Her POV Ilang saglit pa niyang tinitigan ang buwan sa langit bago nagpasyang tumayo na sa kinauupuan. Nagpakawala siya ng malalim na buntong- hininga at tumalikod na upang humakbang papasok sa sala ng may nahagip ang kanyang mga mata na anino ng tao. Agad niyang sinundan ang anino na di umano'y umiiwas sa kanya at bigla na lang naglaho. Sigurado siyang anino iyon ng tao. Hindi siya maaaring magkamali. Hindi naman anino iyon ng matandang babae. Nasisiguro niya rin na hindi iyon mga tauhan iyon ng demonyong halimaw dahil base sa sinabi ni Nana ay hindi maaring makalapit ang mga iyon sa kanya. Ilang beses na rin siyang tumangkang tumakas ngunit laging nakaaligid ang mga goons nito sa di kalayuan sa kastilyong pinaglagakan sa kanya. Kaya't wala siyang kawala. Paano siya makakatakas kung

