bc

Danger Zone: GUN DRAKE FERNANDEZ

book_age18+
18.9K
FOLLOW
95.3K
READ
billionaire
forbidden
possessive
dominant
manipulative
badboy
drama
bxg
enimies to lovers
cruel
like
intro-logo
Blurb

Lorraine has to move into his step-father's mansion after her grandmother died and has to live with her rude and cruel step-brother, Gun Drake Fernandez. Gun is the kind of guy you wouldn't want to mess up with, but she just found herself falling for his roughness.

chap-preview
Free preview
Gun Drake Fernandez
“Alam mo nakakasakal ka na! Sawang sawa na 'ko sa'yo!” sigaw ni Leisha sa kaniya. “Putang ina! 'Wag mong idadahilan sa 'kin 'yan! May lalaki ka!” nagdidilim na talaga ang paningin niya. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong katinding galit. “Iyan ang problema sa'yo Gun! Praning ka! Lagi mong iniisip na may iba akong lalaki kaya sawang sawa na 'ko sa'yo.” sabi ni Leisha habang inilalagay ang mga damit sa maleta nito. Agad na tumayo si Gun at kinuha ang maleta saka hinagis iyon sa pader dahilan para mawasak iyon. Nilapitan niya si Leisha at hinila ito patayo. “Wag mo 'kong gaguhin Leisha! Wag mo 'kong gawing tanga! Akala mo hindi ko alam kung saan ka napunta tuwing gabi?! Akala mo hindi kita pinapasundan ha?!” nabakasan ng takot sa mukha ni Leisha. Agad siyang napaiwas ng tingin kay Gun. “P-pinapasundan mo ko?!” pinilit niyang patapangin ang sarili kahit ang totoo ay kanina pa siya takot na takot sa lalaki. “Si Nicolo Villanueva, yung sinasabi mo na best friend mo, papatayin ko siya Leisha. Wag mo 'kong subukan dahil papatay talaga ako!” buong lakas niya itong inihagis sa kama. Tumayo si Leisha at naiinis na tinulak si Gun. “Oo! May relasyon kami ni Nicolo! Masisisi mo ba ako kung mamahalin ko siya?! Lagi siyang may oras para sa 'kin! Inaalagaan niya ko at ni minsan hindi siya nagalit sa 'kin! Lagi niya kong iniintindi hindi tulad mo na laging inuuna ang galit!” naramdaman ni Gun ang panghihina ng mga tuhod niya sa sinabi ng kasintahan. “A-alam mo naman yung sakit ko diba? Sabi mo naiintindihan mo! Sabi mo tanggap mo pa rin ako!” mapait na napangiti na lang si Leisha sa sinabi niya. “Akala ko rin Gun! Akala ko maiintindihan kita! Akala matatanggap kita hanggang huli pero hindi ko na kaya... Iyang IED mo ang sumisira sa 'kin! Mas kaya akong alagaan ni Nicolo! Mas kaya niya 'kong mahalin! Hinding hindi siya magagalit sa 'kin! Hindi katulad mo!” Pakiramdam niya ay tuluyang nagdilim ang paningin niya sa sinabi ng kasintahan. Agad niya itong sinugod at sinakal. Wala na siyang nakikita kundi itim, wala na rin siyang naririnig. Ang gusto niya lang ay pumatay, gusto niyang pumatay. Natigilan na lang siya nang mapagtanto na kusa ng lumaylay ang mga kamay ni Leisha na kanina ay pumipigil sa kaniya. Bumigat ang paghinga niya nang bumagsak ang katawan ni Leisha sa sahig. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. “Leisha, f**k. W-wake up.” tinapik tapik niya ang pisngi nito. Kinuha niya ang kamay nito at pinakiramdaman ang pulso nito. “Oh God.” napasabunot siya sa sariling buhok at napaatras. Napasandal siya sa pader at napatulala ng ilang minuto. Hindi niya alam ang gagawin, hindi niya alam kung iiyak ba siya, malulungkot o matatakot. “Gun!” agad na dumating ang mga kaibigan niya. “Fvck! What happened to Leisha?!” tanong ni Bullet at nilapitan ang wala ng buhay na babae. “What the fvck Fernandez?!” tila natauhan na lang siya nang makatikim ng malakas na suntok mula kay Prince. “P-patay na siya Prince.” nakatungong sabi ni Tiger. “f**k you Gun Drake! You'll rot in hell!” galit na sabi ni Prince saka muli siyang sinuntok. Nakapatay siya ng tao, pinatay niya ang girlfriend niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

POSSESIVE MINE

read
973.1K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
478.5K
bc

Unloved by the billionaire

read
398.2K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
535.1K
bc

That Night

read
1.1M
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
416.6K
bc

OSCAR

read
229.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook