SHDWTB 8- PIKOT

2456 Words
Just a month ago... Her POV "Kuya you have to help me with my plan, I need your help," apila niya sa kanyang kuya Dane. "Serene, I can't help you with that, Franz is a good friend at hindi ka noon kayang mahalin, that asshole is in love with her stepsister," anas pa nito. "But I think he is the one na kuya," pilit niya pa. "Eh, hindi ka pa naman pala sigurado, for sure magbabago din iyang nararamdaman mo para kay Franz," ganti nito. "Perhaps but ibang-iba si Franz, kuya, gusto ko siya and I feel that I am going crazy if hindi siya ang makakatuluyan ko," giit niya. "Just like some other guys you are playing and flirting with na sa huli ay sasaktan mo rin," sabi pa nito sa kanya. "Magkaiba iyon kuya, those guys are chasing after me but Franz, he is different, I already said to him my real feelings, inamin ko na sa kanya na mahal ko na yata siya," kumpisal niya ng totoo. "What? Nababaliw ka na nga talaga bitchy baby girl, binababa mo ang sarili mo para sa lalakeng hindi naman karapat dapat sa iyo," singhal pa nito sa kanya. "I am not, he is just simply perfect for me kuya, kaya nga, I find him intriguing and challenging that's why you gonna help me to get him," saad niya pa na hindi pa man nangyayari ang naiisip na plano ay may ngiting tagumpay ng nakapaskil sa kanyang labi. "Count me out, stop pursuing on your evil plan bitchy baby, marami pa namang darating na lalake, take your time!," mungkahi pa nito. "No... hindi ako makakapayag, kuya, I am running out of time, gusto ko ng umalis sa bayolenteng buhay natin hindi ko na kaya kuya, please maawa ka naman sa akin," pakiusap niya pa. "All I thought, manhid at sanay ka na, it looks as though, you are enjoying every moment of our session last week," saad pa nito na tili hindi pa rin kumbinsido sa kanya. "I will not ask help for you if I am happy, I am not kuya, please huwag muna intindihin ang nararamdaman ng iba, maaatim mo bang patuloy pa rin akong masasaktan? Hindi ba nangako kang tutulungan ako? Kuya, please...," anas niya pa. "Okay fine bitchy baby, kung hindi ka lang talaga malakas sa akin, eh! So, what am I going to do?," turan pa nito. "Yey, you mean you gonna help me na? Sabe ko na nga ba, hindi mo ako matitiis," pagbubunyi niya. "So, how would we gonna do it, lay me the cards?," tila nahihimigan niya ang pagkawili nitong sunggaban na anb kanyang mga plano. Hindi na nga siya nagpatumpik-tumpik pa at inilahad na sa kanyang kuya Dane ang gusto niyang mangyari. She is sure that everything is gonna take place as what she wanted it to be. "Iyon lang ba lahat, that's easy baby bitchy!!!," anas pa nito. "So, it is a big deal then kuya, basta, walang ibang makakaalam ng gagawin natin kuya, promise me that?," mariin niyang paalala sa kuya Dane niya. "Promise!!! So, call Felicity now and invite them, kailangang dumating sila sa bar bukas ng gabi ng sa gayon maisakatuparan natin ang lahat ng mga plano mo, right?," saad pa nito. "Ako na bahala kuya, basta gawin mo lang ng maige ang papel mo sa gagawin natin, walang sasabit, I could really smell victory in the end," anas niya. "So better sleep now bitchy babe, everything is settled now, mapapasayo bukas ng gabi si Franz Dela Vega," pinal na sabi nito bago lumabas sa silid niya. Kakauwi lang ng kuya Dane niya noong isang linggo mula sa America kung saan din nag-aral si Franz upang makadalo sa anibersaryo ng kasal ng kanyang mga magulang. Sinong mag-aakala na ang sweet at loving na mga magulang niya may tinatagong maitim na pagkatao. Sa likod ng mga maskara nito