Her POV "Naku, hija, may tagos ka? Kailan ka lang huling dinatnan?," wika pa sa kanya ng matandang babae. Napatingin siya sa likuran niya. Kasalukuyan kasi siyang naghuhugas ng pinagkainan nila ng matanda. Katatapos lang nilang dalawa kumain ng hapunan. Pinagdiinan niyang kakain lang siya kapag sinabayan siya ng matanda kumain. Hindi rin siya pumayag na kakain sa malapad na lamesa sa dining area. Mas gugustuhin niya pang sa kusina kumain na may kasama at may nagkukuwento sa kanya ng kahit ano. Mas lalo kasi siyang pinapatay ng kanyang isipan sa pag-alala ng mga nangyari sa kanya. "Kaya pala ang lagkit ng pakiramdam ko may dalaw pala ako," anas niya. "Ibig sabihin hija, hindi ka buntis, sayang naman at hindi pa magkakaanak si master sa iyo," sabi pa nito na ikinatigil niya sa pagsasab

