Chapter 1

1244 Words
Kadarating ko lang galing sa school sa apartment na tinitirahan ko sa London kung saan doon ako nag-aaral ng high school at nasa huling taon na. Ilang buwan na lang ay matatapos ko na ang klase at makakauwi na sa pamilya ko dito sa Pilipinas. Sa edad na dose anyos ay nasanay na akong malayo sa mga magulang ko at maging independent mula nang pag-aralin nila ako sa ibang bansa. Noong una ay kasama ko pa ang yaya ko hanggang nag dise-sais ako ngunit kalaunan ay mas pinili ko na lang mag-isa total kaya ko na at para makabawas na rin sa napakamahal na cost of living sa London. Miss na miss ko na ang Mommy ko na isang business woman at siyang namamahala sa mga negosyo ng pamilya at ang Daddy ko na isang Gobernador sa lalawigan namin sa Batangas lalong lalo na ang dalawang nakababatang kapatid na sina Kendra na walong taon gulang at si Kennon na anim na taong gulang pa lang. Pagka lapag ng bag ko ay kinuha ko ang smartphone at tumawag sa Mommy ko. "Hello Mom?" bungad ko kay Mommy. "Yes hija, how's your day in school?"sagot naman ng Mommy ko sa kabilang linya. "It's okay Mom, as usual. I really miss all of you there Mom," malungkot na sagot ko kay Mommy. "We really miss you too, my Princess. But, don't worry two months from now ay gagraduate ka na at makapag bakasyon ka na dito sa atin," saad ng Mommy na pilit kinukubli ang lungkot. "Yes Mom, I'm really looking forward to spending time with all of you. How's Dad?"pangungumusta ko sa Daddy. "He's fine hija, as usual nandoon pa sa Kapitolyo at busy na naman dahil maraming gustong tapusin na proyekto. Alam mo na nalalapit na naman ang eleksyon at kailangan makita ng mga tao ang mga nagawa ng Daddy mo sa panahon ng kanyang termino,"paliwanag ng Mommy ko. "It's okay Mom, I understand. It's just that sometimes I wish na mamuhay na lang tayo in private. Iyong malayo sa pulitika at mga issues total mabubuhay naman tayo kahit hindi na maging government official si Dad,"malungkot na saad ko. "Hija, ito ang mundong nakasanayan ng Daddy mo. Masaya siya na makapag lingkod sa lalawigan at sa mga tao. Isa pa, maganda na rin iyong nasa posisyon ang Daddy mo at least mas mapapangalagaan niya ang kapakanan nating lahat at mapoprotektahan ang ating mga negosyo. Iha, katumbas ng kayamanan ay kapangyarihan at sa mundo natin kailangan meron tayo nun," paliwanag ulit ng Mommy ko. Tumahimik at nakinig na lang ako sa mga sinasabi ng Mommy na hindi na rin naman bago sa pandinig ko. Alam kong namumuhay kami na sobra pa sa salitang 'marangya' at ang lahat ng iyon ay dahil sa sipag at dedikasyon ng mga magulang ko. Anak ako ni Governor Vincent Escat at ng Business-socialite na si Monique Preysler kaya maituturing akong isang batang lubos na pinagpala. Sa katunayan ay narito ako ngayon sa London at nag-aaral sa isang eskwelahan na tanging mayaman lang ang may kakayahan at karapatan mapabilang. Mga school mates at classmates niya karamihan galing sa iba't ibang bansa meron pa nga mga anak ng hari,presidente,prime ministers at mga kilalang businessman sa buong mundo. "Okay Mom, please say hi to Dad and the two little monkeys and kiss them for me," paalam ko sa Mommy. "Okay hija, you take care. We love you, bye," saad naman ng Mommy ko bago ko pinindot ang end call button. Mabilis na lumipas ang dalawang buwan at narito na ako ngayon sa entablado upang tanggapin ang award at certificate katunayan na matiwasay akong natapos ang senior high school with high honors. Masayang-masaya ako dahil nakarating ang buong pamilya, ang Daddy, Mommy at ang dalawa kong nakababatang mga kapatid. "Congratulations, hija!" masayang bati ng Mommy at Daddy ko sabay yakap ng mahigpit sa kanya. "Thank you so much Mom,Dad!" maluha-luhang saad ko sa kanila. "Congratulations! We missed you ate," sabay na bati ni Kendra at Kennon at inaabot ang malaking bouquet of flowers sa akin. "Ohhhh thank you my two little monkeys! I really missed you both!" excited na saad ko sa mga kapatid ko sabay yakap ng mahigpit sa kanilang dalawa. "Okay babies, today is a very special day so we are going to celebrate! We will go eat in a very nice restaurant and after that we are going shopping. You get whatever you want!"excited na saad ng Daddy ko. "Wow, is that a promise Dad?" biro ni Mommy. Masaya naming nilisan ang venue ng graduation at sumakay sa isang rented luxury car kasama ang driver at pumunta sa mga lugar na gusto namin mapuntahan. Pagkatapos namin maglibot sa iba't ibang lugar sa England ay pumunta kami sa Disneyland sa Paris, France at sa iba't ibang bansa sa buong Europe. Sobrang saya ko sa mga panahon na iyon ay nasolo namin ang Daddy. Wala itong ginawa kundi ibuhos ang buong atensyon sa aming lahat sa maikling panahon na magkakasama kami sa ibang bansa. Ang hindi ko alam ang sobrang kasiyahan namin ay nalalapit ng mapalitan ng pighati at kalungkutan. "Dad,Mom sana ganito tayo lagi… magkakasama at masaya," saad ko habang kumakain kami sa isang restaurant malapit sa London Heathrow airport pauwi na kami ng Pilipinas at kailangan daanan namin ang apartment ko para kunin ang mga gamit at ipa close contract na rin sa may-ari. "Don't worry hija, kapag nasa Pilipinas na tayo ay pipilitin kong mas magkaroon ng oras para sa inyo at ngayong nalalapit na ang eleksyon ay isasama ko kayo sa mga kumpanya para mas makilala kayo ng mga tao,"nakangiting sabi ng Daddy ko. "Hon,you knew it's not a good idea," sabat naman ng Mommy. "But hon, in that way makakasama ko kayo at isa pa mas mabuting nakikita ng mga tao na nasa likod ko kayo, buo at masayang pamilya," sagot naman ng Daddy. "But it's too risky alam mo naman na marami kang nakagalit at nakalaban sa pulitika paano…,"si Mommy na nasa boses ang pag-aalala at hindi na natuloy ang sasabihin dahil sinaway ng Daddy. "Sshhhh honey please let's not talk about it in front of the kids don't worry sa politics magkaaway lang kami niyan sa panahon ng eleksyon pagkatapos eh bati-bati na ulit at tinatanggap kung sino ang nanalo at natalo," paliwanag ng Daddy. "Mom, Dad ang mabuti pa huwag na muna natin pag-usapan ang tungkol sa mga bagay na yan," saway ko sa kanila. "Okay, by the way hija ano nga pala ang gusto mong kuning kurso sa kolehiyo?" tanong ng Daddy. "Hindi pa po ako sure Dad. Pero gusto ko po sana maging isang Lawyer pagdating ng araw," sagot ko. "Wow, that's an interesting career! You have enough time to think about it anyway, maraming preparatory to law courses na pwede mong pagpilian and we will support you all the way," excited na saad ng Daddy. "Yes hija, with that you can choose whether to handle our family business or enter into politics," saad naman ng Mommy. "Mom, I want to be a Human rights Lawyer or be a Public Attorney someday. Mas gusto kong makatulong sa mga taong inaapi at walang kakayahan magbayad ng abogado para ipagtanggol sila," sagot ko naman na lalong nagpamangha sa mga magulang ko. "Wow hija napaka dakila ng puso mo, you have a heart who deserve to be a public servant," very proud na sabi ng Daddy. "Syempre po anak niyo ako eh," nakangiting saad ko kay Dad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD