Chapter 2

1451 Words
Sabay-sabay kaming umuwi ng Pilipinas at nagdaos ng isang malaking handaan upang ipagdiwang ang ika labing-walo na kaarawan ko at ang pagtatapos ko ng senior high school with high honors. Super proud parents ang mga magulang ko at ipinagmamalaki sa lahat ng mga bisita. Ang karamihan ay lubos na masaya para sa buong pamilya ngunit meron naman sobra-sobra ang inggit at pait na nararamdaman sa mga sarili tulad na lang ng auntie Julienne ko na kaisa-isang kapatid ng Daddy na mula pagkabata ay may lihim na poot at panibugho para sa kuya niya at ngayon ay pati na sa buong pamilya nito. "Sige magsaya kayo ngayon hanggang gusto niyo! E-enjoy niyo ang mga nalalabing araw niyo dito sa mundo pati ang mga ngiti at pagtingala sa inyo ng mga tao dahil hindi na magtatagal ay si kamatayan na ang haharapin at pakikitunguhan niyo! Hintayin niyo ang araw na ako naman ang malagay sa kinatatayuan niyo mga tanga!" kausap nito sa sarili habang ngingisi-ngisi sa sulok hawak-hawak ang baso ng mamahaling wine. Nasa ganoong pag-iisip siya ng biglang mag-ring ang smartphone niya. "Oh napatawag ka, kumusta ang pinatatrabaho ko sa inyo?" bungad kaagad ni auntie Julienne sa kausap niya. "Yes madam areglado na," sagot naman ng nasa kabilang linya. "Siguraduhin niyong hindi papalpak ang mga tao mo kung hindi kayo ang papupugutan ko ng mga ulo!" mahigpit na bilin ni auntie Julienne sa tauhan niya. "No problem madam, huwag kayong mag-alala at sanay na sanay ang mga tao ko sa ganitong trabaho sisiw lang sa amin to," pagyayabang naman ng nasa kabilang linya. "Siguraduhin niyong dead on the spot at madamay na ang madamay importantante walang makaligtas at kumanta at siguraduhin niyong hindi kayo mag-iiwan ng kahit anong ebidensya ha at isisisi sa mga taong labas ang lahat ng mangyayari!" bilin ulit ni auntie Julienne. "Masusunod madam," sagot ulit ng tauhan niya. Habang kausap ni auntie Julienne ang kung sinuman na nasa telepono hindi nito namalayan na nasa likod niya na pala ako at narinig lahat ang sinabi niya. "Ehem...A-auntie a-andiyan lang po pala kayo, pinapatawag po kayo ni Daddy para ipakilala sa mga kapartido niya," saad ko na hindi maiwasang mabulol dahil sa kaba. Ang auntie Julienne ay isang kilalang socialite ngunit hiwalay sa asawa at may dalawang anak na halos kaedaran ko lang din. Dahil likas na mayaman ang pamilya ng Daddy ko kaya maraming naiwan na kayamanan sa Daddy at auntie Julienne ng pumanaw ang mga ito. Ngunit magkasalungat ang ugali ng Daddy at ng auntie Julienne. Likas na masipag ang Daddy ko at marunong sa buhay katunayan ay isa itong topnotcher sa Bar examination noon pero mas piniling pumasok sa pulitika samantala ang auntie Julienne ay hindi ginagamit ang pinag-aralan para magtrabaho. Naging dependent ito sa asawa at sa mga minana niya mula sa mga magulang at ngayong hiniwalayan siya ng asawa ay sa suporta naman nito para sa dalawang anak nila kumukuha ng ginagastos sa pakikipag sosyalan at pagsusugal sa casino. Iyon ang paboritong gawin ng auntie Julienne ang maglustay ng salapi pati ang pagpatol nito sa iba't ibang lalaki ay hindi rin lingid sa amin. Ito marahil ang dahilan bakit siya hiniwalayan ng asawa. "Kanina ka pa riyan?" tanong ng auntie Julienne na biglang nanlaki ang mata. "Ah, ha, eh hindi naman po," kinakabahan na sagot ko. "Are you sure?" naninigurado ulit na tanong ng auntie Julienne. "Ye-yes auntie" sagot ko naman na hindi ko maintindihan bakit sobra akong kinabahan sa mga narinig ko. "Anyway sige mauna kana at susunod na lang ako tatapusin ko lang 'to,"s aad ng auntie Julienne sabay hugot ng sigarilyo at nagsindi. "Okay po auntie," sabi ko sabay talikod. Habang naglalakad pabalik sa garden kung saan naroon ang mga magulang at mga bisita ay hindi ko maiwasan alalahanin ang mga salitang narinig ko na sinabi ng auntie Julienne sa kung sinuman ang kausap nito sa cellphone. "Sino kaya ang kaaway ni auntie," salita ko mag-isa gunit kinikilabutan ang buong katawan ko na hindi ko maintindihan. Naudlot ang pag-iisip ko ng bigla akong masagi sa balikat ng pinsan kong si Mitch anak mismo ng auntie Julienne at may mga kasama itong mga kaibigan. "Ohhh there you are! My righteous and perfect cousin!" sarkastikong saad nito sa akin. "Hi Mitch, mabuti nandito ka," mapagpakumbaba na sagot ko kahit alam kong hilaw ang pagbati sa akin ng pinsan ko. "Yes I am here with my friends para hindi mo naman sabihin in-snob ko ang pa-party mo! Anyway congratulations and happy birthday! Ikaw na ang lubos na pinagpala Señorita Kassandra!" tila nang-uuyam na saad ni Mitch ngunit hindi ko ito pinatulan. "Ta-thank you, please enjoy the night. I'll just go to the restroom," paalam ko. Pagka balik ko mula sa restroom ay nakita ko na nandon na ang auntie Julienne sa tabi ng Daddy at Mommy ko at pare-parehong nakikipag-usap sa mga bisita. Doon magaling ang auntie ang makipag plastikan sa mga kapwa socialite. Pansamantalang kinalimutan ko ang tungkol sa mga narinig sa auntie ko at masamang kutob at inabala ang sarili sa pag entertain sa mga bisita ko. Hanggang sa natapos ang party at isa-isang nag alisan ang mga bisita. "Congratulations and happy birthday ulit hija!" bati ng auntie Julienne bago ito nagpaalam sa Daddy at Mommy ko. "Thank you po auntie and thanks for coming," sagot ko naman. "Of course I cannot miss your special day hija," pakunwaring saad nito. "Bye kuya Vince, bye ate Monique. Goodnight!" paalam nito bago sumakay sa kotse niya. "Bye Julienne, ingat sa pagda-drive medyo nakainom ka," paalala ng Daddy ko. Hanggang kaming tatlo na lang ang naiwan maliban sa mga katulong na puro abala sa paglilinis sa naiwang kalat. "Mom, Dad, thank you so much for everything," taos-pusong pasasalamat ko sabay yakap ng mahigpit sa aking mga magulang. "You're very much welcome hija. Ngayon ay ganap kanang dalaga at hindi lang basta dalaga...matalino at napakagandang dalaga,"very proud na saad ng Daddy. "We are very proud of you, hija. May hihilingin lang kami ng Daddy mo sa'yo," saad ng Mommy na tinitigan ako mula ulo hanggang paa. "What is it Mom,Dad?" tanong ko sa kanila. "Ngayon na nasa legal age kana sana maging matatag at matapang ka hija at protektahan mo lagi ang iyong sarili at mga kapatid mo. Sa nalalapit na eleksyon ay muli akong tatakbo bilang gobernador at alam kong nasa hukay ang kabilang paa ko sa dami ng nakalaban ko sa pulitika kaya ngayon na dalaga kana sa'yo namin ihahabilin ang responsibilidad sa mga kapatid mo kung sakaling wala na kami ng Mommy mo," habilin ng Daddy na parang namamaalam. Hindi ko naman napigilan na hindi pumatak ang luha sa mga narinig. "Dad please don't say that," naiiyak na saad ko sabay yakap ulit kay Dad. "Your Dad is right hija, hindi natin masasabi kung ano ang mangyayari in the future kaya mas mabuti iyong lagi tayong handa lalong-lalo kana dahil ikaw ang panganay at maliit pa ang mga kapatid mo. Maski ako man bilang CEO at Chairwoman sa sarili nating kumpanya ay alam kong maraming naiinggit sa posisyon ko at marami rin akong kakumpetensiya sa negosyo kaya pareho lang kami ng Daddy mo hija," pagsang-ayon ng Mommy sa mga sinabi ng Daddy. Ang Preysler-Escat Group of companies ay kilala sa buong bansa pag-aari ito ng Mommy at Daddy ko dahil produkto namin sa hacienda ay iba't ibang prutas tulad ng pinya, mangga, saging, lanzones at iba pa, pati tubo at mga abaka ay nakapag desisyon sila na palawakin ang negosyo pati sa ibang bansa sa pamamagitan ng pag-export ng mga ito maliban sa pag supply ng fresh fruits so buong bansa at nag expand din sila through canned fruits na mabentang-mabenta sa mga super markets. "Mommy please huwag po nating pag-usapan ang mga bagay na ito, kinikilabutan po ako. Isipin ko pa lag na mawawala kayo sa amin ng mga kapatid ko ay hindi ko po kakayanin," patuloy ko sa pag-iyak. "We are really sorry if we have to talk about it. But it's the reality of life you should learn to accept," saad ulit ng Daddy. Sandali na naman akong tumahan at nag-isip sabay pahid sa mga luha ko. "Okay Dad, Mom, I promise na magiging matatag at matapang ako hindi lang para sa sarili ko kundi para na rin sa mga kapatid ko ngunit ipangako niyo sa akin na hindi niyo kami iiwan na mabubuhay kayo ng mahabang panahon ng sa ganun ay makita niyo pa kami ng mga kapatid ko na inaabot ang aming mga pangarap sa buhay," sagot ko naman sa kanila. "We promise that hija," sabay na wika ng Mommy at Daddy at niyakap ako. "Oh siya sige pumasok na tayo at nang makapag pahinga," saad ulit ng Mommy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD