Chapter 2

1245 Words
Third Person’s POV Pagpasok ni Zeke sa Star Magic Van ay agad itong umupo at ipinikit ang mga mata. Sobrang pagod ang nararamdaman nito. Wala na nga siyang tulog dahil sa byahe ay hinabol pa siya ng mga fans niya kanina. Pumasok naman ang manager nito at tumabi sa upuan katabi ni Zeke. Tinitigan niya ito atsaka nagbuntong hininga. Kanina pa siya nag-aalala pagkatapos siyang tawagan ng driver na hindi parin bumabalik ang star. Mabuti nalang at may mabait na tumulong dito. “I’ll cancel your meeting with producer M. Magpahinga ka nalang muna sa studio mo ngayon,” sambit ng manager nito. Hindi siya pinansin ni Zeke at patuloy na nakapikit ang mga mata. "Paano pala kayo nakalabas?" tanong pa niya. Hindi parin ito sinagot ni Zeke. Hindi naman ito ikinagulat ni Jian. Mabibilang talaga sa mga daliri ang mga salita ni Zeke. Pero atleast ay kinakausap siya nito. Kung sa ibang mga tao ay hindi talaga ito nagsasalita. Nagulat nga ito nang makitang bumaba si Zeke sa sasakyan ng hindi kilalang babae. "Alam mo kailangan na talaga nating mag-hire ng part time personal assistant," sambit niya. Hindi parin umimik ang star at patuloy na hindi pinansin ang manager. "Zeke, nakikinig ka ba sa 'kin? Anim na taon na ang nakalipas. Hindi mo parin ba siya nakakalimutan? Alam mo, hindi lahat ng tao kagaya niya. Malay mo makahanap tayo..." naputol ang pagsasalita ng manager ng tiningnan ito ni Zeke ng masama. "Do whatever you want," Zeke said and closed his eyes again. Nabuhayan ng loob ang manager dahil hindi nito inaasahang magsalita ang star. Akala niya ay mananahimik lang ulit ito gaya ng mga nakaraang taon. Ngayon ay hindi niya akalaing mapapayag ang star tungkol sa pagkuha nila ng assistant. Siya na nga lang ata ang celebrity na ayaw kumuha ng assistant. "Kuya sa studio tayo," masayang sambit niya sa driver. Pinagpahinga na nito si Zeke sa kanyang studio at nagtungo agad sa kanyang office. Inihanda niya ang kanyang sarili dahil alam niyang dudumugin ng mga fans ni Zeke ang gagawin niyang post. Kinontak din niya ang kakilala niyang agent para tulungan itong pumili ng sampung kandidata para sa final interview. Kailangan niyang maging maingat sapagkat ayaw na niyang maulit ang nangyari 6 years ago. Wala pang isang oras ay marami na siyang natanggap na email applying for Zeke's part time personal assistant. "Let's start," seryosong sabi ni Jian sa mga agent at sinimulan na nila ang pag-review sa mga CV ng aplikante. Ilang sandali pa ay napatigil si Jian. Kung hindi love letter para kay Zeke ay scam naman ang nababasa niyang emails. Sa dami ng nag-send sa kanila ng email ay wala pang kalahati ang nabubuksan niya pero sumuko na siya. Mukhang sa ganitong paraan ay hindi siya makakahanap ng matinong aplikante. Tiningnan niya ang limang kasama niya sa loob ng office. Busy sila sa pagbabagsa ng email. “Kumusta?” tanong niya sa kanila. They all shrugged sapagkat kagaya niya ay wala parin silang mahanap. “Magpahinga na muna tayo. Ipagpatuloy nalang ulit natin ito mamaya,” sabi naman niya saka siya lumabas ng office para lumanghap ng hangin. Sa hindi kalayuan ay namataan niya ang isang pamilyar na café. Matagal-tagal din itong hindi nakapunta roon dahil sa busy schedule ni Zeke. Nagpasya siyang bumisita ulit baka sakaling makaisip siya ng ibang paraan. “Good morning sir,” bati ng cashier sa kanya. Nginitian naman niya ito. “Strawberry milktea please,” he said. Pagkatapos niyang mag-order ay pumwesto ito sa table na malapit sa bintana. Gustong-gusto niya ang view sa pwestong iyon. “Jian?” narinig niya ang isang boses kaya nilingon niya ito. Nakita niya ang isang babaeng naka-white dress at nakangiti sa kanya. “Ailee?” tanong niya rito. Umupo naman ito sa tabi ni Jian. Kaibigan niya ito mula pagkabata. Hindi nga lang sila palaging nagkikita sapagkat busy sila sa kani-kanilang buhay. Nag-aaral si Ailee samantalang siya ay busy sa mga proyektong iniaalok kay Zeke. Coincidence siguro at nagkita muli sila sa cafe ngayon. Matagal silang hindi nag-imikan hanggang sa naalala nanaman ni Jian ang tungkol sa paghahanap niya ng matinong aplikante para kay Zeke. Napabuntong hininga ito atsaka tiningnan ang mga sasakyang dumadaan sa harap nila. "Anong problema? Ilang buwan lang tayong hindi nagkita pero ngarag na ngarag ka na," pabirong sambit ng dalaga. Nilingon naman siya ni Jian habang nakasimangot. "I'm currently looking for Zeke's personal assistant. Pero ni isang matinong aplikante wala akong mahanap," matamlay nitong sagot. "Zeke? Sinong Zeke? Tsaka kailan ka pa naging taga-hanap ng aplikante?" confused na tanong ni Ailee. Walang kaalam alam ang dalaga sa trabaho ng kaibigan. Nagulat naman si Jian dahil hindi ito kilala ng dalaga. "Hindi mo kilala si Zeke Hache? Ano bang giangawa mo sa cellphone mo at hindi ka nagbabasa ng balita. Siya ngayon ang pinaka sikat na singer sa buong Pilipinas at sa buong Asya," tuloy-tuloy na sambit ng binata. May tao pa palang hindi nakakakilala sa star na si Zeke? "Tsaka manager niya ako kaya dapat lang na asikasuhin ko ang mga kailangan niya. At ngayon ay kailangna niya ng part time personal assistant," paliwanag pa niya. Pagkatapos iyong marinig ni Ailee ay napatayo ito at tinakpan ang bibig. Hindi siya makapaniwalang manager pala siya ni Zeke. Ang taong kinababaliwan ng best friend niyang si Blair. "OMG," she exclaimed. Nang marealize ang sinabi ng kaibigan ay umupo ulit ito atsaka siya hinawakan sa balikat. Nagulat naman ang binata sa ginawa ni Ailee pero nakipagtitigan ito sa dalaga. "Anong sabi mo?" tanong sa kanya ng dalaga habang mariin parin siyang tinititigan. "Zeke Hache?" nagtatakang tanong ni Jian. "Hindi! Ang sabi mo kailangan mo ng part time personal assistant para sa singer na si Zeke?" sagot naman agad ng dalaga. Tumango-tango na lamang si Jian dahil hindi parin niya maintindihan kung gano'n ang asal ng kaibigan. "May rekomendasyon ako!" masiglang sambit ng dalaga. "I-sesend ko sa'yo ang CV niya. Sigurado akong hindi kayo magsisi sa pagkuha sa kanya," patuloy nito. Ang saya niya dahil matutulungan nito ang best friend. Matagal na nitong inaalok si Blair para magtrabaho sa kompanya nila pero talagang ayaw nito. Ngayon ay hindi na siya makakahindi dahil si Zeke Hache ang magiging boss niya! Hindi niya lang matutulungan ang best friend na makita ang idolo pero makakatulong din ito sa paghahanap ni Blair ng part time job. Tiningnan niya ulit ang lalaking gulat parin hanggang ngayon. Nagtataka man ang binata ay tumango nalang ulit ito. Kilala niya si Ailee at ngayon lang niya nakita ang ganoong kilos niya. "Alis na ako, mag-lunch tayo sa susunod," paalam ng kaibigan saka siya iniwang nakatulala. Dumating naman ang order nitong strawberry milktea. Magbabayad na sana ito ng tumanggi ang cashier na kunin ang bayad niya. "Hindi ko pa ito nababayaran," sambit ni Jian. Ngumiti naman ang cashier sa kanya. "Hindi na po kailangan sir. Ang sabi po ng boss namin ay hindi niyo na kailangang bayaran ang order niyo," masayang paliwanag ng cashier. "Sino ba ang boss niyo?" tanong niya naman. Wala naman siyang matandaang nakausap ang may-ari ng cafe para i-free ang order nito. "Ang babaeng kasama niyo po kanina. Kabibili niya lang nitong cafe saka kami sinabihang huwag kang pagbayarin," nakangiti paring paliwanag ng cashier. Tulala ang binata habang lumalabas ng cafe. Nagtataka parin ito kung bakit iyon ginawa ng kaibigan. Pero masaya ito at nakalibre ng milktea. Napaka mahal pa naman ng inumin nila sa cafe na iyon. to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD