GALIT na galit si Mr. Edwards. Binasag nito sa sahig ang brandy glass na gamit.
“You!” sabi nito na nagdilim ang paningin. Agad itong lumapit kay Ginny at gusto siyang sakalin.
Hindi naka-kilos si Ginny sa bigla.
Pero ilang dipa na lang ang layo nito sa kanya at bago pa ito makalapit, nahawakan na ng dalawang lalaki na kasama niya ang tig-isang kamay ni Mr Edwards.
Agad itong namilipit at napadapa sa carpet. Kumuha sila ng atensyon sa ibang manlalaro.
“Get this man!” utos ni Cloud sa security.
“You witch!” hiyaw ni Mr Edwards kay Ginny.
Tumaas ang kilay niya.
“Wow kanina Little Red Riding Hood lang ako, ngayon ang bilis kong mag-upgrade sa witch. Ano ang susunod?” tanong ni Ginny.
Halata sa kanya na wala siyang pakialam sa reklamo ng British. At hindi siya natatakot dito dahil kasama niya si Cloud.
Binitbit na ng security si Mr. Edwards na galit na galit pa rin sa kanya.
“Are you okay wife?” tanong ni Cloud.
Nabigla naman si Apolo sa tinawag nito kay Ginny. “Wife?”
Ngumisi si Ginny. “Bakit parang nagtataka ka pa diyan, we have a child, I signed a marriage contract the first day I came back. And kanina niya pa ako tinatawag na wife. Have you not noticed?”
Hindi alam ni Apolo kung paano magre-react. Akala niya ay nagbibiruan lang ang dalawa. These two person in front of him knew how to kill hearts nang walang sabi-sabi.
Dahil nasa usapang pag-aasawa sila, biglang may naalala si Ginny.
“By the way, Cloud Han, How much money did you earn in a year? Do you have properties? Isa na ba ako sa taga-pagmana ng maiiwan mo if ever something happened like.. You know?” parang wala sa sarili na sabi niya.
Cloud “....”
Apolo “....”
Magsasalita pa sana si Ginny ng pisilin ni Cloud ang pisngi niya.
“You should stop or else I will teach you a lesson later on.” pagbabanta ni Cloud kay Ginny.
“Ahh.. he. He.”
Para makatakas sa sitwasyon. Kinuha niya na lang ang maraming chips na napanalunan at inabot kay Cloud.
“Please separate the 3,000 worth of chips.” utos niya kay Cloud.
“You'll bring the others, I'll bring the 3,000” dagdag niya.
Sinunod ni Cloud ang gusto niya pero hindi nito naiwasan na magtanong.
“Bakit hindi natin iwan kay Master Apolo ang iba? you only need 3,000” that was their goal anyway.
“Cloud Han, it's a big money. Magka-college pa ang anak natin sa future kaya kailangan natin mag-ipon simula pa lang ngayon.” katwiran niya.
Cloud “....”
Inisip ni Cloud ang anak niyang wala pang isang taon.
'College?'
'Hindi naman ako nakapag-asawa ng mukhang pera, right?'
“Don't use Cally's name” sabi ni Cloud kay Ginny.
“Sumunod ka na lang.” sabi niya dito saka inirapan.
Kumuha si Ginny ng isang piraso ng chip sa basket at inabot yun kay Apolo. “balato.”
Apolo “....”
Pero bago pa sila makaalis ng lugar at bumalik sa Tea House kung nasaan ang matatanda, inabot ni Cloud ang isang basket kay Apolo.
“Eto ang balato namin. No need to thank me.” sabi ni Cloud kay Apolo.
Sumimangot si Ginny. “Hey, why did you give it away? That's ours” reklamo niya.
Bago pa siya magmaktol ay binitbit na siya ni Cloud Han sa balikat nito at inilabas.
Apolo na naiwan “....”
Naiinis na kasi si Cloud sa sinapian niyang asawa, kung anu-ano ang pinagsasasabi nito .
“Hey Cloud Han.. Honey..? Darling..? Please put me down.” pakiusap niya.
“Dont worry, I'll pin you down later on.”
Ibinaba lang siya nito nang makalabas ng Casino area.
“Ginny Lopez, did you just show your true colors?” Tanong ni Cloud sa kanya. Sa sama ng tingin nito, alam ni Ginny na may ginawa siyang kasalanan.
“Ahhh.. yeah, we don't need those money. Bakit ako magt-tiyaga sa Chips, e, I have millions in your bank. Pft!” sabi niya dito.
Cloud “....”
“C'mon, let's go!” sabi niya at hinila na si Cloud papasok sa tea house kung nasaan si Lolo Elwood at Master Kent.
Inabot niya kay Master Kent ang chips na nagkakahalaga ng 3,000 sterling pounds.
Tiningnan siya ni Master Kent. “Did you cheat? I heard you won a lot” seryosong sabi nito.
'Gan'on kabilis ang balita?'
“Yes po. I won a lot.” she confirmed.
“Pero wala po tayong rules bukod sa.. hindi ako pwedeng tulungan ng apo ninyo.” katwiran niya.
“Ayon sa rules kailangan ko lang dalhin dito ang chips na may halagang 3,000 sterling pounds ng walang labis, walang kulang”
Na-realize ni Master Kent ang ibinigay niyang test kay Ginny. Tama ang sinabi ng babaeng ito at inaasahan na nga niya ang bagay na iyon.
“But Cloud helped you.” katwiran ni Master Kent.
“Saan parte po ng laro niya ako tinulungan?” katwiran ni Ginny.
Hindi nakasagot si Master Kent.
“okay. You could have the chips, and this..” sabi ni Master Kent kay Ginny. Inabutan siya nito ng isang card. Isang card ng suite sa hotel na iyon.
Natuwa rin si Ginny dahil ibinalik sa kanya ang chips.
“Tomorrow morning is your next and last exam, someone will come to fetch you in your hotel room. Be ready by 10AM Hindi ka pwedeng tulungan o samahan ni Cloud. “
“Okay po.” sabi niya. Bago siya umalis may hiniling muna siya kay Master Kent.
“Grandpa Kent, pwede kong bawiin yung chips kay Apolo, diba?” sabi niya.
Hindi maiwasan ni Cloud na magtaas ng kilay. Mukhang hindi sapat ang pagbabanta niya kay Ginny.
'This girl is neither a Little Red Riding Hood or a Witch.'
Bago pa siya mangulit at magsabi ng kung anu-ano sa harap ng dalawang matanda, tinakpan na ni Cloud ang bibig niya at hinila na siya palabas ng Tea Room.
…..
EKSAKTONG alas diyes ng umaga, isang lalaki ang sumundo kay Ginny. Naka formal ng suot ang lalaki. All black.
Tiningnan niya mula ulo hanggang paa ang lalaki. Kakaiba ang awra nito.
“Cloud Han, I'm going.” malungkot na sabi niya na akala mo mahihiwalay ng matagal.
“Be good.” banta ni Cloud sa kanya.
“Hindi mo ba ako pwedeng samahan?” tanong niya kay Cloud.
“Hindi.” simpleng sagot nito.
“What do you think is my last test?” sabi ni Ginny.
Lumapit si Cloud sa kanya. “Whatever it is, I know you can do it.”
“Okay.” sumunod si Ginny sa lalaki.
Hindi nakaramdam ng kaba o ano pa man si Ginny habang nakasunod sa lalaki. Pero naiisip niya ang anak niyang si Cally. Ilang araw niya nang hindi nakikita ang anak.
Dinala siya ng lalaki sa isang dining table kung nasaan si Master Kent.
Inabutan siya nito ng isang bag.
“Here is your last test.”
Binuksan muna ni Ginny ang bag. Bag na puro gold coins. Isinara niyang muli ang bag dahil medyo nakakatakot kung sakaling makita ito ng iba.
“Ahm. Grandpa Kent. Bakit niyo po ibinibigay itong Bag na may.. gold coins?” halos pabulong na sabi niya sa matanda.
“Because you are going to do a business trade.” sabi nito.
“Business.. Trade..?” ulit ni Ginny.
Master Kent “You are going to buy Diamonds using those gold coins.”
Nanlaki ang mata ni Ginny.
'Using gold coins to buy diamonds? it's weird right?'
Pinag-kape muna sjya ni Master Kent.
“How much do you trust my Grandson?” tanong sa kanya ni Master Kent bago humigop ng kape.
Hindi naman maiwasan ni Ginny na kumunot ang noo pero sinagot niya pa rin ang tanong.
“I trust him with all my heart.” sagot niya.
“That's good! Then, how much you trust yourself?” dagdag na tanong nito.
Hindi alam ni Ginny kung paano sasagutin ang tanong na iyon.
May dumating na limang tao na halos hindi nalalayo ang edad sa kanya. Agad na binati nito si Master Kent. Binati rin ng mga ito si Ginny.
“Go with them. They are jewelers.” sabi ni Master Kent.
Tumango lang si Ginny. Pero naisip niya na sobrang bata ng mga ito para maging Jewelers.
Hindi niya maiwasan na pakiramdaman ang mga kasama.
Hindi naman sila umalis sa loob ng hotel kaya hindi siya kinakabahan habang papunta sa meeting place. Iningatan lang niya ng mabuti ang hawak niyang bag.
Pinansin niya ang lugar.
Malawak at malaki ang hotel na yun, halos lahat yata ay meron sa lugar. May casino, may sinehan, may restaurant, may shopping area. Kulang nalang palitan ang pangalan nito sa 'Hotel, Casino and Mall'
Pinakikinggan lang ni Ginny ang mga usapan ng kasama niya. Base sa pag-uusap ng mga ito halatang jewelers ang limang kasama niya kaya kampante siya na matutulungan siya ng mga ito.
Isang Miss Ember ang i-m-meet niya sa araw na iyon, anak ng Diamond Jeweler. Ibinigay ni Master Kent sa kanya ang meeting room kung saan niya kikitain ang babae.
Alas onse ng umaga ang usapan ayon kay Master Kent. Napaaga sila sa meeting place ng sampung minuto.
Kahit ang meeting area sa hotel ay kakaiba. Isang long table na mahaba ang nasa loob at may magandang upuan. May telepono sa gilid, kung saan pwede kang humiling sa hotel staff ng kung ano pwera sa pagkain. At isang comfort room.
Dahil maaga sila ng sampung minuto, hindi alam ni Ginny kung paano aaliwin ang sarili sa sampung minuto na paghihintay, kaya nakipagkwentuhan na muna siya sa iba niyang kasama.
Ayon sa mga ito, bata pa lang nagt-training na sila sa Jewels. Iba-iba din ang expertise ng mga kasama niya. Naaliw naman siyang makipag-kwentuhan.
Napansin na lang ni Ginny na sobra na sa sampung minuto ng alas onse, pero wala pa rin ang ka-meeting nila.
Hanggang umabot nga ng trenta minutos, hindi pa rin nagpapakita ang kung sinuman na i-m-meet nila.
Hindi maiwasan ni Ginny na tanungin ang sarili kung may kausap ba talaga siya sa araw na iyon. Did Master Kent tricked her?
Bago pa siya mag-isip ng kung ano, nakarinig na sila ng katok.
Pumasok ang dalawang tao na pawisan. Isang may edad na lalaki at babae na hindi nalalayo sa edad niya.
“M-miss Ginny sorry if we are late.” sabi ng lalaki.
“Nagpapa-antay lang si Miss Ember dahil masakit ang tiyan niya.” sabi ng lalaki.
“hmm.. okay...” sabi ni Ginny.
“Pero gaano katagal namin siyang hihintayin?” tanong ni Ginny sa dalawa.
“S-saglit lang yun Miss Ginny.” sagot ng lalaki sa kanya.
“Babalik po kami para sunduin si Miss Ember.” paalam nito.
Hindi maiwasan na magtaas ng kilay ni Ginny.
Kahit sa Pilipinas, kapag may ka-meeting siya laging sakto sa oras. Pinansin niya ang mga kasama niya, halatang nagugutom na ang mga ito.
“Pasensya na kayo ha. Hintayin lang natin sila saglit. I'll treat you to a good meal mamaya.” sabi niya.
Natuwa naman ang limang kasama niya.
Nagrequest si Ginny ng dalawang libro sa Hotel staff habang hinihintay si Miss Amber.
Sa isang parte naman ng hotel...
“Miss Ember, please... we have to go. It's Master Cloud's wife.” pakiusap ng lalaki kay Ember.
Nakahiga ang babae sa isang couch habang may nakasalpak na facial mask sa mukha nito.
Hindi nito sinagot ang Assistant ng daddy ng babae.
“Just let her wait.” sabi ni Ember.
Hindi alam ng assistant kung paano mapipilit ang babae na tumuloy na sila sa meeting place.
Isang future Mrs Cloud Han ang kausap nila. At hindi biro kapag nalaman ni Cloud na tagapagmana na pinag-antay nila ang asawa nito.
Kinakabahan siya. Isang oras na silang late at mukhang walang plano ang babae na umalis sa kwarto kung nasaan sila.
Sa Kwarto naman kung nasaan si Ginny...
Naiinis na siya dahil magd-dalawang oras nang late ang kausap niya. At hindi siya natutuwa.
Kung ito ang test na ibinigay sa kanya, ang ubusin ang pasensya niya, walang problema.
Pero halatang gutom na ang mga kasama niya at hindi pwede ang pagkain sa kwarto na iyon bukod sa tubig at kape.
Dumating ulit ang dalawang tao ni Miss Ember.
“M-miss Ginny, pasensya na pero kaunting hintay pa kay Miss Ember.” sabi ng lalaki na nanghingi rin ng pasensya sa kanya ilang oras ang nakalipas.
Hindi maipinta ang mukha ni Ginny. Kaya niyang magtiis pero hindi niya kayang tiisin na makita na halos magutom na ang mga kasama niya.
Ala una na kasi ng hapon at sobrang late na kung sino man ang Miss Ember na iyon.