His Pov "Steve, tama na yan, lasing ka na! Malalim na ang gabi hijo, magpahinga ka na!," rinig niyang sabi ni Nana Goring pagpasok nito sa secret door patungo sa kanyang private space dito sa kastilyo niya sa isla. "How is she? Is she alright?," nag-alala niyang turan at bumaling sa matandang yaya niya na mula musmos pa siya as siya na mismo ang nag-aalaga sa kanya at lage niyang kasama. "Iyon sa awa ng Diyos nakatulog na matapos kung pahiran ng langis sa buong katawan," pahayag ni Nana Goring. He release a deep sigh as a sign of relief. Hindi niya maatim na pagmasdan si Serenity na namimilipit sa sakit. "Heto, hijo, pinagtimpla kita ng kape upang mahimasmasan ka. Alam ko naman na naglalasing ka na naman," anas pa nito. "Bakit ganoon Nana, nakaganti na ako sa kanya pero hindi pa rin

