Chapter 3

1436 Words
Kinabukasan ay maaga pa ring akong nagising excited akong pumunta sa rancho na nasasakop mismo ng hacienda at makita ang kabayo kong si Thunder. Tuwing bakasyon ko lang ito na kakasama. Habang ang ibang anak ng mayaman ay nasa ballet and piano lessons sa murang gulang, ako ay nasa ibabaw ng stallion at nang magdalaga habang ang mga kasing-edad ko ay nasa disco at social functions, ako ay dalubhasa na sa martial arts at pagpapalipad ng helicopter and a markswoman. Imbis na makipagkita o makipag salamuha sa mga kaedaran ko ay mas pinipili kong mamalagi sa hacienda at makisalamuha sa mga trabahador. Mas gusto ko rin ang matuto sa mga gawain dun at maglibot sakay sa kabayo ko at paborito kong puntahan ang cliff na malapit sa waterfalls sa may dulo ng hacienda. Lumipas ang mga araw at linggo ay ganun ang naging ikot ng mundo ko kung hindi makipaglaro sa mga kapatid ko ay nasa hacienda naman o kaya pumupunta ako sa kumpanya at nanonood sa produksyon kung saan labis na ikinatuwa ng Mommy. Habang ang Daddy ko ay opisyal nang nag file ng Certificate of Candidacy bilang pagka gobernador ulit sa probinsya namin ay lalong naging abala ito sa pangangampanya. Isang umaga habang sabay-sabay kaming nag-almusal ay nabanggit ng Daddy ko na papupuntahin ang Family Lawyer para gawin ang Last Will and Testament ganun din ng Mommy. "Hija, Attorney Velasquez is coming today gusto kong ipaayos lahat ng papeles tungkol sa lahat ng pag-aari namin ng Mommy niyo at pagkatapos ay gagawa kami ng Last Will and Testament na ang mga pag-aari namin ay ilipat sa pangalan mo at pagdating mo sa edad na beinte-uno ay ikaw na ang magiging tagapagmana at tagapamahala sa lahat kung sa panahon na iyon ay wala na kami ng Mommy mo," salaysay ng Daddy na ikinagulat ko. "Dad, Mom?" nasambit ko na lang ng na nag-unahan na naman ang luha ko sa pagpatak. "Hija,pinag-usapan na natin ito diba?" saad naman ng Mommy at pinisil ang mga palad ko. "Pero Mom," pagsalungat ko sana. "We just want to make sure that you and your siblings are fine kahit na mawala na kami," paliwanag ulit ng Mommy. Habang nasa ganoong pag-uusap kami ay hindi namin namalayan na kanina pa nakikinig si auntie Julienne na nasa likod ng dingding papuntang dining area. Maaga siyang pumunta para maabutan ang kuya Vincent niya at manghihiram sana ng pera. Malaki na naman ang naitalo niya sa Casino nitong mga nakaraang araw at pati pan tuition ng mga anak ay ipinan sugal ngunit hindi niya inaasahan na ganun ang maririnig niyang usapan naming mag-anak kaya imbis na dumiretso sa Kuya niya ay dali-daling umalis at may tinawagan. "Ringgo!" bungad niya kaagad sa tauhan niya sa cellphone. "Yes Madam," sagot naman ng nasa kabilang linya. "Isagawa niyo na ang plano sa lalong madaling panahon! Narinig ko si Kuya magpapagawa na daw silang mag-asawa ng Last Will and Testament sa abugado nila at lahat ng kayamanan ay iiwan kay Kassandra. Kailangan bago mangyari yun ay magawa niyo na ang plano! Bukas ng gabi ay magkakaroon sila ng Meeting de avance sa plaza kasama si Ate Monique siguraduhin mong hindi na sila makarating dun! Bahala na kayo kung paano niyo gagawin basta kinabukasan din pagsikat ng araw ay kailangan laman na sila ng balita at mga peryodiko na parehong patay sa ambush! Palalabasin nating mga NPA ang gumawa! Maliwanag?" bilin ni auntie Julienne sa tauhan niya. "Areglado madam, bukas na bukas din ay nangyayari ang gusto niyo," nakangising sagot ng nasa kabilang linya. Kaagad namang pinatay na ni auntie Julienne ang cellphone at nagsindi ng sigarilyo. "Pasensiyahan tayo Kuya pero kailangan kong gawin ito. Baon na baon na ako sa mga pagkakautang ko isa pa, bagay lang sa'yo to total hindi naman kita tunay na kapatid kaya pala hindi patas ang pagbibigay ng pamana nila Daddy. Ginawa nila akong pulubi tanging limos lang ang ibinigay sa akin kumpara sa ibinigay nila sa'yo!" salita ni auntie Julienne mag-isa habang sige ang hitit ng sigarilyo. Kailan lang natuklasan niyang ampon lang pala siya ng hindi sinasadyang makalkal niya ang mga dokumento tungkol sa pag-ampon sa kanya sa library ng Daddy nila. Dahil sa iniwan sa kanya ni Daddy ang mansion ng mga magulang nila mula ng hiwalayan ito ng asawa kaya si auntie Julienne at mga anak nito ay nakatira sa ancestral house ng mga Escat kahit pa nanatili kay Daddy ang pangalan at titulo nito kaya ng naisip ni auntie Julienne na ipalinis at ipinatapon ang mga lumang gamit pati mga ilang papeles na nakatago roon ay nakita niya ang adoption paper na iyon at doon nasagot lahat ng mga tampo niya sa mga magulang at doon din nagsimula ang mga plano niya. Alam niyang maski ang kuya niya ay hindi alam ang pagiging ampon niya dahil ni minsan hindi ito nagpakita ng kahit anong senyales na hindi sila tunay na magkapatid. "Kung inaakala niyong basta ko nalang tatanggapin ang kakarampot na awa niyo sa akin Mommy, Daddy ay nagkakamali kayo! Magsama-sama kayo sa langit ng paborito nyong anak pati ang manugang niyo na mas minahal niyo pa kaysa sa akin!" nagngingitngit sa salita ni auntie Julienne mag-isa. Kinabukasan ng gabi ay maaga kaming naghapunan at nag gayak para sa pagpunta sa plaza sina Mommy at Daddy. Sa gabing ito gaganapin ang pagpapakilala ulit ng Daddy sa mga tao bilang re-electionist. Bago umalis ay mahigpit kaming niyakap na tatlong magkakapatid. "We love you so much my babies. Always take care of each other, okay?" saad ng Mommy na parang hindi na babalik ngunit hindi ko na pinansin dahil laging ganun ang mommy sa tuwing aalis. "Wish me luck mga anak sana ay tangkilikin pa rin ako ng mga tao at nang makabalik ako ulit sa kapitolyo," saad naman ng Daddy. "We love you so much Daddy, Mommy," sabay naman na saad nina Kendra at Kennon. Tahimik lang ako at nagpaubaya sa mga kapatid ko hindi ko maintindihan at sakop na naman ng matinding kaba ang buong katawan ko ngunit hindi ko naisatinig ayaw kong bigyan ng alalahanin ang mga magulang ko sa gabi na yun. "You take care Mom, Dad, please be home soon... I'll wait for you," sabi ko sa kanila. Nakaalis na sina Mommy kasama ang mga bodyguards ng Daddy nag convoy ang tatlong sasakyan nauna ang puting van ng bodyguards, pangalawa ang montero sakay ang Mommy at Daddy kasama ang dalawa pang bodyguards at pangatlo ang isa pang gray na van at sakay ang iba sa mga supporters at bodyguards din ngunit hindi pa rin ako mapakali. Naninindig ang balahibo ko sa buong katawan at pakiramdam ko ay inaatake ako ng nerbiyos lalo na ng sundan ko ng tingin ang daan na tinahak ng tatlong sasakyan ay may nakita akong itim na pusa na bigla na lang tumawid at naglaho din sa dilim. Sa probinsya namin ay naniniwala ang mga tao na isa iyong masamang pangitain kaya lalo akong sinalakay ng takot mula ng marinig ko ang mga sinabi ng auntie Julienne ay para na iyong bangungot na laging pumapasok sa isipan ko. Mula sa labas ay dumeretso ako sa kusina at kumuha ng tubig at dinala sa kwarto. Doon pilit kong pinapabatag ang sarili kaya pumunta ako sa veranda at doon tahimik na pinagmasdan ang kadiliman ng gabi at lalo akong sinalakay ng kaba ng hindi ko sinasadyang nabitawan ang baso na may lamang tubig at nabasag ito. Dali-dali kong nilinis at pumasok na sa kwarto at binuksan ang tv. Ayaw kong matulog parang may nagsasabing huwag akong matutulog at isa pa nangako akong hihintayin ang pag-uwi ng mga Mommy at Daddy. Magdadalawang oras na mula ng umalis ang Mommy at Daddy ko ng mag-ring ang smart phone ko at nagulat ako dahil hindi ko kilala ang number ng tumatawag. "He-hello," sagot ko. "Miss Kassandra Escat?" tanong ng nasa kabilang linya. "Yes speaking," sagot ko ulit. "Ma'am this is Lieutenant Dimaano ng Provincial Police District. Ikinalulungkot ko pong ipaalam sa inyo na patay na po sina Governor Vincent and Monique Escat through ambush ma'am. Pareho po silang dead on the spot sa pinangyarihan ng krimen," pagbabalita ng nagpakilalang pulis sa kabilang linya. "No! Please no! Sabihin mong hindi totoo yan! Please no! Huhuhu…Mommy! Daddy! Huhuhu…," hiyaw ko. "I'm really sorry ma'am pero iyon po ang totoo. Wala pong nakaligtas pati ang mga bodyguards ay patay din," pagpapatuloy ng pulis sa kabilang linya. Hindi na ako nakakapagsalita at iyak na lang ng iyak. Nanginginig ang buong katawan ko at naghehestirical na ako ng biglang nagsi akyat ang mga katulong at inalam kung anong nangyari sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD