito ay masakit ang tiyan at ang sumunod ay masakit ang ulo. Tiningnan niyang mabuti ang Miss Ember na tinutukoy nito. Halatang bagong gising ang babae. Matangkad si Miss Ember na nasa five feet and seven inches, sexy at maganda—anda na nakikita sa TV na papasa bilang kontrabida o kaya naman ay kabit ng may mabait na misis—yon ang nasa isip ni Ginny. Nakasuot ito ng pula na fit na fit sa katawan nito. Kung titingnan ni Ginny ang mata nito at ang balat nito. Alam niyang nakatulog ito ng dalawang oras. Tinulugan lang ba sila nito sa ganoon kahabang oras na naghintay sila? Ipinakita ni Ginny ang kanyang indifference look pero gusto niyang tirisin ang babae. Wala siyang mood na makipag-business trade sa ganoong klase ng tao. If this is the last test na ibinigay sa kanya. Okay lang kahit matalo siya, she will never do this again—ang maghintay ng tatlong oras. Lalo kung ganitong tao ang bubungad sa kanya. “I'm sorry, Sir, but our business is done,”  matigas na sabi niya. Napalunok ang may-edad na lalaki. Halatang nasa isip nito ang ‘I see this coming.’ Lumapit sa kanya si Miss Ember mula sa likod ng may-edad na lalaki. “Miss Ginny, please... Huwag naman masyadong mainitin ang ulo. I'm already here,” malambing na sabi nito. Napilitan siyang ibalik ang tingin sa babae na ayaw niya na sanang makita. “I'm sorry, Miss Ember, but our business was done. We’re not going to buy your diamonds. Thank you!” sabi niya dito at inaya na ang mga kasama na lumabas. Halatang natuwa ang mga kasama ni Ginny sa tigas na ipinakita niya na tinatapos niya na ang usapan. Nahalata rin ni Ginny na nag-iba ang awra ng babae. Halata dito na hindi nito inasahan na mag-b-backout siya. Kung mahalaga kay Master Kent ang diamonds ng babae, sigurado rin siya na mahalaga ang dala-dala niya sa babaeng ito. Isa pa, hindi siya binigyan ng timeline ni Master Kent na kailangan niyang makuha ang diyamante ngayong araw. Pwede niya itong idahilan sa matanda. Nasilip ni Ginny kung anong klaseng coins ang dala niya sa loob ng ilang oras na paghihintay, at sigurado siya na hindi iyon simpleng coins. “I I'm not going to trade with you ever again if you persist in trying to exit through that door,” banta nito sa kanya nang makita na isa-isa nang nagsipaglabasan ang mga kasama niya. Lalong nagtaas ng kilay si Ginny. 'Saan nanggagaling ang utak ng babaeng ito?' isip-isip niya. Lumingon ulit si Ginny para harapin ang babae. Itinaas naman ni Miss Ember ang gilid ng labi nito sa pag-aakalang bumalik si Ginny para ituloy ang usapan. Ganoon din ang mga kasama niya. Gusto nilang magreklamo sa pag-aakalang babalik si Ginny sa loob. Inutusan lang sila doon na sumunod kay Ginny at i-check ang mga diyamante. Pero hindi pa nila nagawang maghintay ng mas mahigit pa sa isang oras sa trading. At alam nilang kalabisan ang ginawa ng mga ito kay Ginny. “Miss Ember, I don't like unprofessional and childish people,” pagtatapat niya rito. “Kung binantaan mo ko kanina na hindi ka na makikipag-trade sa akin, walang problema. I have a powerful coin. You have diamonds... Kung titingnan ng ordinaryong tao sa presyo at sa halaga. ‘Di hamak na mas mataas ang diyamante. Perhaps you have this idea na dapat akong sumunod sa iyo, tama?” dagdag niya. “But... my coins are not that simple. I knew it's powerful.” “I could buy diamonds everywhere. But I don’t think you can have my coins from somewhere.” Halatang nataranta ito sa kanyang tugon. “So, Miss Ember, I hope you don't mind kung mauuna na kami.” Nakahinga nang maluwag ang mga kasama niya. Pinagpapawisan naman ang lalaki at ang babaeng kasama ni Miss Ember. Mahalaga sa Big Master ang mga coins na dala-dala ni Miss Ginny. 'This girl loves to play tricks. I'll show you what I have,' isip-isip ni Ginny. Pero bago pa siya tuluyan na makaalis, nagsalita muli ang babae. “Miss Ginny, I understand... Please send my regards to my ex-boyfriend,” anito. Nagtaas ang kilay ni Ginny. “Send my regards to Cloud Han.” Napatigil si Ginny pero hindi niya pinahalatang tumatak sa kanya ang sinabi nito. Nginitian niya ang babae nang pagkatamis-tamis. So, that's it. “Miss Ember, don't worry. I don't mind sending your regards to my husband. Tutal, isa ka lang sa mga dati niyang naging nobya na humingi rin sa akin ng pabor. Sa dami n’yo, hindi ko na yata mabilang kung pang-ilan ka sa pila. No need to thank me,” sarkastikong tugon niya rito bago tuluyang lumabas. Nanggagalaiti si Ginny sa pagkaasar nang makalayo, pero hindi niya ipinahalata kahit sa mga kasama. Pinagtripan siya ng ex-girlfriend ni Cloud Han sa loob ng ilang oras. Dahil sa gutom, inis at kung ano pang nararamdaman ni Ginny. Matalim ang tingin niya pero hindi niya kinalimutan na pakainin ang mga kasama, tulad ng pangako niya sa mga ito. Dinala niya ang mga kasama sa restaurant at in-order ang lahat ng mamahalin na pagkain sa hotel na iyon. In-order niya ang mga pagkain na normal na kinakain ng business tycoons at celebrities sa lugar. Umabot ang bill niya sa converted na presyo na seven hundred thousand pesos, para sa meal ng limang tao. She gets her wallet and uses Cloud's credit card for the first time. Matapos niyang mag-bayad, nagpaalam na siya sa limang kasama. Tuwang-tuwa naman ang mga ito dahil unang beses silang kakain ng mamahalin na pagkain na may kaunting gold na nagpadagdag sa presyo. Biglang nawala ang nararamdaman na gutom ni Ginny. Ang nais niyang gawin ay 'ubusin' ang lahat ng pera ni Cloud Han. Wala siya sa tamang pag-iisip. Pakiramdam niya ay sinapian siya ng isang shopaholic na namatay ng kapanahunan ng hapon. That husband of hers made it clear that he didn’t have any relationship for the past eight years, and that made her crazy right now. Nagpunta siya sa Hermes store at bumili ng tatlong bag agad-agad. She chose randomly. She paid eight million converted to peso for three bags using his credit card. Nang mabibit niya ang limang bag, nagpunta siya sa Gucci store at bumili ng limang dress na umabot halos sa 45 thousand Sterling Pounds o kulang-kulang sa tatlong milyon sa Philippine Peso. Sa isang parte ulit ng Hotel... Hindi alam ni Ginny na hinahanap na siya ni Cloud. Nakasalubong ni Cloud sa hallway si Apolo at si Ember na magkasama nang subukin niyang hanapin si Ginny sa South Wing ng hotel tulad ng sinabi ng staff ilang oras ang nakalipas. Nagka-ideya na si Cloud na kausap ni Ginny ang babaeng nasa harapan. Nagliwanag ang mukha ng babae nang makita siya. “Master Cloud!” bati ni Ember kay Cloud. “Where is Ginny?” tanong niya rito. “She declined our deal and went somewhere else.” “It's nice to see you again,” dagdag nito at may plano pa sana na hindi muna tapusin ang usapan nila pero umiwas na si Cloud. Dahil wala naman doon si Ginny, tinalikuran niya na ang dalawa. Nagulat si Cloud nang makatanggap ng mensahe sa cellphone niya. Resibo mula sa bangko. Hmm... Ginny used it. Hindi pinansin ni Cloud ang unang mensahe nang matanggap nito ang bill na seven hundred thousand galing sa restaurant. Napangiti pa siya dahil unang beses na ginamit ni Ginny ang card. Pero nabigla siya nang sumunod na matanggap niya ang mensahe mula sa bangko na na-charge siya ng walong milyon. Hindi alam ni Cloud kung nanakaw ba ang card na ibinigay niya sa asawa. Tinawagan niya ang bangko para makumpirma kung sino ang gumagamit ng card niya. At nakumpirma niya na si Ginny talaga ang gumagamit nito, ipinadala kaagad sa kanya ang pirma ng asawa niya. Matapos iyon ay sunud-sunod na ang mensahe na natatanggap niya na puro charge mula sa iba’t ibang tindahan. Nanlalaki ang mata ni Cloud tuwing makakareceive ng notification mula sa bangko. At nagsimulang siyang mataranta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD