NANGINGINIG ang buong katawan ko sa masamang balita na sinabi sa akin ng District police na nakausap ko. Sa katunayan ay nabitawan ko pa ang telepono sa sobrang pagkabigla. Pakiramdam ko ay biglang nanlalamig ang buong katawan ko at nawalan ako ng lakas. Para akong nauupos na kandila ng napasalampak at humagulgol nalang sa mismong sahig na kinatatayuan ko kanina.
"Señorita… Señorita! Ano po ang nangyari? Bakit po kayo biglang napahagulgol?" agad na saklolo sa akin ng ilang mga katulong na naglilinis hindi kalayuan sa akin.
"M-Manang… Manang… Huhuhu, sina Mommy at Daddy patay na daw sabi ng tumawag sa akin na nagpakilalang pulis at inambush daw huhuhu…" paliwanag ko sa pagitan ng aking pag-iyak.
"Ano?" sabay-sabay na nasambit ng mga katulong.
"Manang… Manang, huhuhu… Ano po ang gagawin ko? Paano na kami ng mga kapatid ko?" mga tanong ko na hindi rin masagot ng mga katulong habang patuloy ako sa pagtangis at maging sila ay nag si-iyakan na rin.
"Hija, huminahon ka kailangan mong magpakatatag para sa mga kapatid mo," saad ng mayordoma na si Manang Chedeng.
Lalo naman akong napa hagulgol sa sinabi ni Manang Chedeng. "Manang, please tawagin mo ang driver aalis tayo at pupuntahan natin sina Mommy at Daddy gusto ko silang makita. Please, Manang," pakiusap ko.
Dali-dali namang bumaba ang isang katulong at ipinahanda ang sasakyan. Ako naman ay binigyan ng tubig at pinag suot ng jacket saka kami umalis. Mula sa amin sa Rosario ay nasa forty minutes ang biyahe it's about 30.3km nag via Ibaan Road and San Jose-Ibaan to Batangas,City at sa bayan ng San Jose naganap ang krimen. Pagdating namin sa crime scene ay naroon na ang mga taga Scene Of the Crime Operatives or SOCO, pulis at mga militar. Marami na rin ang mga taga media na agad akong dinumog at pinag tatanong sabay kuha ng kuha ng mga litrato. Nakasecure na ang buong area at may nakalagay nang mga barrier para hindi na malapitan ang mga biktima. Halos himatayin na ako nang makita ko ang sinapit ni Mommy at Daddy pati ang mga bodyguards. Tadtad sila ng bala lahat pati ang tatlong sasakyan.
"Mommy! Daddy!" malakas kong sigaw at patakbo ko sanang lalapitan ang mga nakahandusay at wala nang buhay na katawan ng aking mga magulang ng awatin ako ng mga pulis.
"Please calm down, Miss Escat," hawak na po ng SOCO ang buong crime scene at hindi na po natin pwedeng lapitan at galawin bilang pagsunod sa Standard Operating Procedure po," paliwanag ng pulis.
Wala akong magawa kundi ang humagulgol na lang at nakaluhod sa lupa habang tinitingnan ko ang ginagawa ng mga taga SOCO. Pagkatapos makunan ng litrato ang bawat anggulo at makuha ang kahit anong pwedeng maging ebidensya at isakay ang lahat sa ambulance. Pinaubaya ko na ang lahat sa mga awtoridad at naghihintay na lamang ako ng instructions sa kung anong dapat gawin. Pagkatapos ma-autopsy ang lahat ay nagdesisyon ang mga kanya-kanyang pamilya ng mga bodyguards at drivers na iuwi ang mga labi sa kani-kanilang tahanan at doon paglamayan at si Mommy at Daddy ay pinili kong sa Hilltop mansion namin mismo sila ilagak sa Rosario kung saan naroon din ang Hacienda Escat na minana ni Daddy mula sa mga magulang niya.
Sa malaking silid na kinaroroonan ng labi ng mga magulang ko di kalayuan sa sala ay nagagayakan ng makapal na kurtina na puti at mga koronang bulaklak. Sa dulo niyon ay nakalagak ang brass coffin na kina hihimlayan ng labi ni Daddy at ni Mommy na napapalibutan ng mga ilaw na may malamlam na liwanag. Nakadikit sa isang bahagi ng dalawang kabaong ang mga ribbons na may nakasulat na mga mensahe sa wikang espanyol at ingles gayundin ang pangalan na bumubuo sa angkan namin.
Nakita ko kung gaano ka popular si Daddy halos buong probinsya ng Batangas ay nakiramay sa pinakamayaman at pinaka makapangyarihang tao sa probinsya na ito. Araw-araw, gabi-gabi ay laging sobrang dami ng tao ang pumunta para makiramay. Mugtong-mugto na ang mga mata ko sa ka iiyak, ni hindi ko na halos maidilat ang mga ito. Marami rin ang malayong mga kamag-anak at kaibigan ang pumunta mula sa mga karatig na probinsya para makiramay maliban sa isa. Hinihintay ko ang auntie Julienne na ang sabi ay kasalukuyang nasa Hongkong at nagsa-shopping nang mangyari ang krimen. Si Auntie Julienne ay sa Ancestral house ng mga Escat nakatira sa Heritage Village sa Taal, Batangas at kami ay nasa Rosario nasasakop ng Hacienda. Ang pinagtataka ko ay hindi man lang ito nagmamadaling umuwi ng sa ganun ay personal na maasikaso ang pagkamatay ni Daddy.
Sa side ng Mommy ko ay wala akong masyadong kilalang kamag-anak dahil nag-iisa itong anak at alam kong pawang nasa Spain ang mga kamag-anak ng Mommy ko at wala na rin ang mga magulang niya kaya tanging si auntie Julienne lamang ang pinakamalapit naming kadugo. Ilang gabi ng nakaburol ang mga magulang ko ay wala pa rin si auntie Julienne kaya tanging ako at mga kasambahay namin ang naroon para humarap sa mga taong nakikiramay hanggang isang gabi ng lamay ay saka lang dumating si auntie Julienne.
"Hindi ko akalain na ang pagkikita natin kuya ay ang magiging huli na huhuhu," turan ni auntie Julienne na lumapit kasama ang mga anak na sina Mitch at Krizel.
Nakasuot ito ng purong itim na damit at nakasalamin ng makapal kahit gabing-gabi na. Pagkatapos ay hinarap ang mga bisitang nandoon at ni hindi kami halos kinumusta ng mga kapatid ko pero sinadya ko rin na hindi siya pansinin at niyakap ko ng mahigpit ang mga kapatid ko na parang sa kanila ako kumukuha ng lakas dahil nang makita ko si Auntie Julienne ay tila bigla akong nanginig at nanghina. Ngunit mas lalong naghihirap ang kalooban ko sa tuwing nanghihingi ng paliwanag ang mga kapatid ko.
"A-Ate, bakit po hanggang ngayon naka sleep pa rin si Mommy at si Daddy?" tanong ni Kennon na anim na taong gulang pa lamang.
"Oo nga ate, gustong-gusto ko na silang mayakap," saad naman ni Kendra na walong taon gulang pa lang.
Sobrang nadudurog ang puso ko sa tuwing nakikita ko ang mga kapatid ko na hindi pa masyadong maintindihan ang mga pangyayari kaya imbis na sumagot ay niyakap ko sila ng mahigpit at napaiyak na naman ako.
"Ate, bakit ka umiiyak natutulog lang naman si Mommy at si Daddy diba?" tanong ulit ni Kennon na lalong nagpa hagulgol sa akin.
"Ate, tumahan kana halos hindi mo na maidilat ang mga mata mo sa ka iiyak," saway sa akin ni Kendra.
"Kendra, Kennon, Mommy and Daddy are both dead means they will not wake up anymore," paliwanag ko sa mga kapatid ko.
"Ate, you mean kinuha na sila ni God?" tanong ulit ni Kennon samantala si Kendra ay tahimik na umiiyak.
"Yes baby, kasama na nila si Papa Jesus," sagot ko kay Kennon.
"How about us? How about me? Hindi na kami magkatabing matulog?" mga tanong ni Kennon na parang punyal na tumatama sa puso ko.
"I'm really sorry baby pero mula ngayon ay ako na ang makakatabi niyo sa pagtulog at ako na rin ang mag-aalaga sa inyong dalawa ni ate Kendra mo," sagot ko kay Kennon.
"Huhuhu... Ate, I really miss Mom and Dad," si Kendra na biglang napahagulgol ng lubos na nitong maintindihan ang mga paliwanag ko sa kanila.
"Huwag kayong mag-alala nandito ako at hinding-hindi ko kayo pababayaan. Hinding-hindi ko kayo iiwan," pag-aalo ko sa mga kapatid ko.
***
ISANG araw makaraang dumating sa hacienda ang pamilya ni auntie Julienne na umuwi rin naman kaagad nang gabing iyon ay inihatid na sila Daddy at Mommy sa huling hantungan sa tabi ni Don Eulalio at Doña Gliceria Escat sa family mausoleum na nasa loob mismo ng Hacienda Escat at doon umeksena si auntie Julienne na biglang dumating.
"Wait! Wait!" sigaw nito habang isenesenyas ang mga kamay na ihinto ang pagpasok sa mga kabaong sa nitsu.
Lahat ng tao ay nag silingunan sa kanya puro itim ang suot at may vielo pa na nakalagay sa ulo plus dark sunglasses. Dahil sa sigaw niya ay huminto ang mga taga punerarya sa ginagawa nila.
"Kuya! Kuya! Ate Monique! Huhuhu… Bakit niyo kami iniwan huhuhu… Paano na ako sino pa ang lalapitan ko? Paano na ang mga bata? Kuya… huhuhu ikaw na lang ang kaisa-isang pamilya ko tapos iniwan mo pa ako huhuhu… Ate Monique… hipag ko huhuhu…!" mga hiyaw ni auntie Julienne habang niyayakap ang kabaong ni Daddy at ni Mommy.
Mga ilang minuto rin siya sa ganoong kalagayan hanggang may isang malapit na kaibigan ng pamilya ang lumapit at inalis siya sa kabaong ni Daddy sabay senyas na ituloy na ang pagpasok sa mga ito.
"Tama na Julienne hindi maganda na mapatakan ng luha ang kanyang kabaong magiging mabigat ang pag-akyat nila sa langit," saway ng isang kolehiyala.
"Hindi ko matanggap ang sinapit ni kuya at ate Monique masyadong brutal ang ginawa ng mga salarin na yun sa kanila huhuhu," iyak pa rin niya.
Habang nag-iiiyak si auntie Julienne ay iba ang nararamdaman ko. I don't feel any sincerity from her at bigla kong naalala ang gabi ng debut ko na narinig ko siyang may kausap sa cellphone at puro brutal ang sinasabi sa kausap nito. Gustong-gusto ko sana siyang komprontahin at bakit kung kailan ililibing na sila Daddy ay saka lang siya dumating ngunit pinigilan ko ang sarili ko ayaw ko ng magulo ang araw ng tuluyang paglisan ng mga magulang ko.
Nang matapos ang libing ay isa-isa rin nagsi-alis ang nga tao at ako mas pinili ko ang magpa-iwan mag-isa. Pinauna ko ng umuwi ang mga kapatid ko kasama ang mga katulong. Habang nag-iisa ako sa puntod ni Mommy at ni Daddy ay halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Nandoon ang pangungulila at sobrang sakit na nararamdaman ng puso ko sa tuwing naiisip ko ang mga kapatid ko.
"Mom,Dad, kung saan man kayo naroroon ay sana masaya pa rin kayong magkasama. I promise na tutuparin ko ang lahat ng mga ihinabilin niyo sa akin at magiging matatag po ako at darating ang araw maibibigay ko sa inyo ang hustisya," kausap ko sa kanila bago ako umalis.
Habang nasa sasakyan ako kasama ang driver namin ay pilit kong iniisip kung sino ang pwedeng gumawa nito sa mga magulang ko ngunit wala akog matandaan na kaaway nila. Maski ang Daddy ay walang nabanggit ni misan noong nabubuhay pa ang mga ito o maski ang Mommy. Although alam kong marami silang kakumpetensiya sa negosyo at pulitika. Sa dami ng iniisip ko na posibleng gumawa ay may isang tao na pilit sumisiksik sa isipan ko at iyon ay si auntie Julienne ngunit pilit kong sinasaway ang aking sarili dahil mahirap magbintang lalo na at wala akong sapat na katibayan. Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa mansion dahil sa sobrang pagod at puyat ay nakatulog pala ako sa sasakyan.
"Señorita, Señorita… gising na po at nandito na tayo sa mansion," saad ni Manong Greg ang personal driver ko kapag nandito ako sa Pilipinas at bakasyon sa klase.
Pupungas-pungas akong pilit idinidilat ang mga mata at agad naman tumalima si Manong Greg para ipagbukas ako ng pinto.
"Salamat po Manong," saad ko.
"Señorita kung may kailangan po kayo huwag kayong mag-atubiling magsabi," saad naman ni Manong habang inaalalayan ako.
Pagka baba ko ay tumingala ako sa aming malapalasyong mansion na may dalawang palapag at may touch ng pinaghalong greek at roman architecture and modern way structure. Sobrang lungkot ko ng nagbalik sa isip ko ang lahat ng alaala ni Mommy at ni Daddy. Maski ang bahay ay tila umiiyak at nangungulila. Napaka tahimik ng buong kapaligiran. Nilingon ko ang buong paligid lalo na ang garden na alagang-alaga ng Mommy ko ang mga naggagandahang orchids at long stemmed roses na iba't iba ang kulay. Maski ang mga ito ay tila nagluluksa din. Umaagos na naman ang mga luha ko na tila hindi na napagod. Hinayaan ko lang at tahimik akong naglalakad papunta sa pool at naupo sa garden set na nandoon ang paborito naming mag-anak kainan kapag Linggo at lahat ay nasa bahay. Doon ko hinayaan umagos ang mga luha ko at ng tila naubos na ay saka ako huminga ng malalim at naglakad papasok sa mansion.
"Señorita, kumain po muna kayo bago umakyat sa kwarto ilang araw na pong wala kayong maayos na pagkain at ang laki na po ng binagsak ng katawan niyo," salubong sa akin ng isa sa mga katulong na si Lira.
"Wala pa rin akong gana pakidalhan mo na lang ako ng gatas sa kwarto please," sagot ko sa katulong at tuloy ako sa hagdan.
"Ah okay po señorita," sagot nito na kaagad nagtungo sa kusina.
Pagkatapos kong inumin ang gatas ay pinilit kong makatulog. Gusto kong maging malakas para sa panibagong yugto ng aking buhay at ang mga kapatid ko.
***
LUMIPAS ang ilang araw ay medyo nakarecover na ako ng tulog at pahinga. Hindi na rin ako halos umiiyak siguro ay natuyuan na ako ng luha. Pinatawag ko ang lahat ng kasambahay para magpulong.
"Manang Chedeng, mula ngayon po ay kayo na ang bahala sa lahat ng pangangailangan dito sa bahay at ang budget para sa pagkain," saad ko sa pinaka matanda naming kasambahay na siya rin ang mayordoma.
"Opo señorita," sagot naman nito.
"Kayo naman po Manang Minda at Manang Cinda ay full time pong mag-aalaga kina Kendra at Kennon ibig ko pong sabihin ay hindi niyo po sila iiwan maski sa school mula pagpasok hanggang sa pag-uwi," bilin ko sa dalawa.
"Opo señorita," sagot naman ng mga ito.
"Kayo naman po manang Nely, Sabeth at Lira ang mananatili sa kaayusan dito sa bahay wala po kayong babaguhin sa mga ayos sa kung paano ito iniwan ni Mommy," saad ko sa tatlo.
"Opo señorita," sang-ayon ng mga ito.
"Kayo naman po Manong Poldo ay ganun din panatilihin niyo lang pong maayos at malinis ang garden at pool area," bilin ko sa hardinero.
"Masusunod po, señorita," nakangiting sagot nito sa akin.
"At kayo po Manong Greg ang permanenteng driver ng mga bata sa school at kukuha pa po ako ng dalawang bodyguards na magbabantay sa kanila kaya mula ngayon iyong puting van na ang gagamitin niyo," saad ko sa driver.
"Opo señorita pero paano po kayo?" sagot nito.
"Huwag niyo akong alalahanin dahil kaya ko na ang sarili ko," sagot ko naman.
"Kayo po Manong Santi ang mag mamaneho sa kung sino ang kailangan lumabas at may lakad," saad ko sa isang driver.
"Opo, señorita," sang-ayon nito.
"Mula po ngayon ay hindi na ako aalis papuntang ibang bansa para mag-aral. Sana po ay iturin nating kapamilya ang isa't isa huwag din po kayong mag-alala at wala pong magbabago sa pamamalakad at pagpapasahod sa inyo sisiguraduhin ko pong ang lahat ay nasa ayos. Maglalagay din po tayo rito ng apat na security guards dalawa sa araw at dalawa sa gabi para na rin po sa seguridad nating lahat," salaysay ko.
"Opo, señorita. Maraming salamat po," halos sabay-sabay na saad nilang lahat.
"Makakabalik na po kayo sa kanya-kanya niyong gawain," pagtatapos ko.
Lumipas ang ilang Linggo ay naging maayos naman ang takbo ng mansion when it comes to financial dahil pagkatapos ng libing ay pumunta ako agad sa bangko at dinala ang death certificate ni Mommy at Daddy. Naging madali lahat ang proseso sa palipat sa account nila sa pangalan ko because they set their accounts as Transferable On Death at ako ang nakalagay na sole beneficiary kaya malaya akong mag labas ng pera mula sa bank accounts ni Mommy at Daddy marahil parehong bata pa si Kendra at Kennon. Sa laki ng mga perang naiwan nila para sa amin ng mga kapatid ko ay kahit siguro hanggang pagtanda namin ay hindi basta-basta mauubos may peso at dollar accounts sila pareho. Ang Mommy ko ay likas na magaling sa negosyo lalo na at graduate siya ng Bachelor of Science in Business Engineering sa Ateneo de Manila University at kumuha ng Master's Degree in Business Administration sa Wharton Graduate School ng University of Pennsylvania kaya matagumpay niyang napalago ang Preysler-Escat Group of Companies kung saan under dito ang dalawang Agribusinesses na Pandayan Foods Corporation na supplier and exporter ng Cavendish Banana and pineapple sa Asia Pacific, Middle East, some part of Europe and America at Bright Future Innovations, Incorporated kung saan ito naman ang isa sa pinakamalaking pagawaan ng Bio-Ethanol sa buong Asya. Pinasok din ng kompanya ni Mommy ang Food and Restaurants Industry na may limampung branches sa buong Metro Manila at sa ibang probinsya. Pag-aari din nila Mommy ang Mabuhay Finance Corporation na isang Private Investment Holding Group na naka focus sa Training and Operations, Agro-Industrial Package, and Insurance Services. Samantalang sa side naman ni Daddy ay nagmamay-ari ng malawak na lupain particular na ang hacienda at iba pang mga ari-arian na minana ni Daddy mula pa sa mga ninuno ng pamilya.
Paglipas ng mga araw ang mga kapatid ko ay unti-unti nang nasanay na ako na ang katabi nilang matulog doon sa kwarto nila Mommy. Hindi na rin kami dinalaw ni auntie Julienne bagay na lalong nagbigay sa akin ng dahilan para paghinalaan siya ngunit hindi ko maisatinig dahil ayun sa mga pulis wala pang malinaw na lead sa kaso at hanggang ngayon ay mga NPA pa rin ang suspects.