After 4 years...
Her POV
"Well... well.... look whose here, my friend Felicity, kaya pala wala ka lage sa study den natin ay may iba ka ng pinagkakaabalahan, bakit hindi kami nainform, o ako lang ba?" namamangha niyang pahayag na hindi naaalis ang titig sa katabi ni Felicity.
"Ah....Serene... ikaw pala, ahmnnnn.... I am just having lunch here, ikaw sinong kasama mo?," sabi pa ni Felicity na tila kabado.
"I crave for korean dishes kaya nagtake out ako for me and our friends, but I never expect you are here with someone, .... ahmnn... whose him?," koryoso niyang tanong.
"Franz, Felicity's stepbrother!," agad na pagpapakilala ng gwapong lalakeng kasama ni Felicity na inilahad pa ang isang kamay nito sa kanya upang makipag hand- shake.
"Ayieh! Feliz, bakit hindi mo lang nabanggit na may kuya ka palang super hunk and sexy,!" bulalas pa niya habang mahigpit ang pakikipagkamay niya kay Franz na tila ayaw niya ng bitiwan kung hindi pa tumikhim si Felicity sa harap niya.
"Ahmnnn... maybe she is just afraid to lose me with pretty girls like you, may I know your name please?," bolerong sabi pa ni Franz sa kanya.
"Ohhh, I am Serenity, you can call me Serene, Feliz, you did not tell me na your kuya is not only hot but super sweet flatterer....heheehe," sinabayan niya ring ang pagkabolero ng ni Franz.
"The pleasure is mine, ikinagagalak kitang makilala Serene," sabi pa ni Franz na dinala nito ang harap ng kamay niya sa labi nito na ikinakilig at ikinapula niya.
For the first time in her entire life ngayon niya lang ang naramdamang makilig ng husto sa isang lalake. Palagay niya ay na love struck siya sa kagwapuhan ni Franz Dela Vega.
"Maybe, he is the one," anya sa kanyang isipan.
"Uhmnn... mauuna na kami Serene, may klase pa kasi ako ng 1 pm, saka na lang tayo mag-usap, bye!!!," sabi pa ni Felicity na tila iwas sa kanya na magtagal pa ang kanilang pag- uusap.
Isang tango na lang ang kanyang isinukli at nagkasya na lang magmasid kina Franz at Felicity pasakay ng kotse. Lagot lang talaga sa kanya ang kaibigan niyang si Felicity sa Magic 10 kapag nagkaharap na sila muli.
May usapan silang hindi muna magsyosyota hangga't hindi pa sila nakakapagtapos ng pag-aaral. Sa nakikita niya sa dalawa ay may ,as malalim pa itong ugnayan sa isa't isa. She can feel it and her instincts say so.
Nagmadali siyang kinuha ang kanyang inorder na take- out foods para sa kanilang magkakaibigan na dadalhin niya sa kanilang study den. Kaya pala lately ay medyo hindi na tumatambay sa kanilang study den si Felicity dahil abala na ito sa stepbrother nito.
She smells something fishy from the two. But deep in her thoughts ay may kakaiba din siyang nararamdaman sa stepbrother ni Felicity. Humahanga siya rito sa unang pagsilay niya sa gwapong mukha nito.
She is not sure of her feelings maybe she was attracted nothing more, nothing less. Ang dami ng mga lalakeng nahuhumaling sa kanya. Gwapo, mayaman, matalino at may galing sa buhay pero ngayon lang talaga nakuha ni Franz ang atensiyon niya.
Hindi niya na rin mabilang sa mga daliri niya ang mga lalakeng napaglaruan niya ang damdamin. She is Serenity Eudela, a head turner, bubbly and definitely awesome to be with. She loves partying with her friends with some sort of ladies drinks.
Nang unang salta niya sa siyudad ng Maynila ay nanibago pa rin siya at nang makapasok sa prestiyosong university ay doon niya lubos na naiintindihan ang pinagsasabi sa kanya ng kuya Dane niya.
Maraming manggagamit, maraming nang-aapi, maraming kapit sa patalim, maraming nawawala ng landas at maraming uhaw sa pagmamahal. Iba- ibang estudyante at mga tao ang nakasalamuha niya ngunit mabuti na lang ay natagpuan niya ang kanyang sarili sa Magic 10 ang binuo nilang grupo ng magkakaibigan.
Totoo nga ang sabi nila same birds flock together. Pareho silang magkakaibigan na bagama't may sinasabi sa buhay ang mga magulang ay may bahagi sa buhay nila ang kulang na hinahanap hanap pa rin nila at gusto nilang patunayan.
Siya ang matagpuan ang tunay na pag-ibig at makawala sa madilim at malaimperyinong klaseng buhay ng kanilang pamilya. Sawang- sawa na siya sa mga latay ng latido at anuman pa mang bagay na ginagamit ng pananakit ng kanyang mga magulang.
Kahit nasa siyudad na siya ay sinusundan pa rin siya ng anino ng hagupit ng latigo ng kanyang mga magulang. Laging bukambibig nito na mahal na mahal siya ng mga ito. Karinyo brutal ang ginagawa ng mga ito sa kanya.
Hindi rin siya makakatakas sa mga ito dahil lage siyang may mga bodyguards na bagama't hindi nakakalapit sa kanya ay nasa paligid lamang niya at in disguise kaya hindi halatang binabantayan lahat ng kilos niya.
Nagmadali na siyang sumakay sa kanyang kotse. Oo, napuno siya ng pananakit ng mga magulang ngunit busog siya sa lahat ng mga materyales na gusto niya. Hindi siya nahuhuli sa mga bagong uso na mga gamit at damit.
Sa Magic 10 nga ay si Felicity ang kasabayan at katunggali niya sa fashion at latest styles. Tulad niya ay maporma din ito at may sinasabi pagdating sa aesthetic trends.
Mukhang hindi lang sa damit at bagay bagay sila magkakatunggali ni Felicity. Mukhang sa napupusuan na lalake ay pareha sila. Bagama't iwas sa kanya si Felicity kanina ay damang-dama niya ang pagseselos nito ng maglapat ang mga kamay nila ni Franz.
She is sure na may nangyayaring kababalaghan sa dalawa. But she is not interested with what is the standing of the two,. She is curious and excited to get to know more about Franz Dela Vega kung kaya't kinuha niya ang kanyang smartphone at nagsearch patungkol kay Franz Dela Vega.
"Boalalalalala.... I got you, Franz," nagtipa siya ng friend request at nagfollow sa lahat ng public social medias nito.
Koryoso niyang iniisa isa ang mga public photos nito karamihan ay tag photos from friends at kakakilala nito. Wala namang maraming posts and recent updates si Franz.
What caught her attention is a single photo of him in a building familiar to her parang nakita niya na ito. It seems like the aviasion school of her brother. Kung kaya't nagtipa siya ng mutual friends nito at lumabas nga ang account ng kuya Dane niya.
"What a small world, Franz Dela Vega, now I have the chance to finally know you deeper, kung ayaw kang ipakilala ng stepsister mo, well, I have kuya Dane with me....well, kuya, get ready for your tuxedo, my hole will be bulls-eye soon, hehehe," anas niya pagkatapos ay pinaharorot na ang kotse papunta ng university.