ay may malademonyo at satanas na katauhan. Parang mga baliw sa kanilang prinsipyo na nasusukat daw ang tunay na pag-ibig sa pag-inda ng mga pisikal na pananakit sa isa't isa. Okay lang sana kung hindi na sila dinamay pa ng magkakapatid. Pati sila ay binuhay sa karahasan ng mga magulang na akala niya ay ito ang mangangalaga ng kanilang kapayapaan ng puso at isipan. May tamis sa labi siyang nakatulog.Bukas ng gabi ay magbabago na ang kanyang kapalaran. Makakatakas na rin siya sa mga kamay ng mga magulang. Hindi na ito maghahabol sa kanya dahil may asawa na siya. Iyon ang kasunduan nila magpamilya na hindi na makikialam ang mga magulang niya sa kanila kapag nagpakasal na sila at kapag nagustuhan na,an ng mga ito ang mapapangasawa nilang magkapatid. Mukha wala siyang magiging problema dahil umpisa pa lang na makita ng mga magulang niya si Franz ay gustong-gusto ng mga ito ang binata. Hindi niya sukat akalain na ninong pa ang daddy niya si Franz. She is sure that the universe conspired with her upang pagtagpuin ang mga landas nila ni Franz. Wala na siyang pakialam pa kung may masasaktan kahit kaibigan niya pa si Felicity ay hindi siya manghihinayang na ipagpalit ito sa kalayaaang inaasam niya. Naggising siya the following day with full of hopes in her heart and mind. Maaga pa lang ay inihanda niya na ang kanyang susuotin. She should be the most head turner mayayang gabi sa bar. She stayed in her brother's condo pagdating niya sa siyudad dahil nangibang bansa na rin ito upang mag-aral sa aviasion school. Hindi na siya lumipat at naghanap pa ng matitirhan. The condo's space is enough and safe for her kaysa naman doon sa pag-aari nilang resort na kadalasang nangyayari ang session nila ng mga magulang.She had no good memories in that place expect for the photoshoot moments with her and Franz. Napakagentleman nito at hindi man lang nagtake advantage sa kanya. Pakiramdam niya ay alagang- alaga siya ni Franz sa panahon na iyon. Nirerespeto siya nito at nakikinig ito sa mga whims and never- ending nonsense stories niya. She found a friend with Franz. Hindi lamang ideal itong mag-asawa niya kung hindi magaan ito kasama. Napapagaan nito ang kanyang kabadong puso at pag-iisip. Sigurado siyang sa piling ni Franz ay matatagpuan niya ang totoong kahulugan ng kanyang pangalang Serenity. Wala na siyang pakialam kung hindi man siya nito gusto dahil natutunan naman ang pag-ibig. Gagawain niya ang lahat upang ibigin lamang siya ni Franz. Imposible hindi mahulog sa kanya si Franz. Hindi hamak naman na mas maganda siya kay Felicity. Kung sa kaseksihan at ganda ng mukha ay may ilalaban siya. Ang tanging lamang niya lamang kay Felicity ay magaling siya mang-akit ng lalake. She is outwardly wild outside but deep down she is pure as innocent baby. Hindi niya pa natiktikman ang tamis ng unang halik sa tunay niyang minamahal. Gusto niya ito ibigay ng buo kay Franz pati na rin ang kanyang kadalisayan. Iaalay niya ito ng walang pag-aalinlangan. Oo, mapusok siya at nagpadalos- dalos ng desisyon ngunit kailangan niya ng kumilos sa agarang panahon kung hindi mahihirapan na siyang makalabas sa kumonoy. "Are you ready bitchy baby?," tanong sa kanya ng kuya Dane niya. "Of course, I am definitely ready, kuya! Let's go?," anyaya niya sa kapatid. Pagdating nila sa loob ng bar ay naroroon na ang iba niyang mga kaibigan sa Magic 10. Nagsimula na ang mga itong mag-inuman at magkwentuhan. Nakisali na rin siya sa kasayahan bagama't may bahid ng lungkot dahil hindi pa dumarating sila Felicity at Franz. Sinubukan niyang kontakin ang mga numero ng dalawa ngunit parehong unattended. Saan at ano naman kaya ang pinaggagawa ng mga iyon. Tatayo na sana siya upang magretouch sa banyo ng pigilan siya ng kuya Dane niya. "Stay here, baka dumating na sila you will miss the exciting moment," bulong pa nito sa kanya. "Brod, magreretouch lang ako, babalik din ako agad," sabi niya pa. "No need, you are still looking fresh and dazzling, sit," mando sa kanya ng kapatid. Sumimsim na lang siya sa bote ng ladies drink upang supilin ang kabang nadarama. Kahit pa naman isa siyang bitchy girl ay may awa at puso naman siya. Hindi naman siya ubod ng sama kailangan niya lang talaga ito gawin upang tumahimik naman ang buhay niya dahil deserve niya iyon. Nagulat na lang siya ng pag-angat niya ng kanyang ulo ay nagtama agad ang mga mata nila ni Franz at nasa tapat na nila. Isang malapad na ngiti ang pinakawalan niya at umandar na ang kanyang pagkamalandi. "Oh, there you are Franz, we are waiting for you to come, come let's sit here tabi tayo,huh," agad siyang tumayo sa kinauupuan at dagling kumapit sa braso ng binata. "Ahhh...ehhh... hi, Serene... ahh, thanks...," wala na itong naggawa dahil inakay niya na ito sa tabi niya. Napapagitnaan siya ng kuya Dane niya at Franz. Tumatakbo ang oras na hindi niya na batid ang kalungkutan dahil nasa malapit lang ang lalakeng kanyang sinisinta. Hindi niya pinansin pa ang mga kilos at ganap ng iba pa niyang mga kaibigan sa lamesang kinabibilangan niya. Kahit nga si Felicity ay pekeng pagpansin lang ang ginawa niya dahil kay Franz na nakabuhos lahat ng atensiyon niya. Hanggang sa nangimbita na siya ng sayawan sa dance floor. Everyone is in the mood for dancing and merry making. Tila lunod na lunod sa panandaliang libangan ang mga naroroon na umiindak sa saliw ng pop dance music. "Have you seen Feliz, Serene?," tanong sa kanya ni Franz ng imbitahan siya nitong umupo na dahil napagod na daw ito sa kasasayaw. "Nope, I guess lumabas," turan niya. "Come on Franz, stop acting like a jealous old big brother, hayaan muna si Felicity, she is a grown- up woman, she can handle herself well," turan niya pa ng makaakyat na sila sa ikalawang palapag ng bar. "Feliz.... please answer the phone, goddamit!!!," mura pa Franz over the phone. "Franz, relax, ano ka ba, the night is young and wild, look at the people below, nagkakasayahan, baka naman ayaw lang padistorbo ng little sister mo kaya't pinatay nito ang kanyang telepono," kalmadong turan niya pa. "Feliz is not like that, nagpapaalam iyon," depensa pa nito. "Talagang kilalang - kilala muna ba talaga si Felicity, Franz?," tila nag-uuyam niyang sabi. "Yeah," maikli nitong sabi. "Come on, Franz, maupo muna tayo, masakit na rin ang mga paa ko sa kakalakad," reklamo niya pa. "Seat, Franz and enjoy, I am sure masaya si Feliz kung saan man siya ngayon, I have known my friend quite a couple of months already in college kaya huwag muna siyang alalahanin, sanay na iyon," palatak niya pa. "What do you mean?," curious nitong tanong. "Hindi niya ba nasasabi... oh, my!!! Lagot ako nito kay Feliz!!!," anas niya. "Say it, damn it!," malakas na hiyaw ni Franz. "Whoooahhhh, easy!," nahintakutan naman siya. "Pasensiya na, Serene, hindi dapat kita nasigawan, I am sorry," biglang paumanhin sa kanya ni Franz.. "It is okay, Franz, I understand. Siyempre kapatid mo si Felicity, natural lang iyon na magalit ka!!! Ahhh.ehhemmmm.... ganito kasi iyon.... Feliz and the magic 10 girls used to hang out together in different bars at minsan nga umaabot pa kami ng madaling araw..... at ehhhhh... Feliz, always the one who got away, I mean totga, nawawala na lang bigla... eheemmm... iyon pala sumasama sa mga natitipuhang mga lalake, you know what I mean, making out....," mahaba niyang paliwanag. "What the f**k, shittttt!!!!," mura pa ni Franz na naihampas ang kamao sa lamesa na lumikha ng ingay kaya't napatingin sa kanila ang mga tao sa taas ng palapag ng bar. "Jezzzzz kung hindi lang kayo magkapatid ni Felicity ay talagang iisipin ko na nagseselos ka sa nalaman mo tungkol sa kanya, haist... Franz, you are like a freaking out boyfriend with how you reacted, jezzz!!," iiling- iling na pahayag niya. "Hmnp," napatikhim ito. "Mabuti pa ay eenjoy na lang natin ang gabi, like them, oh!" tudyo pa niya na tinuro ang kumpulan ng mga couples na naghahahuran habang masayang nag-iinuman. "Uh- ahh, waiter, two buckets of beer please," tawag ni Franz sa waiter ng maghatid ito ng order sa kabilang lamesa. "That's the spirit, Franz, whoooh...whoooh," tudyo naman niya sa kanya ng tumalima ang waiter upang kunin ang order niya. "Look Franz, tingnan mo!," biglang kabig niya ng mukha ni Franz upang sundan kung saan ito nakatingin.Some Magic 10 girls are still there in the dance floor. "Kaya mo pa ba uminom, Franz, mukhang lasing ka na?," nag-alalang wika niya kay Franz ng maubos na niya halos ang dalawang bucket ng beer at hinatiran na naman sila ng panibagong dalawang bucket na naman ng beer. "Ooooo.ooi....heheheheh, sinong lasing, akoooo???? Hindi ahhhh, heheheh, inum pa tayo, cheers?," pilit na naisatinig ni Franz. "Puwede na iyan, enough Franz," pilit na kuha niya ng bote ng beer sa kamay nito. "Hoyyyyy, huwag ka ngang kj, inum pa tayoooo... okay?," hirit pa nito. "Sige, huli na to at uuwi na tayo, hehehe,..okay, cheers!!," anas niya. "Feliz, oh my Feliz!" mahina anas anas bago siya nawalan ng ulirat sa sobrang kalasingan. She smiled evilly seeing Franz' drunk and wasted. She immediately dialled her kuya Dane's number upang matulungan siyang maalalayan siya pababa at pasakay ng kotse nito si Franz. Dumaan nga sila sa likod na exit upang hindi sila makfa sa CCTC at maikubli niya ang katauhan nila ni Franz. Naisakay din naman nila ng kuya Dane niya si Franz. Nabuksan din nila agad ang kotse ni Franz dahil nakuha niya ang susi ng kotse nito sa bulsa ni Franz. Napagtagumpayan nga nilang magkapatid na madala si Franz sa kubo nito. Si kuya Dane niya ang nagmaneho ng kotse dahil hindi pa ito lasing. Nang maihiga na nila si Franz sa kama nito ay pinaalis niya na agad ang kuya Dane niya. "Kuya, thank you so much, ako ang bahala sa kanya, wish me luck!," saad niya. "Woah, goodluck, bitchy baby, he is all yours, huwag munang pakawalan, baboooo... enjoy!," tawang- tawa sabi pa nito habang naglalakad palabas ng silid ni Franz. Lasing na lasing nga si Franz at walang kamalay- kamalay na hinubaran niya na ito at wala nga siyang tinirang saplot nito. Hindi naman siya tumingin dahil nga birhen pa ang kanyang mga mata saka na lang siguro kung kasal na sila. Matapos niyang mahubaran si Franz at sumunod na rin siya. Naghubagpd siya ng lahat ng kanyang kasuotan at sumampa na rin sa kama katabi ni Franz. Binalot niya ang mga hubad nilang katawan ng comforter at iniyakap ang sarili kay Franz. Bukas magbabago na ang lahat sa kanila ni Franz. Sana ay mapatawad siya ni Franz sa ginawa niya. But tao lamang siyang nalagay sa magipit na sitwasyon na kailangan niyang gumawa ng hakbang na kailangan niyang isakripisyo ang buhay ng iba para sa kanyang kaligtasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD